Chapter 61 * Break

4K 46 3
                                    

Lorilei's POV

"Pare, gusto kong magsorry sa inyo. Ken, Aidan, Ace, alam kong marami akong kasalanan sa inyo. Sana patawarin niyo ko. Alam ko alam niyo na kung bakit ako nagkaganito. Sana mapatawad niyo ko. Pero kung hindi pa ngayon, maghihintay ako." tumango si Ivan sa amin at tumalikod na. Kasama niya si Nikki.

Tumingin kami ni Kim kay Ace, Ken at Aidan. Naikwento na namin sa kanila ang tunay na nangyare kung bakit ganyan si Ivan. Kinausap kasi kami ni Nikki. Naintindihan ko siya actually. Nakakaawa nga si Ivan. Yung mga lalaking to, ay nako. Di ko maintindihan. Pinaiiral pa ang pride.

Maya maya, biglang nagsalita si Aidan. Napangiti ako.

"Pre." tumigil si Ivan at Nikki sa paglalakad.

"Di ka naman namin matitiis eh. Wag mo lang uulitin. Tsaka ipaliwanag mo kasi samin. Hindi yung sinosolo mo problema mo." sabi ni Aidan. Napangiti na rin si Kim.

"Para san pa't naging magkakasangga tayo dito kung nagsasarilihan din naman ng problema diba?" sabi naman ni Ken. Nangiti na rin si Nikki. Maya maya, ngumiti na rin si Ivan at nagyakapan na lahat. Hay salamat. Buo na ulit ang banda.

---

Nag grand presscon kami ngayon. Yun ay para sa aming movie. Natapos na namin ito. I can't believe it may movie na ko! First movie ko ito.

Ang saya saya namin kasi okay na si Ivan at Nikki. Ganun din si Aidan at Kim. Kami rin ni Ace. Si Ken na nga lang wala pang love life dito eh. At ang pinakamasaya, okay na kaming lahat,

"So, panoorin niyo po ang movie namin, That Chance. Ipapalabas na po siya sa sinehan after 3 weeks. Thank you po." sabi ni Nikki. Nagsipalakpakan na nag crowd na hudyat na tapos na ng press con.

Bumaba na kami. May meeting daw kasi with the head directors and producers. Pagpasok namin, nakaayos na sila dun kasama ng mga managers namin. Ate Mag is there also.

"Are we complete?" sabi nung head.

"Yes. We can start." sabi ni Ivan.

"Okay. I have two good news. One is, may kasabay na album launching ang movie niyo. We already have lists of songs na kakantahin niyo."

"Woah! That's great!" sabi ni Aidan.

"Matagal tagal na rin kaming di nakakakanta!" masayang sabi ni Ace.

"Kailangan ko na palang mag vocalizing ulit!" biro naman ni Ken. Nagtawanan naman ang lahat. Halatang excited sila.

"And the good news is, hindi lang mga lalaki. Pati si Lei, Kim at Nikki at may kakantahin." nagulat ako. Eh? I don't sing in public.

"Is it okay with you Lei?"

"Solo po ba ko?"

"Oo sana. We'll double your payment with this. Okay?" Hmmm.... Sige na nga. I'll try something new.

"Sure sir but you don't have to double it."

"Kim? Nikki?"

"No problem!" sabi ni Kim. Si Nikki sure naman akong okay yan. Singer yan eh.

"And we are settled. The next news is..."

Nakangiti ng mapang loko sila. Kinabahan ako bigla.

"May nagooffer ng comeback ng Ginger Band."

"Talaga?" masayang sabi ni Ace. Alam ko miss na miss na niya ang banda. Laging nagkwekwento yan sakin eh.

"We would like to accept that offer sir. Right?" sabi ni Ken.

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon