Chapter 42 * Dream

4.7K 81 6
                                    

Nikki's POV

Natutuwa ako. Sobra. Kasi kahit nagsinungaling ako sa kanila, tinanggap nila ako. I'm very glad to have them.

Bago ko pa man sabihin sa kanila ang plano kong iyon, nagtapat muna ako kay Ken. Napakahirap. Di ko alam kung paano. Pero dineretso ko siya. Sinabi ko na si Ivan ang mahal ko pero wala ring mangyayare dahil engaged na ko. Kanino? Hindi ko alam. Ayokong magalit siya kay Ivan. Ayokong magkawatak waak ang Ginger band dahil sakin. Hindi ko kakayanin yun.

Ngayon hindi ko alam kung bakit ako hinatak ni Ivan. Mag gagabi na pala.

Nasa kotse kami ngayon. If I'm not mistaken, daan to papuntang Baguio. 3 hours. Three hours na walang kibuan. Ewan ko. Kasabay ng bilis ng takbo ng kotse ang bilis ng takbo ng puso ko. Pag tumitingin ako sa kanya, napakaseryoso ng mga mata niya. Mamimiss ko mga matang yan.

Inisip ko, 6 months. Six months na rin pala kaming magkasama. Ni minsan ba nalapit ako sa kanya? Puro kasi utos eh. Utos dun utos dito. Ni minsan kaya tinuring niya kong maganda? I mean tinuring normal o hindi nerd? Hindi ko alam.

Sobrang napalapit ako sa banda. Kay Ace, kay Ken at kay Aidan. Pati na rin si Ate Mag at Lei. Pero si Ivan ba? Napalapit ba ko sa kanya? Parang hindi naman. Pero kahit ganun, mamimiss ko pa rin siya. Syempre, mahal ko eh.

Si Ivan, si Ken, si Ace, si Aidan, si Lei, si Ate Mag, Si Kim, even the Gear band family. Mamimiss ko yung tawanan namin, yung asaran. Yung grocery namin. Mamimiss ko yung pagtawag sakin ni Ken ng 'crush'. Yung pagtatanggol nila sakin. Lahat lahat. Yung sasabihin nila Aidan na masarap luto ko, yung tutulungan ako ni Ace sa paghuhugas ng pinggan. Lahat... mamimiss ko yung boses na pinanggagalingan ng salitang 'Oy nerd'.

"Panyo oh." napatingin ako sa kanya. Umiiyak na pala ako. Kinuha ko iyon.

IL

Nangiti ako ng bahagya. Siya pala yun. Kinuha ko yung isa pang panyo sa bag ko. Oo. Palagi ko tong dala. Kasi ito yung kauna-unahang lalaking nagsabi sakin na maganda ako. Siya pala yun.

"Sinabihan mo na pala ako noon ng maganda ako. Salamat.."

"A-Ano?"

"Ikaw, ikaw yung nasa bar right? Yung nagrequest ng 'When You're Gone'? Yung nagabot sakin ng panyo? Yung nagsabing wag na ko umiyak dahil maganda pa naman ako."

"Hin-"

"Wag ka na tumanggi. Nabuking ka na eh." medyo namula ako pagkakasabi ko nun. Siguro ienjoy ko na lang tong moment na to no? Ilalabas ko muna kakapalan ng mukha ko. Alam ko naman kasi na di na to mauulit. A tleast nagkaroon naman ako ng moment with Ivan Lee. Nakita ko siya na ngumisi. Ngumisi?! Totoo ba to?

"Oo na. Totoo ngang ako yan. Tuwa ka naman?" Shet. Kinikilig ako!

Ivan's POV

"Oo na. Totoo ngang ako yan. Tuwa ka naman?" sige. I'll show her kung sino talaga ako. Kung ano ako sa taong mahal ko. Hindi ko susuotin yung maskara ko. I'll take it off for her. Umaasa ako na baka....magstay siya. Di ko alam pero malaking sugal to para sakin. Ni hindi ko nga alam kung mahal niya ko eh. Oo nasabi niya noon na gusto niya ko pero di ko alam kung sapat yun para....

...Ipaglaban niya ko at umatras sa engagement.

Oo. Kay Nikki ko nakita ang pagmamahal. Ang tanga ko no? Tangina lang kasi ngayon ko lang nalaman halaga niya kung kelan aalis na siya at mawawala na. Ang tanga ko damn fuck you Ivan!

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon