Lorilei's POV
"Lei, asan ka?" bungad sakin ni Nikki nang sagutin ko ang tawag niya."Nagreready sa kwarto ko." Sabi ko habang isinusuot ang clip sa buhok ko. Nakaloudspeaker naman kasi yung phone ko.
"Why? May lakad ka?"
"Will stroll the mall."
"Sama kami ni Kim!" she said. If I were the girl before maybe I would love that but I think everything has changed.
"Uhm, I'm fine Nikki. No need. I...I just to have time for myself. Napapabayaan ko na rin kasi sarili ko."
"Ganun ba..oh sige. Magiingat ka ha? Wear your aviators."
"Come on Nikki, don't try to sound as my mom. For pete's sake I'm already 23. Turning 24 actually."
"Oo na. Nag aalala lang."
"I'm okay. I've been through this. I'll hang up." I ended the phone call.
I checked my hair. Yes. I had it cutted so I have bangs already. Right now, I have full bangs. I know katakot takot nanaman ang sermon na ibibigay sakin ni manager but who cares. May extensions naman. Ang waist length kong buhok na curly ay mas humaba dahil pinarebond ko siya. Straight na ko ngayon. I colored it browny red too. I'm wearing fitted pants and loose top na puti. May suot din akong leather wrist band and dream catcher necklace. Naka 6 inch killer heels din ako na pula na nagbleblend sa hot red kong lipstick. Naka eyeliner din ko and thick eyelashes. I also wore blue contact lens. So in other words, binabalik ko ang dating ako. Ayoko na lang basta bastang malugmok no. Ako na nga iniwanan ako pa maglulugkmok.
That's the problem with girls. I went out and grabbed my car. Ipinatawag ko rin ang driver ko para ihatid ako sa mall. Pagkarating doon, of course I'm wearing my aviators. May iilang lumilingon sakin pero halos lahat sila ay nagdadalawang isip sa identity ko dahil sa bangs and straight hair ko.
Una kong ginawa ay magshopping. Make ups, shorts, iba ibang designs ng blouses and the such. Nang magutom ako, minabuti kong kumain somewhere here.
Napagisipan kong kumain sa isang restobar. I don't know why. Hindi naman ako iinom or what. I just want here. Siguro dahil nakakita ako ng stage at gusto kong may music sa kakainan ko.
"Here's the menu ma'am." Bati sa akin ng isang waitress. Tinanggap ko iyon at nasimula nang maghanap.
"Ma'am, why are you wearing shades inside? May pagkamadilim naman po ang aura namin?" aba tsismosa rin itong babaeng to ha. Hindi na lang ako sumagot at nangpatuloy sa pag iiscan ng menu. I found a steak kaya yun ang inorder ko.
"Ma'am alam niyo po may kamukha po kayo. Sorry po kung ang daldal ko ha?" Kinabahan na kaagad ako nung sinabi niya ang word na 'kamukha'.
"Kaya lang ma'am hindi ko po masure kasi straight and colored ang inyong buhok at may bangs. Pero you look like Lorilei Anderson. Fan po niya kasi ako eh. Pinapangarap ko nga pong makita siya kaya kahit nakakahiya ay kinausap ko kayo." Tinignan ko siya at napakagiliw niyang tignan. I smiled and binaba ko ang aviators ko.
"Oh my." Napatakip siya bigla sa bibig niya. Nakita kong namumuo ang luha sa mata niya. Hala! Anong ginawa ko dito? Isinuot kong muli ang aviators ko dahil baka pagtinginan kami dito at maissue ako. Mabuti na lang at medyo tago itong spot ko.
"Hey, Miss. Are you alright?" sabi ko. Nakita kong lumandas na ang luha niya sa pisngi niya.
"M-Ms. Lorilei A-Anderson? Ikaw po ba talaga yan?" hindi ko alam kung anong isasagot kaya tumango ako ng dahan dahan.
BINABASA MO ANG
Fangirl to Fiance
Storie d'amoreStatus: Completed Ivan Lee. Pinaka leader ng Ginger Band na pinakasikat na banda sa buong bansa at sikat din sa ibang bansa. Idol ko siya. Grabe naman kasi. Sobrang gwapo. Ang ganda ganda pa ng boses. Napakasunget pero paano ko kaya siya natatagala...