Chapter 59 * Release

3.5K 58 5
                                    

Nikki's POV

"Mahal, di mo pa ba kakausapin sila Aidan? Hinihintay mo pa ba na sila ang unang kumausap sa'yo?" Tanong ko kay Ivan na nandito sa kwarto ko't nakahiga sa tabi ko. Siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya.

"Bibigyan ko muna sila ng panahon. Masakit yung ginawa ko sa kanila, Mahal. Pero sana intindihin din nila yung pinagdaanan ko sa Australia kaya ako naging ganito." Himas himas niya ang ulo ko habang sinasabi iyon. Hinalikan niya rin ako sa ulo. How I missed this. He interwined his fingers with mine and kissed the back of my palm.

Oo, alam ko na kung bakit siya naging ganito. Mahirap nga naman yung malaman mong may kapatid ka pala na tinago sa'yo. I never expected that. I met Ivana. Nakakatawa na sabi ko pa noon ay puro Ivan na lang kahit saan, akalain mo ba namang kapatid pa pala ni Ivan yun. Nameet ko na rin Mommy ni Ivan. Oh my ghad, first time iyon. Napakabait niya at napakaganda. Her lashes, her cheeks. Namiss ko tuloy ang totoo kong Mama.

2 weeks na simula nung nagkabati kami ni Ivan at walang mapaglagyan ang saya ko. After 3 years of being away from each other without any communications, mahal pa rin namin ang isa't isa. At ang foundation namin doon ay pagmamahal. Nagkasiraan man kami, isa't isa pa rin ang bubuo sa amin.

Napatawad ko na rin si Papa. Para saan pa't magalit pa ko sa kanya eh okay na naman kami ni Ivan. At isa pa, hindi makakabuti sa kalusugan niya ang may tampuhan sa pagitan namin.

"Eh paano kung parehas lang pala kayong nagaantayan?"

Nagulat sila Kim nang malaman nila na okay na kami ni Ivan. Nung first week, pahirapan pa. Kasi nagtatampo sila sakin. Bakit daw ba pinatawad ko agad eh grabe ang ginawa sakin. Edi kwinento ko sa kanila lahat lahat kahit wala ako sa posisyon. Pero kung di ko naman kasi sasabihin, lalala lang dahil walang gustong magbaba sa kanila ng pride. Medyo nagets naman nila. Wala na silang galit pero tampo meron. Okay sa kanila na kami na ulit ni Ivan which is wala naman silang magagawa about that dahil fiance ko naman na si Ivan pero still, walang pansinan pag nasa set kami.

"Eh paano kung di naman nila ako tanggapin?"

"Eh may mangyayari ba kung puro what if's na lang tayo? Ivan higit sa lahat ikaw ang nakakakilala sa kanila. Bukod sakin sila lang ang nagmahal sa unang Ivan na napakasunget, conceited, napakarude at abnormal."

"Grabe ka naman, parang ang sama sama ko na."

"Masungit ka naman talaga noon ah? Suplado pa. Ang sakit sakit mo na magsalita sa akin noon eh. Makapanget ka wagas yun pala maiinlove ka rin." Namula ang pisngi ko sa pagkakasabi ko nun pero mas kitang kita ang pamumula ng pisngi ni Ivan. Sinamaan niya ko ng tingin at umalis sa tabi ko. Bumangon siya at tipong aalis na.

"Bahala ka nga. Napakasama pala ng perception mo sakin eh. Tss." agad akong napangiti at bumangon sa kama para yakapin siya galing sa likod.

"Masungit nga, sobrang mahal ko naman."

Aidan's POV

Buti pa sila Nikki at Ivan ayos na. Kami ng ina ng mga anak ko hindi pa.

Gustong gusto ko nang magtapat kay Kim. Pero baka pag nalaman niya, ilayo niya ang mga anak ko. And I swear to God I don't want that to happen. Kaya nga kahit ganito lang muna ay kuntento na ko.

"Ma, what if may apo na kayo?" I asked my mother. Nandito ako ngayon sa kitchen namin. 2 years ago, umuwi sila Mama. And sad to say, kasama ang kapatid ko sa labas. Nakakainis. Puro na lang ba kami may mga kapatid sa labas?

His name was .... Fran. Fran Cipriano.

Ang alam ko manloloko rin to eh. So it really runs in the blood huh. Pero nahawaan ako ng dugo ni Mama kaya natino ako kay Kim. Casual lang kami ng kapatid ko at ni Papa. Kay Mama lang ako close. Di ko pa pala sila naipapakilala kay Nikki at Kim. Si Lei di ko alam kung alam na. Sinikreto lang namin ito. Ayokong ibulgar ang baho ng pamilya namin.

"I would be so happy. Pero ni wala ka ngang girlfriend eh. Kaya...ako na ang gagawa ng paraan." Huh?

"Ano Ma? Can you further explain it?"

"Why don't you invite all of your friends here anak? Gusto kong isama mo sila Nikki Han at Kim De Guzman. I heard friends kayo. Lalo na may upcoming movie kayo. Matagal tagal na since huli kong nakita si Ivan." I sighed.

"Okay po."

Di naman na kami galit kay Ivan. Nagtatampo na lang. Bakit? May ganito pala siyang problema bakit di niya sinabi sa amin? Edi sana nakatulong kami. Naging magkakapatid turingan amin noon tapos ganito? Syempre nakakatampo yun.

Matatapos na pala namin yung movie. Bukas nga last shoot eh. Para kaming nagreminisce.

Tulad ng sabi ni Mama ay ininvite ko sila. Nandito silang lahat ngayon. Nakakailang lang kay Ivan.

"Ma, this is Nikki."

"Hello Nikki."

"Hi Tita! I didn't know na ganito pala kaganda ang Mommy ni Aidan."

"Ay nako binola mo pa ko."

"Ma, eto naman si Kim." Ang ina ng mga anak ko. Gusto ko sanang idugtong yan eh. Kaya lang di pwede.

"Hi po Tita."

"Finally we've met! Napaka ganda naman pala ng kapatid nila Ken at Ace!"

"Ay salamat po Tita. Kayo rin po, you are so beautiful."

Ang sarap sanang makita yung ina mo at ina ng mga anak mo ay magkasundo. Pero sadly, my Mom doesn't know.

"I'll prepare some food and later on, I'll tell you something." And my Mom exited. Huh? Ano naman kaya yun?

"What was that Aidan?" Tanong sakin ni Ken. Nagkibit balikat ako.

"I don't know either."

--------

"Okay, so ito na yung sasabihin ko."

"Ma ano naman yan?" Sabi ko. Kailangan pa kasi naka pabilog kaming lahat.

"Excited ka naman anak eh. Wait lang."

Nako nanay ko po. Pasuspense masyado.

"Alam niyo naman si Aidan, no steady relationship."

"Ma?!"

"Ewan ko ba dito. Napakachoosy. Ang alam ko may minahal to kaya lang iniwanan siya. Tumatanda na ko at gusto ko nang makahaplos ng sarili kong mga apo." Mas mabilis pa sa alas kwatro na napalingon ako kay Kim. I saw her. She looked at me, pero nagiwas ng tingin nung ako na ang nakatingin.

"Para saan po yang mga sinasabi niyo tita?" Tanong ni Ace. At yan din ang kanina ko pang gustong itanong.

"Para kang anak ko. Sobrang excited. Dahil sa hindi makahanap tong anak ko, ako na ang humanap ng mapang aasawa niya. I'm placing him in an arranged marriage."

"Ano?!" sabay sabay kaming napasigaw. Ako? No fucking way!

"But Ma hindi pwede!" Angal ko.

"And why not?" Sasagot na dapat ako pero nagulat ako sa mga salitang binitawan ni Kim.

"Dahil may anak po kami. May kambal po kami at kailangan ng ama ng mga anak namin."

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon