Changes
Weeks passed by. Simula nang dumating kami dito sa Pilipinas, wala akong ibang ginawa kundi ang magpaka-ina sa aking anak. Minsan sinasama siya ng kaniyang papa sa opisina, kapag hindi ganoon kabusy, habang ako nama'y mas pinipiling manatili na lang sa condo. Hindi rin naman ako pinipilit ng dalawa. Minsan gusto kong lumabas at mamasyal pero nakakatakot. Nakakatakot na baka may makakita sa akin na isang kakilala at mapagkamalan pa akong multo. Funny, right? Ang taong inaakala ng lahat na patay na, ay nasa paligid lang pala nila.
I promised myself that I will leave the past. Kakalimutan ang mga nakaraan at mamumuhay ng masaya sa kasalukuyan. But sometimes, I can't help but to think about so many things. I have a lot of questions and curiosity in my mind. Like; kamusta na kaya ang kompanya, though, alam ko namang nangunguna na ito sa lahat ng kagayang kompanya. Kamusta na kaya si tito. At kung...kasal na kaya sina Bianca? How about....may baby na kaya sila at may pinsan na kaya ang anak ko? Sa loob ng mahabang panahon, maraming tanong ang laging sumasagi sa utak ko. Minsan, naitatanong ko rin sa sarili ko, nasaktan kaya sila sa pagkawala ko? O baka mas lalo silang sumaya? I badly needs an answers for those damn questions of mine, pero kahit gustuhin kong malaman, alam kong masasaktan lang ako. Kaya sa huli, mas pinipili ko na lamang manahimik. Yes, I know that truth really hurts, kaya nga may mga taong mas pinipili nalang na wag alamin para hindi na masaktan, eh. Because they think that being blind for the truth is the best way to escape the pain.
"Are you going with me today, Clor?" Daun asked my son with a smile on his face.
Clor is chewing his foods inside his mouth while nodding his head to his papa.
"Okay!" Daun yelled, happily.
I glared at the two of them. They're very close to each other like a real father and son. I smiled on my own thoughts.
Biglang nawala ang ngiti ng biglang sumagi sa isipan ko ang kaniyang totoong ama. I can't help but to imagine how happy my son is kung totoong ama niya ang nakakausap at nakakasama niya. That everynight, before he sleeps, kami ang nasa tabi niya hanggang sa makatulog siya. That everymorning when he wakes up, didiretso siya sa kitchen just to see his loving parents preparing their breakfast. That every weekends, dapat kami ang magkakasama at masaya. But all of those are just an imaginations. Hindi na iyon kailanman mangyayari kahit umasa pang muli ako.
"How about you, Beige? What are you planning to do now, hindi ka naman sasama for sure." inigaw ni Daun ang atensyon ko.
I sipped on my glass and answered him with a smile.
"Siguro, hm....." I acted as if I am thinking of something to do. "Uhm..... grocery?" I added and shrugged my shoulders.
Tumango lamang siya at pinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos ang dalawa sa pagkain ay iniligpit ko agad ang mga pinagkainan at tsaka inasikaso ang aking anak.
"Behave ka lang doon, okay? Wag kang masyadong pasaway sa papa mo. Wag na wag ka ring lalayo sa kaniya-"
"Mom." he said, irritated.
I chuckled for that. Naiinis siya sa araw-araw kong paalala sa kaniya tuwing sinasama siya ng papa niya. I know he's a dutiful kid, i just want to remind him how worried I am when he's not around, 'cuz i loved him, so much.
"There." sabay pasada ng tingin ko sa aking anak matapos kong ayusin ang kaniyang suot.
Gustong gusto ko ang parteng ako ang magpapaligo sa kaniya at ako rin ang pipili ng mga damit na susuotin niya, pero siya na ang gumagawa noon. As much as I want to, he always insists that he can do such things for himself. Nadidismaya ako dahil gusto ko ako ang gagawa noon, pero sa kabilang banda, nasisiyahan ang puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/140157265-288-k369979.jpg)
YOU ARE READING
Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)
RomanceSa lupang pinangakuan ba muling magtatagpo ang dalawang pusong pinaglayo? Book Cover Made By : @SeikoArtemis