Chapter 69 * Can't Wait

4.1K 55 5
                                    

Nikki's POV

"Mahal, tingin mo ayos lang na naginvest ako sa company nila Ken? Is 500 million enough?" I asked Ivan as I went inside his room.

2 years na rin simula nung naisipan naming bumukod. We bought a house along Ayala Alabang para malapit sa resources. Nagsasama man kami sa iisang bubong ay magkahiwalay pa rin kami ng kwarto. He insisted na iisa na lang sana but I protested. Ayoko. Baka maya't maya ay may nangyayare sa amin.

Di ko na itatanggi kahit nakakahiya man pero sa loob ng pitong taon naming relasyon ay may nangyare na sa amin. Uminit ang pisngi ko sa bagay na iyon. I can't deny that he's damn good in bed. Grabe ang sensasyong nararamdaman ko tuwing ginagawa namin iyon. Sinisigurado ko naman na may proteksyon kami. I don't want to get pregnant without us getting married. I just can't. Nakakatuwa lang at napilit ko siyang hintayin si Ace. Halos kidnapin na niyan si Ace sa Canada mabigyan ko lang siya ng junior eh.

"Siguro naman. Park Companies are good. May share din doon ang Anderson at Lee's. Even the Cipriano's. Yung investment rin namin noon dun lumaki ng sobra eh. How 'bout sa mga Firmante's? Mag iinvest yata si Papa dun eh.  I heard even Park's are going to invest there. May meeting sa Thursday." Tumango ako bilang pagtugon sa sinabi niya. Baka mag invest rin ako. Gusto ko handa ako sa future naming pamilya. Hindi ko talaga mapigilan ang pagtitig sa kanyang mata. How I love those eyes.

"You're seducing me."

"Huh?" Nagangat ako bigla ng tingin sa kanya. Seducing? Uminit ang pisngi ko.

"Yes. Wearing a big t-shirt and an undie inside my room is illegal." Agad akong napatingin sa suot ko. Kita kong umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Hey, I'm wearing shorts. Masyado lang malaki ang shirt." Sabi ko sabay irap. Agad kong naramdaman ang kanyang bisig at inangat ako. Nakiliti ako doon at nagsisisipa.

"Ibaba mo ko!" Sigaw ko na parang di naman niya narinig.

Inilagay niya ko sa kama at hinalikan ng palalim ng palalim. Gumanti naman ako.

"Hindi talaga ako magsasawang angkinin ka." He said between those kisses. I smiled.

"At hindi rin ako magsasawang magpaangkin sa'yo."

"Shit!" Sabi niya at nagpatuloy sa kung saan man patungo ang ginagawa namin.

Kinabukasan, nagising ako sa kama niya. Pero wala siya sa tabi ko. Tinignan ko ang oras at 8 na ng umaga. Kinusot ko ang mata ko at lumabas kahit naka t-shirt lang ako. Undies lang ang suot ko pero hanggang tuhod naman ang t-shirt.

Nanlaki ang mata ko nang naalala ang nangyare kagabi. Pumasok agad ako sa kwarto niya. Hinanap ko ang gamit na iyon. Shit! Hindi siya gumamit?

Agad akong naghilamos at bumaba. Wearing shorts and sando.

"Hi Nikki!" Bati sakin ng nakangiting si Ace. Di na ko nagulat na nandito sila at kumpleto-

"Teka, asan ang kambal?" Sabi ko ng mapansing wala sila.

"Sinama ng Lolo at Lola nila sa New Zealand. Bakasyon daw." Sinagot ni Aidan ang tanong ko. Tumango ako at dumiretso sa kusina.

Nakita ko ang likod ng mahal ko na nagluluto. Nagfleflex ang likod niya habang nagluluto. Nangg mapansin niya ako ay agad niyang pinunasan ang kamay niya at hinagkan ako. Naamoy ko ang niluluto niya.

"Bacon, cheese and lettuce." Tumango ako. Plinating niya ang pagkain at kumain na ko. May grapes din at tomatos.

Tinikman ko iyon. As usual, masarap.

"Sarap?" Agad akong tumango sinuban siya.

"Wifey, subuan mo rin ako." Napalingon ako kay Aidan. Kasama niya si Kim.

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon