Proof
Mabilis ang aking paglalakad pabalik sa condo. I was walking very fast while tears are still pooling down my cheeks. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman at narinig ko. I was really mad, at gusto ko silang parusahan. Gusto ko silang pahirapan lahat dahil sa kasakiman at kawalang hiyaan nilang ginawa sa pamilya ko. Money is so important to them that they can kill a good innocent persons just to get what they want. Akala ko noo'y kapag kadugo at kapamilya mo, hindi ka kailan man sasaktan at tatalikuran pero nagkamali ako. Minsan, kung sino pa ang mismong kadugo at pamilya mo, sila pa ang tatraydor sa'yo.
Habang nasa elevator ay hindi ako mapakali. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang galit. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang aking sarili. Bumukas ang elevator kaya't mabilis akong lumabas doon. Dirediretso lamang ang lakad ko hanggang sa marating ang unit subalit natigilan ako ng makitang nakaawang ng kaunti ang pinto. Agad akong ginapangan ng kaba. Isinarado ko ito kanina bago lumabas, pero bakit nakaawang na ito ngayon? Hindi kaya lumabas si Clor? Jusko! Hindi pwede.
Mabilis kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa aking sunod na mga nakita. Clor was asleep, lying on the couch while his head was rested on Lucien's lap. Natigilan ako sa aking nakita at tila nanlalamig sa kaba. Paano siya nakapasok dito? At bakit tulog sa hita niya ang anak ko?
Pinakatitigan kong mabuti ang dalawa. Mahimbing na natutulog ang aking anak habang titig na titig lamang ang kaniyang ama sa kaniya. Nakayuko si Lucien at seryosong nakatitig sa mukha ni Clor. Pinaghalong lungkot, galit at saya ang makikita sa kaniyang mukha.
Dahan-dahan akong humakbang kahit na nanginginig ang aking mga paa. Hinahaplos ni Lucien ang pisngi ng aming anak. Tila manghang mangha. May nakita akong luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata.
Huminga ako ng malalim at tsaka lumapit pa sa kanila.
"L-Lucien?" I stuttered while calling his name.
Agad siyang bumaling sa aking direksyon. He's looking at me with his brooding eyes. Kumislap ito at agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. His eyes shows too much sadnesspain. Kitang kita ang galit at sakit.
Nakita ko ang marahan niyang pagbaba sa ulo ng aking anak habang nilalagyan ng unan. Tumayo siya ng maayos at naglakad patungo sa akin. Bawat paghakbang ay dama ang bigat na kanyang dinadala.
"Y-You're son?" he's stammering, shit! At kumikislap ang kaniyang mga mata, dahilan ng mga namumuong luha.
I can't find a word to say. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. I heard him cursed.
"Y-Yes-"
"No. Our son." he said directly.
Bumaling ako sa kaniya at titig na titig lamang siya sa aking mukha.
"You've successfully hid this from me. Kaya ka ba umalis, huh?" diretso niyang tanong. "Sinaktan kita, at noong nalaman mong buntis ka, pinili mong lumayo at itago ito sa'kin para gumanti. Ganoon ba 'yon, Beige?"
Marahan akong umiling sa kaniya habang bumubuhos ang aking mga luha.
"Kung ito ang ganti mo sa ginawa ko sayo, sinasabi ko sayo. Sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na 'to." he looked away and calmed his self.
Hindi lang naman siya ang nasasaktan, ah. Sa tingin ba niya masaya ako na itago ang aking anak sa sarili niyang ama? Hindi niya alam kung gaano ko kagustong mabuo kami, pero pinipili kong ayusin muna ang lahat. Wala siyang alam. Nasasaktan rin ako. At doble ng sakit na nararamdaman niya ang nararamdaman ko bilang ina.
"Ikaw lang ba ang nasasaktan at nahihirapan?" sambit ko sa isang malamig na tono. "Walang araw na hindi ko inisip na sana ikaw ang kasama namin, sa halip na ibang tao. Lucien, sinaktan mo 'ko. Hindi lang dito..." sabay turo ko sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. "....pati rin dito." sabay turo ko sa aking utak.

YOU ARE READING
Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)
RomanceSa lupang pinangakuan ba muling magtatagpo ang dalawang pusong pinaglayo? Book Cover Made By : @SeikoArtemis