Chapter 31 * Secret

4.9K 76 0
                                    

Nikki's POV

"Mommy ko, namiss ko magpunta dito. Gaano na nga ba katagal ma? Alam niyo po ba na personal alalay este assistant na po ako ng mga crush ko? Opo. Dream come true diba ma? Kasi sobrang adik ako sa Ginger Band. Biruin mo yun ma, crush daw ako ni Ken. Ang feeler ko po. Joke lang ma. Nung una masaya. Natotolerate ko pa nga po ugali ni Ivan eh. Pero ma, ang sakit. Sinigawan niya ko kanina. Ewan ko ba ma. Siguro wala naman pong rapist dito no? Pwede po bang makitulog dito? Ayoko umuwi. May kaaway po ako. Ang sarap na po ng pakiramdam ko. Nakapagsabi na kasi ako eh. Di ko na kinimkim sa sarili ko. Patatawarin ko na lang ba siya ma? Siguro nga no. Ako din mahihirapan pag kinimkim ko eh."

Hay salamat naman. Atleast medyo gumaan ang pakiramdam ko. Medyo nakapag isip isip na ko. Bakit nga ba ganun ako kaaffected? Parang di naman ako nasanay. Whoooo! Okay na ko. Think positive girl. Aja Fighti-

"Kaaway? Ang lamig lamig dito ka nagiistay. Tara na. Uwi na. May fashion show pa bukas."

N-nilagay niya jacket niya sakin?

"Nakakangawit. Tayo na....Nikki."

D-did I just heard him right? Did he just called me by my name? Binigay na nga niya sakin jacket niya tinawag niya pa ko by name?

"A-Aray teka lang. Dahan dahan naman." Rumerealize pa ko hinatak na ko kaagad! Nakalahad kasi kamay niya kanina. Para bang tinutulungan niya ko tumayo.

Kinilig nanaman ako. Tatanga tangang utak meron ako promise. Bipolar na ba ko? Kanina lang galit ako tapos ngayon okay na? Hay nako Nikki.

T-teka..

Holding. Hands. Kami. Habang. Naglalakad. Ano!?

"2 na ng umaga nandito ka pa? Ano ba talaga balak mo? Magkasakit?"

Napakurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Totoo ba to? Di kaya naabduct ng alien ang totoong Ivan? Nagcacare na ba sakin si Ivan?

Teka. Ayoko na magassume. Masabihan pa kong assuming.

"Eh. Ano..ah basta. Pano mo na lamang nandito ako?"

Shet! Kaholding hands ko lang naman ang isang Ivan Lee. Pinakasikat na vocalist sa Pilipinas. Even worldwide sikat sila! Buti na lang madilim. Kitang kita na sigurong namumula ako kung nagkataon!

Sana wala naman makakita samin ngayon no? Di kasi nakapang disguise si Ivan ngayon. Hawak niya pa kamay ko.

Walang tao naman dito kaya ayos lang siguro?

Nakarating na kami sa may kotse niya. Teka teka teka! Isasakay niya ba ko dito?

"Pasasakayin mo ba ko?" sabi ko sa kanya nung bitawan niya kamay ko.

"Ayaw mo? Sige lakad na."

Napapout ako. Grabe siya ha.

"Sakay na ano ba?" nakaabang siya sa may driver seat.

Shet? Sasakay nga ako!

"Di mo man lang ba ko pagbubuksan ng pinto?" Oo na sige na ako na feeler. Eh bakit ba. Crush ko to eh.

"The fuck? Papasok ka o hindi? Kasi gusto ko nang umuwi." Pikon! Pumasok na nga lang ako.

Nagdrive na siya. Sobrang tahimik. Pero...kinikilig ako.

"Paano mo nalaman na umalis ako ng condo?" sabi ko. Nakakacurious eh.

"Kasi pinuntahan kita sa unit mo." Kinilig ako shets.

"Paano mo nalaman nandito ako sa sementeryo?"

"Nagtanong ako sa guard." Poker face nanaman.

"Hmmm.. bakit mo ko sinundo?" sabi ko. Ewan ko. Gusto kong malaman.

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon