Juliana's POV
Hi,I'm Juliana Mae Mendoza. Kakalipat lang namin sa isang Subdivision dito sa Cavite,masyado kaseng toxic sa dati naming tinitirahan,alam mo yon? Yung amoy na masangsang,maingay umagang umaga pa lang. Halos dalawang buwan din kame nag-stay sa condo. Ewan ko ba,pero feel ko dito sa bago naming bahay magiging masaya at tahimik ang buhay namin.
Apat kameng magkakapatid at may isang pinsan ko na baby ang inaruga na nila mama. Masaya naman buhay namin non,pero naghirap rin kame. Monday na bukas,at isang linggo na lang ang ipapasok namin.
Yung lola kong chismosa marami ng kaibigan. Eh ako? Nganga. Magbabakasyon na next week,excited na ako! Kaso wala namang gala ang magaganap. Hays. Namimiss ko na yung pinsan kong siraulo,si Ela. Same age kame,so super magkasundo kame sa kahit ano.
Lumabas muna ako para bumili ng makakain mamayang hapon,kdrama adik eh,tapos ko na naman yung assignments ko,well,mabait ako eh. Hindi ako palalabas pero kung para sa pagkain,go ako.
Pauwi na ako ng may makita akong aso,mukang nakawala siya. Ang cute pa naman,nilapitan ko at hinimas himas. Maya maya lang may lalakeng tumatakbo,pawis na pawis pero ang pogi niya parin. Nakoo! No no!
"Hope! Ang bilis mo naman tumakbo" sabi nung lalake.
Enebe yen,okay na sana,muka lang akong pataygutom sa mga dala ko.
"Ay,sorry. Sayo pala yan" sabi ko na nahihiya.
"Okay lang,di mo naman tinakbo eh" sagot niya.
Bat parang nakakasakit yon?! Mukha ba akong dog catcher?! Huhu. Nakakainis.
"Di ko naman aangkinin. Tss." Pabulong kong sabi.
"Ha?" Tanong niya.
"Wala po,babye Hope! Bye po." di ko na inintay ang sagot niya at tinalikuran ko na. Kainis. Kainis talaga! I hate him! Joke. Hehe.
Pagbalik ko sa bahay,agad akong umakyat at binuksan ang laptop ko at nagsearch ng kdrama na pwede kong panoorin. May nakita ako pero hindi kdrama eh,chinese kase. So pinanood ko na,ang title? 'A Love So Beautiful' habang nanonood naisip ko yung lalake at bigla ko na lang sinubo ng sunod sunod ang pagkain na nasa harapan ko. Naiinis talaga ako! Ugh!
Ng matapos ang episode 4 ay inantok na ako. 8 na din kase,e halos one hour ang isang episode. Huhu. Kumain muna ako,at natulog na. Ng makatulog ako ay parang nahihilo ako,pero paano ko mararamdaman yon? E tulog ako? Shit! Baka binabangungot ako,oh god! Nakita ko ang sarili ko na parang nahuhulog at sobrang bilis. Maya maya ay parang guminhawa na ang pakiramdam ko,siguro e panaginip lang to. Naglakad ako at may nakita akong babae na nakaluhod at nakatingin sa isang aso. Oh! Parang ako ang babae,lumapit ako don at nakita ko na may patakbong lalake,yung amo ni Hope. Pag tapos namin magusap,ay naglakad ang sarili ko pauwi,di ako sumunod sa katawan ko kaya nakita ko na tinignan ako ng amo ni hope palayo,tss. Naglakad sila pabalik,sinundan ko,at nakarating ako sa bahay nila. Omg. Trespassing ako,shit. Sana di nila ako mahuli. Ay tanga ko. Tulog nga pala ako,di kaya nag i-sleepwalk ako? Baka masagasaan ako ng truck,huhu.
"Ate!"tawag sakin. "Ate! Gumising ka daw muna" putek naman! Nawala ang lugar kung asan ako at naging madilim sa paligid,nagising ako at bumaba na lang.
Jusko! Yon lang yon? Pinababa ako kase may pasalubong na cake si mama? Huhu,sana tinirahan na lang ako. Pagtapos ko kumain ay umakyat ako at natulog ulit. Sa pagkakataong yon,di na ako nanaginip.