Chapter 66 * So Sweet

3.9K 53 5
                                    

Lorilei's POV

Pag gising ko'y mugto pa ang mata ko. Nagsink in sa utak ko kung anong nangyare kahapon. Pinalaya ko na nga pala siya. Pero bakit ako itong di makalaya? Napabuntong hininga ako. Tumayo ako sa kama ng suite ko dito sa resort at sumilip sa maliit na terrace sa kwartong ito. Sliding door ang nagdidivide sa bedroom at sa mismong terrace. Pag labas ko ng sliding door ay agad hinampas ng hangin ang aking mahahabang buhok. Kumuha ako ng ilang pirasong tumatabon na sa mukha ko at inipit ko iyon sa tenga ko.

Kitang kita dito ang mga hampas ng alon. Papasikat pa lamang ang araw. Hinimas ko ang aking braso ng naramdaman ang lamig at nagsitaasan ang balahibo ko.

"Good morning." bati ko sa sarili ko. Nag unat unat ako saglit at pumasok na ulit. Naligo muna ako at nagsuot ng shorts at simpleng crop top. Nasa resort naman ako kaya't ayos lang. Bukas pa naman kami uuwi kaya mas minabuti kong lumabas muna kaysa magmukmok sa kwarto.

Tinext ako nila Nikki na nasa coffee shop sila sa lobby. Pumunta naman ako dun. Good thing at di sila nang usisa kagabi nang matapos kong gawin iyon.

"Good morning!" bati ko sa kanila pag kababa ko. Tumabi ako kay Ken na mag isa lang sa upuan. Wala doon si Ace pero mas ayos na iyon kaysa naman nandiyan siya.

"How's your sleep?" tanong ni Aidan.

"Okay naman. Ang sarap sa terrace." sabi ko.

"Excuse me, oorder lang ako." sabi ko at tumayo. Pumunta ako sa counter at nag order ng isang french toast at hot cappucino.

"So, anong balak niyo today?" tanong ko sa kanila.

"Magshoshopping kami ni Nikki saglit diyan sa may mall malapit." tumango tango ako.

"Sama ka?" pahabol na tanong ni Kim.

"Hindi na. Tinatamad ako eh. Asan na nga pala ang mga bata?" tanong ko kina Aidan nang mapansin kong wala ang kambal.

"Pinauwi ko na kaninang umagang umaga." sagot ni Aidan. Tumango ako bilang pagtugon.

Matapos ang ilang minuto ay umalis na sina Nikki at Kim. Nakakapagtaka kasi hindi sumama si Ivan. Pero ipinag kibit balikat ko lang iyon.

"Tahimik mo ah?" sabi ko kay Ken nang nakatingin lang siya sa ibaba at nag iisip yata ng malalim.

"Ah Lei, ibibili lang kita ng orange juice. Masarap kasi orange juice nila dito." parang wala sa sariling tugon ni Ken. Eh? Nagtinginan pa sila nila Aidan at Ivan.

"Busog pa ko eh? Kakainom ko lang ng coffee oh." sabi ko pero binaliwala niya lang iyon at tumayo na.

"Aidan! Ivan! Kamusta?" sabi ko.

"Ayos lang naman Lei." sagot ni Aidan.

"Ganun pa rin." sagot naman ni Ivan. Sungit talaga.

"Oh, inumin mo 'to." bumalik na si Ken na may dalang juice nga. Bakit ba nito pinaiinom 'to sakin?

"Ah, thanks." sabi ko na lang. Kinuha ko iyon at uminom ng konti. Parang simpleng orange juice lang naman?

Nilapag ko yung juice sa mesa. Para akong nakaramdam ng hilo. Ipinilig ko nalang ang ulo ko pero unti unti ay nagdilim na ang paningin ko.

Ken's POV

Nakatulog na si Lei tulad ng inaasahan ko.

"Oh paano na 'to?" tanong sakin ni Aidan habang buhat ko si Lei.

"Tss. Hayaan niyo na kasi sila." kumento naman ni Ivan. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula nang maglakad.

"Tara sa kwarto dali."

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon