A/N:
Hi!!! So para sa mga nagtatanong kung anong nangyare kay Ace at Lei after the bar, and anong nangyare kay Aidan and Kim with Aidan's 3 wishes, may parts po sila :) I'll be focusing more muna sa ngayon with NiVan. Maybe dito sa chapter na to I'll give them, LeiCe and KiDan their break. Okieee? Don't worry, malayo layo pa tayo sa ending. Nga pala, for corrections...
Lei is pronounced as LAY or LIE or LAI
Eunice Averry is pronounced as YUNIS EYVERY. AVY as EYVY.
-Sophielrcn
----
Nikki's POV
Masaya ako. Yeah. Sobra. Ikaw ba naman malaman mo na gusto at mahal ka ng isang Ivan Lee. Ang tagal kong pinangarap to. Parang dati tinitilian ko lang siya, ngayon...shet!
May taping pala sila ngayon. Romance daw eh. Wattpad adaption ng Brie Vs. The Boys. Binasa ko yun. Sobrang ganda! Pero sa totoo lang bagay na bagay si Ivan dun. Kasi parang kaugali niya si Xin. And! Si Biance Avana pa rin ang kapartner niya. Ang galing galing nga eh. Sana mapanood ko yun.
Nandito nga pala kami ngayon sa MOA nila Lei at Kim. Kasama namin sila Johann at kapatid niya. Sino nga ba yun? Si... Clyde..Cline..Ah! Cliff! Oo Cliff. Ewan ko pero parang may something between them ni Kim. Bumili kasi kaming mga babae ng susuotin para bukas ng gabi. Si Papa kasi nagorganize ng isang halloween party. Well lagi naman yun sa pamilya namin. Ako sabi niya iinvite ko daw kahit sino. So eto, ininvite ko ang Gear band at Ginger band. Ewan ko kung anong mangyayare. Costume party siya actually. Ngayon nasa may popcorn station sila. Bumibili ng popcorn. Malamang popcorn station nga eh.
"Nikki, ano na nangari dali!" ayan. Excited sila. Nagpapakwento ng nangyare samin ni Ivan sa Baguio kahapon. Parang mga ewan. Kinikilig. Di daw nila maimagine na gaganon si Ivan. Ako din naman eh.
"Ay teh! Pabitin effect?" kantsaw ni Kim. Binelatan ko lang siya.
"Ayun nga. Basta. Nasa itaas kami ng bundok na kita buong view. Tapos ayun. Nagtapat nga siya. Na ano... na gusto niya ko. Ay di lang pala gusto. Mahal niya daw ako." Di na ko magtataka kung namumula ako ngayon. Eh kasi naman e!
Napatili sila kaya tinakpan ko mga bibig nila.
"Ano ba! Wag kayong maingay!"
"Shutaina! Nakakakilig talaga yun Nikki! Biruin mo dream come true mo na to! For real!"
"Oo nga. I can't imagine na sayo mahuhulog si Ivan. But you know, I already saw that one coming. Ang laki ng ipinagbago ni Ivan nung dumating ka sa buhay namin." I smiled at them. Kahit na ganito, di ko pa rin maiwasang malungkot. Paano na yung arranged marraige? Nakapirma na ko dun. Wala nang atrasan. Isa pa, tatay ko susuwayin ko dito. Parang di ko yata kaya na atakihin siya sa puso pag sinabi ko to. Isa pa, pag ako umatras sa kontrata, magbabayad kami. Masyadong mahal yun. Yun kasi ang napagkasunduan, pag may umatas, magbabayad. Nasa tradisyon na kasi ng pamilya namin to. Bilang Koreans...Di ko nga alam bakit pati tradisyon inadapt pa namin eh Pilipino naman ako kasi dito ako pinanganak.
"Oh tapos ano nangyare girl!" excited na tanong ni Lei.
"Sure ako sinagot na niyan kaagad." masayang sagot ni Kim. Umiling ako.
"I asked for time. Time to think. Guys, engaged na ko baka nakakalimutan niyo. The consequences are not that easy."
"Malapit na pala alis mo." nalungkot nga mukha nila.
"Oo nga eh. Magnonovember 15 na. 9 na ngayon. It's 6 days from now. Anong oras ba alis mo at anong address para mabisita ka namin?"
"Ayokong sabihin ang oras at place. Please. I'll be back I promise that but I'm sorry. I can't tell you."
BINABASA MO ANG
Fangirl to Fiance
RomanceStatus: Completed Ivan Lee. Pinaka leader ng Ginger Band na pinakasikat na banda sa buong bansa at sikat din sa ibang bansa. Idol ko siya. Grabe naman kasi. Sobrang gwapo. Ang ganda ganda pa ng boses. Napakasunget pero paano ko kaya siya natatagala...