Lorilei's POV
This is very annoying. Nakakainis talaga! Bwisit, bwisit, bwisit! Ano ba kasing problema niya ha? Kaibigan lang naman ah! Siya nga diyan mga fans niya eh! Urgh! Iniintindi ko naman siya! Nakakainis ka Ace Park!
"Huy Lei. Ayos ka lang?" tanong sakin ni Kim. Now we're here at the mall. Shopping shopping. Actually kanina pang umaga kami nandito. Mag gagabi na nga eh. Hays. May pasok pa pala kami bukas.
"Yeah."
"Eh ano ba kasing problema? Kahapon ka pa ganyan ah?" sabi ni Nikki habang kumakain ng ice cream.
"Oh diba. Pati si Nikki napansin yun." inirapan ko silang dalawa. Ayoko na ng mga tanong!
"Wag na nga kayong magulo. Okay nga lang ako."
"You know what? You're not good at lying."
"Well I'm not into showbiz." pambabara ko sa kanila.
"Ay sige isa pa. Pag di ka umayos ipagsisigawan ko sa buong food court na ikaw ang nililigawan ni Ace Park." Ugh! I hate Kim.
"Oo na eto na nga. Galit kami ni Ace."
"LQ?"
"Hindi, hindi. IQ yun. IQ."
"Last mo na yan."
"Eh bakit ba kasi?" pangungulit nanaman nila.
"Ewan ko sa kanya. Nung uwian basta basta na lang manunungit sakin. Kasi daw, kinakausap ko daw ang Gear band. The hell? Si Ate Mag nga kinakausap eh. Nako! Ano ba ginawa ko? Wala naman eh! It's really annoying. And what, ako susuyo? Bakit, ako ba nanliligaw? What the fuck." nainis na ko eh. Nakakabanas naman talaga. Basta basta na lang niya ko susungitan? Bakit niya ko pagbabawalan na kumausap kina Johann? I really don't get him.
"Ah selos yan."
"Oo nga selos." natatawang iling na ewan nilang dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Tara na lang."
"Huh? Where are we going?" sabi ko. Tumayo na kasi sila.
"Para um-okay ka, tara na lang." sabi ni Nikki. Eh silang dalawa lang ni Kim nagkakaintindihan eh.
Sumama na lang ako. Habang nasa byahe kami, taxi lang kami kasi tinatamad akong magdrive. I look at my phone, oh kita mo, kita mo, di man lang nagtetext? Di man lang tumatawag? Nakakainis! Ano ako pa magtetext sa kanya? Bahala siya! Napaka childish niya.
At dito kami napadpad...
Sa bar. Dito yung hinatid ko si Nikki.
Pumasok sila sa loob kaya sumunod naman ako. Ang daming tao. Grabe. Iba't ibang amoy na rin ng alak. May nagpeperform din sa stage. Di naman kagandahan nung boses. Ay ano ba yan. Nagagaya na ko kay Ivan kaka lait.
"Uy Nikki! Kim! Napadalaw kayo dito?" sabi nung isang matandang babae. Nandito kami sa parang office niya.
"Nako manager. Namiss ka po namin." sabi ni Nikki.
"Tsaka manager ang pangit nung kumakanta. Grabe." sabi ni Kim. Natawa naman yung manager daw.
"Wala eh. Umalis si Nikki. Oh, who's this beautiful lady?" ngumiti siya sakin kaya ngumiti naman ako pabalik.
"Uhm, Hi. I'm Lorilei Anderson. Nikki and Kim's friend." nagshake hands kami. Mabait naman siya.
"Oh, ano bang pinunta niyo dito?" sabi naman niya nung lumabas kami sa office niya.
"Pwede po bang magperform ako?" sabi ni Nikki. Really? Yeah. I want to hear her voice. Baka mas um-okay ako.
"Sure! Ikaw pa! Eto bang kasama mo kumakanta?"
BINABASA MO ANG
Fangirl to Fiance
RomanceStatus: Completed Ivan Lee. Pinaka leader ng Ginger Band na pinakasikat na banda sa buong bansa at sikat din sa ibang bansa. Idol ko siya. Grabe naman kasi. Sobrang gwapo. Ang ganda ganda pa ng boses. Napakasunget pero paano ko kaya siya natatagala...