Chapter 19.

17 4 0
                                    

Painful Death

Paulit-ulit na umeeko sa aking isipan lahat ng masasakit na sinabi ni Lucien noong huli naming pagkikita. It was painful and it kills me a million times. Until now, it was still painful, pero unti-unti kong itinatatak sa aking sarili na kahit kailan ay hindi niya ako minahal. Everything he did, everything he said are all part of his pretty lies. Masakit! Sobrang sakit! I gave him everything. I gave him all my love, my trust and even my soul. Pero sadyang hindi mo talaga kayang diktahan ang isang tao. Kung sasaktan ka niya, sasaktan ka niya. Sa ngayon, kailangan kong ibangon ang sarili ko.

"Perfect!" si Era sa aking likuran habang inaayos ang aking buhok. Ngayon na ang araw ng party ng aking pinsan. Kaya todo ang effort ng isang ito upang magpaganda.

Hindi ako umimik. Nanatili lamang ang aking titig sa aking sariling repleksyon.

"Beige, are you okay?" umikot siya upang pumwesto sa unahan ko. "Hindi mo ba gusto yung ayos ko sayo?" malungkot niyang tanong.

Pilit akong ngumiti at umiling.

"It's perfect, Era. Masama lang ang pakiramdam ko." walang gana kong sagot.

Malungkot niya akong tinitigan.

"Kilala kita. Alam ko 'pag may problema ka. Tell me, Beige. Baka matulungan kita."

Gusto kong umiyak sa kaniya. Gusto kong ishare yung sakit na nararamdaman ko. Baka sakaling kapag sinabi ko, mabawasan ang sakit. Pero para saan pa, hindi na dapat nila malaman na naging kami ng isang Lucien Valdirrama. Ayaw kong kaawaan ako ng sino.

"I just....missed my father. Yun lang yun. Wag ka na mag-alala sa akin, a'right?" I lied.

She hugged me tight. After that, nagready na rin kami papunta sa lugar kung saan gaganapin ang party.

"Don't worry, siguradong napakaraming hot bachelors doon sa party. Maybe you can choose one, tapos mag-click kayo. Diba?" she winked. Napailing na lang ako sa tinuran niya.

Siguro nga tama ka. Tama ka! Pero hindi ko kayang gawing magsaya. I was betrayed, not once but twice. How can I trust again, kung twing magtitiwala ako'y nasasaktan lamang ako.

Sana, ako na lang ang nawala. Sana hindi nalang si daddy. Sana, sana nagkasama nalang kami. Hindi pa ako patay, pero pakiramdam ko naman paulit-ulit akong pinapatay. Naging masama ba akong tao? Sa pagkakaalam ko, buong buhay ko, wala akong ginawa kundi ang maging isang mabuting tao. Pero bakit ganito ang nangyayari sakin? Ito ba ang nararapat para sa akin?

Hindi ganoon katagal ang naging byahe. Agad kong itinigil ang aking sasakyan sa tapat ng isang napakalaking hotel. It was obviously a high-end hotel. Mas malaki at maganda pa sa mga hotels namin. Kanino kaya ito? At bakit hindi nalang sa mga hotels ni tito or sa amin ganapin ang party ng pinsan ko?

"Nandyan na daw sina Dia at Josh. Tara na!" she said with excitement.

Dahan-dahan akong lumabas ng aking kotse. Hindi maipagkakaila ang aking paghanga sa napakataas at napakalaking building na ito. Kung hindi lamang ako tinawag ni Era na pumasok na ay marahil naroon pa rin ako. Ineeksamina ang ganda nito.

Pumasok na kami sa loob ng matayog na gusali. May isang receptionist ang nag-asikaso sa amin patungo sa hall kung saan daw gaganapin ang party maya-maya lang.

Nang tumapat sa engrandeng double-doors ng hall ay unti-unti itong nagbukas.

"Wow!" paghanga ni Era.

Hindi ko rin naiwasang humanga sa laki, lawak at ganda ng buong hall. Napakalaki nito kumpara sa mga halls na mayroon ang aming mga hotels. Maaaring isa itong bagong hotel. Mukhang bagong bago at napakaganda.

Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)Where stories live. Discover now