Chapter 15

13 1 0
                                    

Juliana's POV

It's already 10 pero di parin ako nag-aayos,iniisip ko kase kung paano ako aalis e naulan. At sobrang lakas niya! Eto yung problema pag-malayo sa school eh. Bawal pa naman ako um-absent at ma-late! Sana umuwi si papa ngayong umaga,may 1hr and 30 mins pa naman ako,pero iba parin kase pag-maaga pumasok.

After a minute ay dumating si papa after ko siyang tawagan at magpasundo. Galing siyang Manila buti pauwi na talaga siya non. It's already 11 so medyo abot tenga na kaba ko,huhu.

"Nak,kayo ba nung Ivan?" Tanong ni papa. Anong klaseng tanong yan,pa?! Soon. Hehe. Charot!

"Hindi po. He's my friend" sagot ko. Lord,sorry po. Eto ata pinaka-mabigat kong kasalanan. Sasabihin ko naman po kase di naman big deal kay papa yon.

"Okay. You two are friends,huh?" Pagtatanong niya ulit ng may halong something siguro. Hahahaha.

"Okay! Okay! Nanliligaw siya,okay na,pa?" Nahihiya kong pag-amin. Huhu.

Pag-tapos ng sagot ko ay tinawanan lang ako ni papa. May lahing alien si papa,huhu. Nakababa na ako at kanina ko pa iniintay ang mga babaita dahil 11:20 na at wala parin sila.

"Jelay!" Oh! Boses ni...Ivan! Unti-onti akong lumingon at nakita ko yung anghel na matagal ko ng di nakikita and the angel is smiling at me. Ivan.

"Ivan,w-what are you doing here? May pasok ka di'ba?" tanong ko. At imbis na sagutin niya ako ay niyakap niya na lang ako at bumulong ng 'i miss you'.

Sayang lang at pasukan na namin,tumunog na ang bell at kahit ayoko ay pumasok na lang ako. May 30 mins pa kami para saktong 12 ang start ng klase namin. First subject? Math!

Bigla na lang sumulpot ang mga unggoy na babaita sa pinto ng aming classroom,mukha silang baliw,parang di nag-ayos ng sarili.

"Saan kayo galing? Di naman kayo ganyan ma-late ah!" Tanong ko sa kanila.

"Diba nagkita kayo ni Ivan?" Tanong ni Nics,tumango lang ako. "Kami may gawa non! Gusto mo malaman kung paano?" Tanong niya ulit! Tumango na lang ulit ako. "Ganto! Sabi namin na kapatid niya si Janelle,at nilalagnat. Kaya ayon pinalabas siya ng guard. Astig ba?" Taas kikay niyang tanong.

"Hindi. Ang hunghang niyo mag-isip. Nautakan pa nga kayo eh. Alam niyo kung bakit? Kase kung magkapatid yon edi sana don nag-aaral si Janelle. Pinayagan lang talaga kayo,yabang mo." Inis ko namang sabi.

"Di na kayo makakaulit sa-" May sasabihin pa sana siya pero dumating na si ma'am Fanquella.

Discuss! Discuss! Discuss! Walang katapusang discuss! Whoooo!

"Who can answer no. 1 in the board?" Tanong ni ma'am. Tinaas ko naman ang kamay ko. Madali lang naman kase ang tanong.

√3/3² x 2 + 1 x √3/3²

answer: 1.83

Nosebleed diba? Pero kung iintindihin mo,makakasagot ka. Ilang minutes pa ay tumunog na ang bell,ibig-sabihin ay next subject na. History ang next subject namin so B O R I N G ang magiging klase namin,for sure,maraming makakatulog isa na si Nica!

Dumating na ang pinaka-striktong teacher dito saamin,si Ms. Montemayor,40+ na pero wala paring asawa,masungit daw kase talaga.

"Buksan ang pahina 34,ireview niyo lang ang about sa mga sinaunang tao at may quiz" Sabi nito at lumabas. Pag labas ni ma'an ay agad nag-reklamo ang mga estudyante.

Luh,ano yon? Wala ka ngang tinuturo ma'am tapos quiz agad?! Advance ka mag-isip ha! Kaka-pasok pa lang quiz agad. Wala munang requirments? Atska bakit ba kase kailangan balikan ang nakaraan? Di na lang manatili sa kasalukuyan.

Nagbasa na lang ako,pero di sila nagsi-sink-in sa utak ko. Alam o naman na kase to,grade 8 pa lang ako.

"Number 1!" Sigaw ni ma'am kaya lahat kame napatingin sa kaniya sa gulat. Kumuha agad kame ng ¼ at nagsulat.

Nang matapos ang 1-15 na quiz ay agad namang nagtawag si ma'am sa pwedeng sumagot.

"De Guzman,number one"Ani ni ma'am kaya naman di na nakalusot si Nica. Ayaw pa naman niya ng history.

Pag-tapos mag-sagot ni Nica ay agad tong bumanat ng tanong kay ma'am.
"Bakit po ba kailanga balikan ang nakaraan,ma'am?" Tanong ni Nica.

"Kayong mga bata kayo,di niyo alam ang kahalagahan ng nakaraan. Alam niyo ang nakaraan ang nagpapaalala saatin kung paano tayo naging matatag at matibay ngayon,kung paano tayo naging masaya. Yun ang kahalagahan ng nakaraan. Pero etong tinuturo ko ay ang kahalagahan ng mga naiambag ng mga bayani at ninuno natin sa bayan"Pag-sagot ni ma'am. Parang may hugot,hahahaha. Napa-oh na lang si Nica,at di na nakasagot.

Nang matapos ang History ay recess. Kaya naman buhay na buhay ang mga kaklase ko.

"Kabog kayo sa sagot ni ma'am no! Pang-q and a." Sabi ni Ayisha at nagtawanan naman kame.

"Totoo! Haba ng sagot eh." Dugtong ni Nics.

"Alam niyo,apaka niyo. Feel ko mabait si ma'am,di lang showy" Sabi ko habang nasipsip ng juice.

"Agree ako" Pag sang-ayos ni Janelle. "Kase kung ibang teacher yon,siguro ang isasagot non ay 'bakit ka pa nag-aral' e ang haba ng sagot niya at may punto" Paliwanag ni Janelle.

Bumalik na kame sa classroom at nag-kwentuhan na lang. Nagtatawanan kami ng nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko'to at binasa.

From: Ela Ela Eh
'Kainggit,pwede lumipat d'yan?'

Natawa naman ako sa message niya at ni-replyan ko.

'Baliw,saan ba? Dito sa school namin?' Reply ko.

Agad naman siyang nagreply.

'Tanga,di papayag si mommy. Sa school na lang ng jowa mo.' Reply niya.

Wala kase sa pinas ang mommy at papa niya. May bussiness kase sa Europe kaya okay lang na gumora kung saan saan si Ela. Si Lolo,tita Beatrice at Angelo lang ang kasama niya sa bahay. Sa mother side ko pinsan si Ela,same age lang kami mas matanda lang siya ng buwan. Nagi-isang anak kaya gustong may kasama.

Nag-patuloy na ang klase namin hanggang mag-uwian. Sabay-sabay kaming magje-jeep ngayon para masaya. Lumabas na kame at bigla silang nag-ayieee ng makita si Ivan. Eh si Ivan lang naman yan...Si Ivan? Si Ivan anditooooo! Agad akong tumakbo at niyakap siya. Tawa naman ng tawa ang mga kasama ko.

"Bakit ka andito?" Tanong ko.

"May susunduin ako eh" Sagot niya,binigyan ko naman siya ng andito-na-ako look. At umiling-iling naman siya. Bumusangot ako at inis na naglakad.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko at rinig ko din na may nabungisngis.

"Hindi ikaw,kase si Ayisha ang susunduin namin." Sabi niya. Mas lalo akong nainis,binigyan ko siya ng umalis-ka-sa-harapan-ko look. Tumawa lang siya at nagsalita ulit.
"Nag-patulong kase si Jordan na pumorma kay Ayisha. At dahil mahal kita,sumama ako" Paliwanag niya. Huh? Ano daw.

"Connect?" Tanong ko.

"Makikita kita kaya ako sumama,duh!" Sagot niya at may pag-irap pa.

"Apaka bakla mo." Sabi ko at niyaya na sila Ayisha sa pag-uwi.

Sabay-sabay kaming sumakay at nayayamot ako pag tinitignan sila Ayisha at Jordan,mukha silang ewan. Hahahahaha.

"Dalaga na si Ayisha!" Pang-aasar ko.

Bumaba na sila,kasama si Jordan. Kame na lang ni Ivan ang natira,sa sobrang antok ko ay kahit inis ako sa kaniya ay sumandal na lang sa balikat niya at natulog.

"Jelay,prinsesa ko. Malapit na tayo" Rinig kong bulong ni Ivan. Dumilat na lang ako,para di na niya ako guluhin. Di pa naman kame sobrang lapit,advance lang siya mag-isip.

Pag-dating namin sa bahay ay agad na lang ako nagba-bye kay Ivan at tinuloy ang pag-tulog ng walang kain-kain.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon