Reasons
Love isn't like a fairytale where it starts with a poor beginning and ends with a happy ending. We are now living on a modern fairytale where there is no happy endings. In reality, love starts with a magical feeling and ends with a hurtful ending.
In fairytales, your prince acts as your saviour, your hero. But in reality, the man you'd loved is the same person that will just make you cry.
I woke up with a sudden pain inside my head. Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Malabo sa una subalit sinubukan kong kumurap ng ilang beses sa marahang paraan. Ang aking kanang kamay ay may nakatakid na swero. Ginalaw ko ito pero hindi ko na rin pinilit dahil baka magdugo ito. Sunod kong hinipo ang aking ulo. Napalilibutan ito ng benda. Maya-maya'y nakaramdam agad akong muli ng pagkirot nito. Masakit. Tila may kung anong ipinupukpok dito.
Pumikit ako ng mariin nang biglang marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto.
"Beige." isang malambing na tinig ng lalaki. Narinig ko ang kaniyang mga yapak patungo sa kinahihigaan ko.
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang maamong lalaki sa gilid ko.
"Masaya ako na gising ka na. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" he asked. "I'll just check on you." he added. Aalis na sana siya upang may kunin nang hawakan ko ang palapulsuhan niya.
"Obviously, wala ako sa hospital." I stated. He looked into my eyes worriedly."Where I am, Daun? W-what happened to m-me? I supposed to d-die-" marahan niyang hinaplos ang aking kamay.
"Don't say that, Beige. I'll do anything just to save you. Hindi ko hahayaan na pati ikaw ay hindi ko kayang iligtas." malungkot niyang sambit habang nakayuko.
"N-nasaan ako?" tanong ko habang ibinabangon ang sarili mula sa pagkakahiga subalit pinigil niya ako.
"Don't move. Wag mo munang pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka na lang muna."
Muling kumirot ang aking ulo. Napapikit ako sa pagkirot nito. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Daun sa kabilang pisngi ko. Tila kinakalma ako.
Sa aking pagkakapikit ay unti-unting bumalik ang huling masasakit na alaala ko. Ang gabi nang katotohanan. Ang gabi nang paglabas ng mga taong matagal nang nagta-traydor sa aking likuran. Sobra sobra na ang sakit sa aking puso't isipan. Sobra na ang bigat na aking dinadala. Ginusto ko nang mamatay ng gabing iyon. Subalit bakit narito ako ngayon? Hindi pa ba sapat ang mga sakit na nararanasan ko? It's killing me. Pain is really killing me, yet i'm still alive. Gusto pa ba akong pahirapan?
Knowing that the woman I hate the most is my cousin and fiancee of the man I loved is really painful. I feel betrayed and belittled again and again. The way they smiled to each other, the way they held each other's hand and the way they kissed, it's really different and more passionate than ours. It's real.
Daun wiped my tears. I opened my eyes and saw him looking at me showing his great compassion. Umupo siya sa aking gilid at tsaka dahan-dahan lumapit sa akin upang ako'y yakapin.
Lalong bumuhos ang aking mga luha. My hands were shaking and I was trembling.
Itinulak ko si Daun dahilan upang lumayo siya sa akin. Bakas sa kaniyang mga mata ang gulat at pag-aalala. Pero wala na akong ibang maramdaman kundi ang galit."Bakit mo pa ako niligtas,huh." kalmado ko pang tanong sa kaniya habang hinahabol ang sariling paghinga.
Humakbang siya ng isa subalit natigil siya nang makita ang galit sa aking mga mata.
"Beige, niligtas kita dahil yun ang dapat-"
"Ang dapat ay mamatay na ako!" I shouted. I was frustrated of him. He saved me and that's not what I want. I chose to die that night, at dapat ay namatay na nga lang ako.
YOU ARE READING
Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)
RomanceSa lupang pinangakuan ba muling magtatagpo ang dalawang pusong pinaglayo? Book Cover Made By : @SeikoArtemis