Juliana's POV
Another day na naman. Laging ganon routin ko. Ligo,kain at alis na,syempre may kasamang bihis at toothbrush na yon ha! Baka isipin niyo di ako nagto-toothbrush eh.
Paglabas ko ng pinto ay may anino na akong nakita,binuksan ko ang gate namin at nakita ko na naman ang kaniyang mukha,ang mala anghel niyang mukha.
"Hey goodmorning" bati ko sakaniya at tuloy tuloy na naglakad.
"Hey! Can I come with you?" Tanong niya at nagulantang ako,napatigil sa paglalakad. Siya? Sasabay sakin,why?
"Why? I mean,you have a car. You don't need to walk...with me" Sabi ko,e baket? Totoo naman diba? Maliban na lang kung gusto niya ako makasabay,hahahaha.
"S-sira yung kotse namin ngayon" utal na sabi nito.
Ano dong? Nautal na sa kagandahan ko? Chos!
"Okay,sure" sabi ko at naglakad na ulit,sinuot ko ang earphone at nag set ng music.
Tumingala ako para tignan siya at nakita kong nakatingin na siya saakin,nagiwas kaming dalawa ng tinginan. His eyes,parang nakaka-addict tignan.
Sumeryoso ako at nagsalita "Why?" Tanong ko.
"Huh?" Sagot ng aking katabi.
"Why me? Pwede kang makisabay sa iba,so bakit ako? Bakit sakin? Do you know me?"seryoso kong tanong.
"First I don't know you,but I feel comfortable with you''sabi niya,srsly? Bat parang namumula ako? Nafefeel ko parang ang init.
"I told you,sira
kotse namin. So let's be friends"ani niya at ngumiti,nilahad ang kamay at nag salita ulit.
"Hi,I'm Ivan Marasigan. And you are?"pagpapakilala niya."Ivan huh? Nice name. Hi Ivan, I'm Juliana Mendoza" Nakangiti kong sabi at nakipag shake hand sakaniya. So soft,hahahaha.
Sumakay na kami ng jeep,halatang di sanay ang isang to. Mayaman talaga.
"Wala tong bayad?" Tanong niya.
"Hahahaha,syempre meron! Wala ng libre ngayon,dodong!" Sabi ko na natatawa parin.
Naglabas ito ng one hundred pesos pero nagsalita ako "Hoy,bat one hundred? Barya lang sa umaga!" Sabi ko,tawang tawa parin.
"Malay ko ba" ani niya na nahihiya.
"Ako na nga,hahahaha!" Sabi ko. Naglabas ako ng bente pesos.
"Bayad po,maskikisuyo nga po"pakikisuyo ko,inabot naman ng pasahero at inabot sa driver ng jeep. Pagbalik ng sukli ay ngumiti ako kay Ivan. Wait,di ko alam kung san siya bababa.
"Ivan,san ka bababa?" Tanong ko dito.
"Sa St. Paul. Dun ako nag-aaral" sagot niya.
Hala! E magkalapit lang pala kami eh.
"Malapit lang pala eh,tapat niyo lang pala kami" sagot ko.
"St. Andrew?"Tanong niya. "Hindi! Yung public school don,hahahaha" sabi ko.
"Ang hyper mo"ani niya.
Sumeryoso ako at tumingin sakaniya,nagulat naman siya at sa sobrang nakakatawa mukha niya,tawa ako ng tawa. "Anong mukha yan?!"sabi ko,tawa parin ng tawa.
"Baliw" sabi niya. Huwattttt?! Sinong baliw? Ako? Hahahaha,ako nga!
"Ansama!"reklamo ko.