Chapter 15 * Two Heir

5.5K 94 4
                                    

Nikki's POV

A month has passed at eto pa rin ako. Nakakasurvive sa buhay na ito. Buhay PA. Sobarang kilig naman!

Actually ngayon, di na ko ganung kakilig. Fan pa rin nila ako pero di ko na sila uber duper crush. Parang normal na sakin na nandiyan sila sa paligid ko. Naging sobrang close na nga kasi kami. Para kasing nakikita kong normal din pala sila. Kumakain, naliligo, naglakaro. Yun nga lang limitado kasi nga ngayon, mas sikat sila. Not just locally but pati sa abroad.

I don't feel na PA nila ako. Grabe na nga kasi yung closeness namin. Mas feel ko ngang tutor nila ako eh. Grabe lang. Ang hina pala ni Aidan sa math. Natawa ako sa sariling inisip. Ang dali lang nun eh.

Madalas na nga silang tambay sa unit ko. Madalas pag lalabas ako, kasama sila. Nakadisguise nga lang. Galing nga eh.

Si Ken, madalas sinasamahan ako niyan mamili ng pagkain sa super market. Crush na nga tawag sakin niyan pero syempre di ako naniniwala. Hello lang no.

Si Aidan at Ace naman madalas yan sasamahan ako niyan pag kumukuha ng assignments nila. Laging nakabuntot sa amin ni Lei yang dalawang yan eh.

Si Lei naman lagi kaming magkasama niyan. Mas tumitira na nga yan sa unit ko.

Si Ate Mag kakaalis lang. Kinailangan niyang pumunta ng Korea at States para ayusing ang mga international tour ng banda.

Si Ivan ko? Hanggang ngayon masungit pa rin sakin. Nakakaluha na nga eh. Sa banda ayos naman siya pero pag nandito na kami ni Lei, ayan. Lagi na siyang may regla. Sungit Mode: On kaagad.

Si Kim nga pala nakauwi na. Nung una nahihirapan siyang mag adjust. Kasi syempre namatayan siya ng nanay. Naaawa talaga ako sa kanya. Kung tutuusin mas maswerte ako kasi kahit papaano may tatay pa ko kahit wala ng nanay. Eh si Kim? Wala na ngang tatay wala pang nanay. Oo nga pala.

Kahit sa banda close na rin siya. Kahit kay Ate Mag at Lei. 3 days after kasi nung kasalan na inattenand ko umuwi na rin si Kim. Nung una todo kilig pa ang gaga pero ngayon, medyo tulad ko nasanay na rin siya. Pero, di ko maitatangging nakikita kong may gusto na siya kay Aidan. Nakikita ko yung patingin tingin niya. Isang beses nga dineretsa ko yan eh. Umiling lang.

"Grabe ka girl. Di pa rin ako makapaniwalang eto tayo, close na close na sa banda. Parang dati lang eh pangarap natin to." sabi ni Kim. Nandito ako sa kwarto niya. Nang gugulo ba. Yung banda kasi nag night out. Okay lang naman daw yun sabi ni Lei. Minsan lang naman daw eh. Pati nga pala 'tong si Kim nagresign na din sa restaurant. Masyado na kasing malayo para samin. Saan kami kumukuha ng pang kain? Sa trabaho kong ito. Nung una nga ayaw niya kasi di ko naman siya responsibilidad pero in the end, ako pa rin ang nasunod. Parang kapatid ko na yan eh.

"Maniwala ka na."

"Oh, bakit ka nasa kwarto ko?"

"Bakit masama?"

"Oo. Trespassing ka."

Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos tumawa. Etong kaibigan kong ito di mo alam kung babae o lalaki. Para ba siyang boyish. Ayaw niya rin sa mga make up at dresses. Amazona to eh.

"Gabi na kasi. Natatakot ako dun sa kwarto ko. Tabi tayo. Namiss kitang katabi eh. Wala akong masipa." Oo gabi na. Next week nga pala pupunta ako sa school ni Kim. May party daw.

"Nanlalambing ang bestfriend ko. Si Lei nga pala asan?" tanong niya. Nahiga ako sa kama niya. Nasa study table niya kasi siya eh. Masipag na bata.

"Umuwi muna sa kanila. Namimiss na daw siya ng tatay niya eh."

"Alam mo Kim, paano ka nakabili ng laptop?" may laptop na kasi ang bruha. Tsk. Madaya nga eh. Saan kaya kumuha to ng pera?

"Uhmm, pumunta sa bilihan?"

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon