Juliana's POV
Tanghali na ako nagising kahit maaga ako natulog. Pagtapos ko naghilamos at mag-toothbrush ay bumaba na ako para sa tanghalian.
"Jelay,anong oras ka ba natulog at ganyan ka nagising?" Tanong ng aking lola.
"Aba la,maaga po ako natulog. Ay la,si mama asan?" Tanong ko.
"Umalis,alam mong busy yon ngayon,lalo na at malapit na siya umalis" ani ni lola. Shit. Oo nga pala aalis na si mama,three weeks na lang.
"Ah,sige la. Akyat na po ako" sabi ko at umakyat na papunta sa aking kwarto.
Binuksan ko ang aking laptop at nanood na lang ng movie. Maya maya ay nag vibrate ang aking phone,tinignan ko ang screen at unknown number parin pero alam ko kung sino.
"Yo,sup mr. Marasigan?" Panimula ko
"Hey! Uhmm,can I come there?" Tanong niya.
"Yeah,sure. Now na ba?"tanong ko ulit.
"Yeah,see you. Bye!"pamamaalam niya.
Oh shit! Yung tungkol kagabi. Baka nabingi lang ako o kaya naman joke niya lang yon. Hahahaha. Sabagay,joker siya eh. Tinawag ako ni lola at alam ko kung bakit,kaya dali dali akong bumaba at pinapasok si Ivan.
"Buti may kasama ka,aalis ako ngayon. Kayo muna nila Jarrel dito ha,bantayan mo yan." Sabi ni lola.
"Owkieeee!" Sagot ko lang.
We watched movie,we eat,we played music. And now,wala na kaming magawa. Siguro eto na yung time para itanong ko yung about kagabi.
"Ivan,y-yung kagabi kase. Yung s-sinabi mo,ano yon?" Utal na sabi ko. He smile.
"Totoo yon Jelay,actually di ko naman talaga intensyon na magkagusto sayo,pero ang simple mo. You're crazy,sa isip isip ko. Kaya kinaibigan kita kase feel ko mababago takbo ng buhay ko sayo,I mean mas sasaya ako. And until one day,yung kagustuhan kong maging kaibigan mo,naging gusto ko ng maging boyfriend mo"sabi niya ng nakangiti.
Napanood ko na to eh,tapos sa huli mangloloko si boy. Tss. Pero bat parang kinilig ako? Totoo ba na manhid ako?
"I-I can't say anything. Oh my god! Totoo bang manhid ako? Lahat ng nakakakita na magkasama tayo tinatanong kung tayo because of your aura,yung eyes mo daw sa tuwing nagtatawanan tayong dalawa na parang may sariling mundo pero di ko naman nakikita kung anong meron sa mata mo,kaya ba lagi mo'ko sinasabayan?" I asked. Tumango lang siya. "Eiffel asked me kung bakit di ko makita halaga niya,kung dahil daw ba sayo. I said no. At kung tatanungin mo din kung pwede tayo magka label,it's a no. Im sorry" sabi ko. Naiiyak ako kase sandali lang kami nagkasama eh. Tapos ganyan na gusto na niya ako agad?
"It's okay,I can wait. Siguro natanong mo na sa isip mo kung bakit ambilis kitang nagustuhan. Actually,yung inaakala mong unang kita natin is hindi yon. Nakikita kita araw araw,nakaupo sa may little garden niyo,nilalaro si Jael. I admire you because of that. Mga teenagers ngayon mas gugustuhing gumala,mag cellphone. Pero ikaw,mas gugustuhin mong makalaro ang pinsan mo" paliwanag niya,may tumulo na luha sa aking mata. Nagiging OA yata ako. Ngumiti lang ako.
"Thanks for admiring me. Pero hindi muna ngayon,bata pa tayo." Paliwanag ko.
"Hindi pa naman kita papakasalan o itatanan ah. Hahahaha. Pero I can wait as long as nakikita kita,na nafe-feel ko yung presence mo,I can wait. Basta wag kang lalayo''ani niya. Naginit ang mukha ko. Tumango lang ako at niyakap siya. Para mafeel niya na Im happy kung anong meron kami at walang magbabago kahit umamin siya.
I like him,too. Pero hindi sapat yung like,at walang love sa relasyon. Hindi pwede na gusto mo siya kaya mo siya niligawan. Dapat you like and love her at the same time. Hindi pwede na gusto mo yung ugali niya kaya liligawan mo siya. Instead you love her,kaya liligawan mo siya and you like her kase yung ugali niya,kakaiba. Ganon dapat,para maging balance ang relasyon niyo.
"Baliw. Basta manatili muna tayong ganito,mr. Marasigan ha?" Sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap.
"Aye! Captain,Mendoza" ani niya na naka salute pa sakin. "Teka,ilang beses ko na ata nakita na may aso dito,pero ngayon ko lang matatanong to. Sayo ba yon?" Tanong niya.
"Yeah,Im a dog lover. Pero simula nung lumipat kami sa dati naming bahay ay di na ako nagkaroon ng aso,dahil madumi don dati. Pero ngayon ayos na,gusto ko ulit ng dog. He's my baby,and Im her mommy''paliwanag ko.
"Kala ko ako ang baby. Pero I guess I like to be the Daddy" Tawa niya. Tumawa na din ako.
Nag bake ako ng cookies para samin. Nilalaro naman ni Ivan si Chowchow at si Jarrel. Sinabi ko sakaniya na kunin niya si Hope,pero nasa Vet pala. Onti lang ata ang lalake na may aso,o may inaalagaan na pets. Siya,He love Hope very much. Nakuwento niya sakin na muntik na pala mabangga si Hope dati,at inaway niya ang may ari ng motor dahil doon.
After namin kumain ay nanood ulit kami ng movie. Gabi na at kailangan na umuwi ni Ivan. Mag se-seven na. Andito na din si lola kanina pa. Padating na din si mama,maya maya lang. Alam naman niya na kasama ko si Ivan.
Umakyat na lang ako dahil di ko na kailangan kumain dahil busog na ako. Iantok ako ng sobra at natulog na.