Ang susunod na parte ay rated spg, patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maselang lengwahe, karahasan, sexual, horror at droga na di angkop sa batang nagbabasa. Parental guidance is adviced....
CHAROT! Hahaha. Joke lang yan! Nagexpect ka naman. Haha! Long UD for yaaah! Sana magustuhan niyo. May A/N pa ko sa duloooo ♥
-----
Ivan's POV
"Ready ka na tol?" tanong sakin ni Aidan.
"Oo. Mukha na naman akong Dracula no?" Oo. Dracula costume ko. Costume party kasi to. Kailangan naka panghorror.
"Oo pre. Okay na. Ako ba?"
"Pre, kahit di ka magcostume, pang horror na mukha mo." singit ni Ken. Natawa naman kami.
"Tangnamo Ken. Promise."
Konting ayos na lang at aalis na kami. Malapit na rin mag 8. Oo. 8pm ang party. Sa bahay nila Nikki. First time ko dun. First time ko din mamemeet step mom niya. Pucha. Kelan pa ko kinabahan? Di makakapunta papa niya kasi nasa ospital. Oo alam ko na. Naikwento na kasi ni Nikki sakin. Na kaya siya aalis ng mas maaga kasi ooperahan ang papa niya. At pagkarating dun, a year bago siya bumalik. Masakit oo. Lalo na ayaw niyang sabihin kung saan siya titira doon.
Di pa rin siya nakakapagdecide. Oo ang sakit na mahal niya ko pero humihingi siya ng time. Kahit mahal ko siya hindi ko naman siya maipipilit. Halos nasa parehas kami ng sitwasyon. Engaged siya sa lalaking di naman niya kilala. At pagumatras siya sa kasalan, madidisinherit siya. At isa pa doon, itatakwil siya. Ganun din pala ang tradisyon nila. Mostly naman sa aming mga Koreano ang apelyido, ganito ang tradisyon. Ako, kung susuwayin ko di papa, ayos lang kahit masakit dahil alam kong kahit sabihin ko sa kanya, hindi siya aatakihin sa puso. Eh yung kay Nikki? Pag sinabi niya iyon sa Papa niya, maaaring atakihin sa puso ang papa niya. Kung after the operation or even a year after, maaaring atakihin pa rin ito at mamatay. Ayaw ni Nikki yun dahil tatay na lang pala niya ang meron siya dahil patay na ang totoong mama niya. Tatay lang pala niya ang tumanggap sa kanya dahil sinisisi siya ng pamilya niya sa pagkamatay ng mama niya. Ako naman, iniwan kami ni mama kaya si Papa na lang din ang meron ako. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa namin. Fuck that engagement. Damn those traditions. Screw this surname!
"Ivan, pwede ba kitang makausap? Pwede bang makisabay sa kotse mo?" nagulat kami sa sinabi ni Ken. Pagkatapos pala namin bumalik ni Nikki galing Baguio di na kami kinausap niyan. Kahapon na lang yung kay Nikki.
"Sige. Oh." initsa ko yung susi.
"Ikaw mag drive." ngumisi siya at lumabas na ko na iniwanan sila Ace at Aidan dun.
Si Manager M pupunta din. Ang alam ko nauna na siya. Pagpasok ko sa kotse ko sumakay na rin siya at ipinaandar na niya.
"Nice costume." sabi ko. Nakapang wizard kasi siya eh.
"Sabi kasi ni Johannah partner kami. Ako daw ang wizard siya daw witch."
"Di ko alam childhood friend nyo pala si Johann at Cliff."
"Ah oo. Pero matagal na yun. Di rin naman kami close."
Ilang minuto ng katahimikan na nakakabingi. Putek na yan. Maya maya nagsalita na rin siya.
"Pre, mahal mo ba talaga si Nikki?" nagulat ako sa tanong niya. Tinatanong pa ba yun?
"Oo naman Ken. Mahal ko si Nikki. Higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay." tumawa siya.
"Diyan ka nagkakamali. Mas mahal ko siya kesa sa mahal mo siya."
"Eh sir-"
"Kasi ako, kaya ko siyang palayain. Kaya ko siyang ibigay sa taong mahal niya kahit sobrang sakit dito." tinuro niya ang puso niya. Ibig sabihin ba neto...hahayaan na niya kami?
BINABASA MO ANG
Fangirl to Fiance
RomanceStatus: Completed Ivan Lee. Pinaka leader ng Ginger Band na pinakasikat na banda sa buong bansa at sikat din sa ibang bansa. Idol ko siya. Grabe naman kasi. Sobrang gwapo. Ang ganda ganda pa ng boses. Napakasunget pero paano ko kaya siya natatagala...