Abduct
Mabigat ang aking pakiramdam ng ako'y magising. May kung anong mabigat sa aking mga paa at napaka tigas ng aking kinahihigaan. I opened my eyes and realized that i was lying on a floor. Madilim ang paligid at ang tanging nag-iisang flourescent lang ang nagsisilbing liwanag sa buong lugar. Madumi, maalikabok at napakaraming kung ano anong mga bagay ang nakatambak dito. Napagtanto kong isa itong lumang bodega. Agad akong tumayo upang maglakad subalit hindi pa ako nakakaisang hakbang ay naramdaman ko na ang nakakabit sa mga paa ko. I was chained. Shit! And who the hell did this? Sino na naman bang may gawa nito?
I tried not to make some noise and get off of this fucking chains on my feet but i just can't. Malalaki ang kadena at napakahirap nitong tanggalin. I want to shout and cry for help, pero alam kong walang makakarinig sakin dito. Maya-maya'y nagulat ako dahil sa pagtatama ng mga kamay sa ere. Nabaling ang atensyon ko roon. At sa hindi malayo ay nakita ko roon si tito Lando. Marahang pumapalakpak habang may mga nakaitim na lalaki ang nakasunod sa kaniya.
Bumilis ng husto ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Ano na naman itong pinaplano niya? Papatayin niya rin ako dahil nagbalik na ako at maagaw na sa kaniya ang kompanya? Papatayin niya ko para manatili siyang malaya sa mga kasamaan niya? Napaka sama niya.
"Welcome back, princess." his voice echoed inside the warehouse.
Mapaglaro ang kaniyang mukha. Tila tuwang tuwa sa mga nakikita niya.
"Ano 'to? Bakit ako narito, huh?" he ignored me and walked towards me slowly.
Gusto kong lapitan siya at saktan. Gusto kong tumakbo palayo upang humingi ng tulong, pero wala akong magawa. Masyadong matigas ang mga kadena sa aking mga paa. Pilitin ko mang humakbang kahit isa, hindi pa rin ako makahakbang.
Nang nasa harapan ko na siya ay napaatras ako subalit hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Sobrang higpit at ramdam ang galit sa kaniyang pagkakakapit. Binitawan niya ang aking kabilang balikat at hinaplos ng kaniyang kamay ang aking pisngi. Iniwas ko ang aking mukha sa kaniya. Hindi ko maatim na hawakan ng isang kriminal na tulad niya. Ang kaniyang madungis na mga kamay ay hindi ko papayagang maglapat sa akin.
Nainis siya sa aking pag-iwas. Binitawan niya ako at ilang sandali lamang ay bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas ng paglapat ng kaniyang palad sa aking mukha. Damang dama ko ang bigat, ang init at sakit ng kaniyang pagsampal sakin. Punong puno ng galit at iritasyon.
Sa sobrang sakit ay napapikit ako ng mariin habang hawak ang aking pisngi. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Sobrang sakit.
Nagmulat ako ng mata at tsaka siya muling umupo upang ilevel ang sarili sa akin. Akala ko'y muli niya akong sasampalin, pero hindi.
"Kung hindi ka na bumalik, sana wala ka ngayon dito. Masyado kang pakialamera." nagtiim bagang siya.
"Hayop ka! Demonyo ka, napakasama mo!" I shouted at his face. Prente itong pumikit at umarteng naiingayan sa boses ko. "Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo. Mabubulok ka sa kulungan, sisiguraduhin ko 'yan sayo!" dagdag ko.
Nagulat ako ng mahigpit niyang hinawakan ang aking baba. Sobrang higpit na halos hindi ko kinakayang kumalas. Buong lakas ko siyang itinulak dahilan upang tuluyan itong mapaupo sa maruming sahig. Umatras ako at nakita ko ang pagdalo sa kaniya ng dalawang lalaki. Tumayo siya at sumenyas sa mga lalaki na okay lang siya. Pinagpagan niya ang kaniyang narumihang pantalon tsaka muling bumaling sa akin.
Nag-aalab sa galit ang kaniyang mga mata sa galit pero pilit kinakalma ang sarili.
"Katulad ka lang din ng mga magulang mo, Beige Louisse. Wala kang pinagkaiba sa kanila." tumaas ang gilid ng kaniyang mga labi. "Parepareho kayong mga uto-uto. Madaling maloko at baliw sa pag-ibig. Kaya nga....pinatay ko ang mommy mo, eh." then he laughed.
YOU ARE READING
Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)
RomanceSa lupang pinangakuan ba muling magtatagpo ang dalawang pusong pinaglayo? Book Cover Made By : @SeikoArtemis