Juliana's POV
Almost 2 weeks na pala,almost 2 weeks na akong nakaratay sa ospital na 'to. Akala ko madadalian,akala ko gagaling agad ako at akala ko di aabot sa 2 weeks. Gusto ko ng umuwi,miss ko na si Chow,ang squad at si Ivan. Si Ivan. I missed my babyboy.
Walang masyadong ganap,malamang nasa ospital ako. Kung matatag ako,makakaya ko. Ano na kayang balita sa lagay ko? Di kase sinasabi ni papa,pero I think,di maganda.
Sa 2 weeks minsan na lang ako binibisita ng mga kaibigan ko,dahil ayoko. Lalo na si Ivan. Pero kapag pupunta siya,sulit. Argh! I love him,so much! Lagi akong nakakatanggap ng messages from him,pero di ko binabasa.
Anong oras na pero wala pa yung bantay ko,which is si papa. Nakita ko si papa kagabi,mukhang problemado,dahil sakin kaya? Hays.
Maya-maya ay bumukas ang pinto,at nakita ko si papa na naka-ngiti,my heart melt. Yung ngiting antagal kong di nakita simula nung ma-ospital ako.
"Nak,I have a good news" Masayang sabi ni papa. Omg! Omg! Ano kayaaa?!
"W-what is it,papa?" Pigil tuwang tanong ko.
"Pwede ka na maka-labas,anak! Are you happy?!" Tanong niya.
"Of course I am,papa! Matagal ko tong inantay!" Sabi ko at niyakap siya. Naramdaman kong may tumulo ng luha mula sa mata ko,I'm so happy.
"Bukas ng umaga,aalis na tayo dito ha,sa bahay ka na mag-papahinga. Matulog ka na muna" Sabi niya. Tumango lang ako at natulog na sa sobrang excitement.
~•~
*Kinabukasan*
Maaga ako nagising dahil wala lang! Excited ako maka-uwi. Makikita ko na si chow! Omg! 6:30 pa lang,nakita ko si papa na nakahiga sa couch. Yes! Di ko na makikitang na-mamaluktot si papa sa couch na yan.
7:30 napagdesisyunan na naming lisanin ang ospital na to. Bawat sulok ng kotse ay inamoy-amoy ko,baket ba! Na-miss ko e. Yeheyyyy! Tinignan ko ang mukha ko sa phone,yun lang,ang katawan ko di pa nabalik sa dati. Sabi ni papa naging busy lang daw ako kaya ako naospital,buti yun lang. Medyo napagod daw si heart kaya ayun,nahirapan.
Umakyat agad ako sa aking kwarto,tinalon ko agad ang aking kama na mas malambot pa sa marshmallow. Magpapahinga lang ako,tapos sasabihan ko na sila Nics na andito na ako. Na nakabalik na ako,na okay na ako.
But wait...w-where is chowchow?! Omfg! W-where is he? Bumaba agad ako para tanungin ang lola ko kung asan si chow.
"La! Asan po si chow?!" Nag-aalalang tanong ko.
"Juliana! Mag hinay-hinay ka nga. Aba't kakagaling lang pinapagod na naman ang puso!" Pa-alala ni lola "Andun sa nobyo mo! Kinuha dito baka daw alalahanin mo pa eh" Sabi ni lola. Umakyat na lang ako para tawagan ni Ivan,wala pang minuto ay sinagot niya ito.
"H-hello,Juliana?" Sagot niya.
"Hi Ivan,uh si Chow asayo ba?" Tanong ko.
"Yes,kinuha ko muna. Nagpaalam naman ako sayo kaso mukhang di mo binasa" Sabi niya.
"Mr. Marasigan,may masakit ba sayo?" Rinig ko sa kabilang linya. Natawa na lang ako sa kabaliwan ni Ivan.
"O-opo ma'am. Pwede po bang pumunta sa clinic?" Pag-dadahilan niya. Sumagot na lang ang teacher niya siguro.
"Hey Jelay" Tawag niya.
"Siraulo ka,sana di mo sinagot nagkaklase pala kayo!" Sermon ko sakaniya.
"Eh! Jelay naman,alam mong pag ikaw e kahit ano pa yan,sasagutin ko!" Arte niya.
"Oh sige na! Pumunta ka ng clinic! Bye!" Sabi ko at binaba na.
Naka-isip ako ng pang-bawi kila Ivan,siguro ay susunduin ko na lang siya mamaya. Para naman makabawi ako sa pag-tataboy sa kanila. I can't wait na makita ang OA na reaction niya. Sigurado akong di ako maiiyak,matatawa ako.
Oras na para umalis,nag-paalam na ako kay papa na aalis ako,pumayag naman siya,kasi kailangan daw may mag-drive so nag-isip ako kung sino ang pwede. Tinawagan ko ang si Kuya David,kapatid ni Janelle,close ko yun kase nung di pa buo ang squad at kami lang ni Janelle ang laging magkasama ay dun kami nagi-stay sa kanila kaya kilala at close ko si kuya David.
Pag dating ni kuya David ay agad na kaming sumakay sa aming sasakyan.
"How are you,Juliana? Balita ko kase naospital ka." Panimula ni kuya.
"Tss,chismoso ka." Sabi ko.
"Woah! Kahit naospital ma-attitude parin. Nice!" Tawa niya. Lul.
"Letche!" Inis na sabi ko. "Bilisan mo na lang magdrive para naman matuwa ako" Dagdag ko. At dahil baliktad ang utak niya ay mas lalo lang niya binagalan. Sa sobrang inis ay tumahimik na lang ako.
After 123456789 years ay nakarating na kami,puñeta kase si kuya David hanggang sa makarating kami ambagal parin. Nakita ko si Ivan na naglalakad kasama si Jordan. Si Jordan ata yung nanliligaw kay Ayisha.
"Pst! Ivan!" Tawag ko. Pag lingon niya ay mukha siyang tanga ng makita ako,ng maka move-on ay tumakbo siya papunta sakin pero ni-lock ko ang pinto para di siya maka pasok. Naririnig kong sinisigawan niya ako para pag-buksan siya,tawa ako ng tawa sa kaniyang reaksyon.
Nang buksan ko ay nakasimangot na siya sa akin,agad ko siyang hinila at niyakap.
"Na-miss kita,Ivan. I'm sorry" Sabi ko,pero di parin nabitaw sa pagkaka-yakap sa kaniya.
"Okay ka na ba? Bat lumabas ka na sa ospital? Pinayagan ka?" Tanong niya. Tumango lang ako. Antagal bago ako bumitaw sa pag-yakap sa kaniya.
"Sakay na mga panget" Singit ni kuya David. Papansin.
"Papansin ka." Sabi ko. "Sama mo si Jordan" Sabi ko kay Ivan,agad naman niyang tinawag si Jordan at umuwi na kami. Di natigil sa pagsasalita si Ivan hanggang makauwi.
"Ang sakit mo sa tenga,Ivan." Reklamo ni David pagkababa.
"Mukha mo,masakit" Asar ni Ivan.
"Mga mokong magsi-tahimik kayo,kung ayaw niyo matigok ng maaga." Banta ko. Tumawa lang si Jordan.
Iniwan namin ang sasakyan sa aming bahay at nilakad ang bahay nila Ivan. Di lang simpleng bawi ang gagawin ko,kase iti-treat ko sila sa Batangas. Meron kaming resort na pag-mamay-ari ng Family Gomez,di kami ganong kayaman pero dahil sa lola namin kaya siguro masasabi naming angat kami sa buhay.
"Van,where is tita and tito?" Tanong ko.
"They went to Bohol,kailangan daw nila ng fresh air." Sagot niya.
"Ang boring,laro naman tayo." Yaya ni kuya David.
"Laro ka mag-isa mo. Tanda-tanda na laro parin nasa isip. Come on,man! Be mature!" Asar ko.
"Oo nga,Jelay,laro muna tayo." Pamimilit ni Ivan. Napapaligiran ako ng mga isip-bata.
"Kayo na lang. Jordan,sali ka sa kanila" Pilit ko sa kaniya.
"Ayoko nga! Di na ako bata no!" Ani niya habang tatawa-tawa.
"Oh? Tara dun tayo sa kusina,gawa na lang tayo sandwich" Yaya ko sa kaniya. Tumango siya pero pinigilan kami ni Ivan.
"Hoy,Jordan. Gusto mong mag-f.o tayo? May Ayisha ka na,chupi ka kay Jelay!" Taboy ni Ivan kay Jordan. Nagka-tinginan kami ni Jordan at tumawa lang.