Chapter 33 * Performance

4.2K 81 4
                                    

Ivan's POV

Putek. Ang ingay kasi eh yan bahala siya dun sa express way.

Kawawa naman si nerd, walang masasakyan yun...

Aba dapat lang sa kanya yun no. Makahampas kala mo close kami!

Paano yan wala siyang masasakyan?

Aba di ko na problema yun.

----

Asan na yung babaeng yun? Putek na yan. Kelan pa ko nakonsensya? Bumalik ako dun sa lugar kung saan ko siya iniwan. Pero wala na siya dun. Tinawagan ko rin yung phone niya pero wala. Cannot be reach. Tapon na niya cellphone niya! Wala naman palang silbi.

Ano ba yan! Di ko alam gagawin ko. Dumeretso na ko sa mall. Baka naman pumunta na yun dun. Kahit kasi naglalakad na nerd wala akong makasalubong. Pinark ko na yung kotse ko sa parking lot. Malamang. Alangan namang sa loob ko ng mall ipark yun.

Nagsuot na ko ng aviators ko. Pati na rin ng cap. Pati pala cellphone ko wala ring battery. Tapon ko na nga rin to. Basta ang sabi ni Ace kanina sa Vikings na lang daw kami magkita. Edi naglakad na ko papunta dun.

"Uy teka. Si Ivan Lee ba yan?"

"Baka naman kamukha lang?"

"Eh diba nandito diun yung girlfriend niya?"

"Oo nga! Baka naman may date sila?"

Andito si Nikki? Nakarating na nga?

"Shet. Ang pogi naman. Siya ba talaga yan?"

"Model na model ang dating ah!"

"Girl! Tara na! Nandun daw ang Ginger Band sa Vikings shet! Paautograph tayo!"

"Ano? Tara na!"

Nakita na sila dun? Pano yan? Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na may nakakahalata na.

Maya maya may nakita na kong kumpol malapit sa Vikings. Aalis na sana ako kasi baka makita lang ako ng media kaya lang..nakita ko si...

"Fuckshit si Nikki yun ah!" I ran towards her. I hugged her para di siya makunan ng camera. I know hindi ko dapat to ginawa pero bigla na lang inutusan ng utak ko ang buong katawan ko at paa ko na lumapit at protektahan siya.

All I know is I need to protect her no matter what.

--

Nikki's POV

"I-Ivan?"

"Shhh. Ibaon mo lang mukha mo sa dibdib ko. Ako na bahala dito."

T-totoo ba ito?

H-he's saving me from these people? Binaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya. Naiyak ako. Sobra. Di ko alam kung bakit.

"Oh! Mr. Ivan Lee. Kayo ba ni Ms. Nikki Han?"

"Ang sabi sabi ay PA niyo daw siya. Totoo ba ito?"

"Bakit magkasama kayo kagabi sa sementeryo?"

"At hindi lang gabi. Gabing gabi!"

"Yung sa supermarket. Holding hands pa. Ano yun?"

"Bakit mo tinatago si Ms. Nikki Han?"

Naiiyak ako lalo. Natatakot ako.

"I'll answer those question later after the fashion show. We have to go. Thank you." sabi ni Ivan. Naiiyak talaga ako. Pinoprotektahan ba niya ko? Pero bakit? Diba galit siya sakin?

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon