Chapter 13

10 3 0
                                    

Juliana's POV

Pasukan na,2weeks na lang. Kaya sabay sabay kaming pumunta sa school at nagpaenroll. Kanina pa kami dito,chini-chika lang naman kami ng magiging adviser namin. I recived a text from Ivan,kanina lang. Kasama niya daw mga friends niya so baka di daw kami maka-labas mamaya,usapan kasi namin na kakain kami sa labas. Kami na lang nila Ayisha ang pumuntang sm,bonding lang,ganern.

Dapat lilipat ako,kaso naisip ko na maayos naman sa school namin. At sayang din yung memories na nabuo namin,dapat kase natin pahalagahan yung mga tao na laging nandyan para satin masaya man tayo o malungkot.

Si Ela naman,sa August pa pasukan. Sana ganon din kami,Hehe. Umuwi na kami Ela,we're tired,kase anong oras kami natulog kagabi,nanood lang kami ng Harry Potter,tinapos namin ng isang higaan lang. Tutulog muna kami, and then,pupunta ako kay Ivan. Kilala ko na ang family niya,and they know na din naman.

Pumunta ako kay Ivan,mga anong oras na. And I saw him,with his friends and may katabi siyang girl. Wala ang sakin yon,promise ha! Wala talaga! Wala nga!! Oh sige,slight lang ha,nahurt ako. Kase nagtatawanan silang dalawa,pero okay lang,kase di naman kami. Hehe.

Nakatingin lang ako sakanila,pero may nakita ako ng anino sa gilid ko. Dahan-dahan kong tinignan kung sino yon,shit! Si...Tita!

"Darling,anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya.

"W-wala po. Uuwi na po ako,tita. Dumaan lang po ako. Pero mukhang Ivan's busy po eh" sabi ko ng nahihiya.

"Nako iha,pag ikaw nakita niya,ikaw muna ang uunahin niyan" ani niya at niyaya na akong pumasok.

Pag pasok ko,lahat ng mata ay nasa akin,wth. Why?! Ngumiti ako ng naiilang. I-i don't know what to do!!!

"Juliana,come here. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" Yaya ni Ivan.

"Ivan,kase a-ano eh,aalis ako kase may pupuntahan kami. Naisipan kong magpaalam sayo." Pagdadahilan ko.

"Saan?" Tanong niya.

"S-a mall,kasama ko sila Ron." Sabi ko. Tanga! Kasama mo sila kanina!

"Kasama mo na sila kanina,jelay ah. Tas si Ron kasama? Sama din ako" Sabi niya.

"H-hindi na,Ivan. Your friends is here." Sabi ko.

"Juliana,anong sinabi ko?" Tanong niya.

''Y-you're coming w-with me." Sagot ko.

"Good. Guys,Sorry pero kailangan ko bantayan si Jelay at baka ahasin" Sabi niya.

"Bro naman." "Daya mo" pag-IINARTE! ng mga kaibigan niya. Mga di kayo totoo! Pwede namang sumama,mga unggoy. Tss.

"Ano bang sabi ko?" Paguulit niya.

"Oo na,oo na. Dito muna kami,tutal andito naman si tita." Sabi ng kaibigan niya,tinanguan niya lang ito at humarap sakin.

"Jelay,kahit alam kong di mo kasama si Ron,sasama ko sayo. Ikaw ang pangalawa sa mga babae na priority ko sa mundo,si Mama ang una,hahaha." Panguuto niya. "Akyat lang ako,para magbihis ha. Antayin moko diyan" sabi niya at umakyat na.

Tumingin ako sa mga kaibigan niya na nakangiti sakin,mga adik. Tss. Ngumiti na lang din ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Feel at home ako diba? Hahaha.

"Girlfriend ka ni Ivan?" Gulat ako sa pagsulpot ng ahas,este ng babae na katabi ni Ivan kanina.

"No,he's courting me. Why?" I asked.

"Wala lang. Asawa kase naaagaw,manliligaw pa kaya" sabi niya at ngumisi.

"Well,may tiwala ako kay Ivan. Sa mga mang aagaw lang wala. At kung maagaw man siya,ang LANDI ng BABAENG YON para mang agaw. Sorry,pero kung aagawin mo man siya sakin,I don't care,you know why? Kase di ka papatulan ni Ivan.'' Sabi ko.

"Di ko siya aagawin. Gagawa lang ako ng mga bagay na makakapagpa-punta kay Ivan sakin. Ganyan yan si Ivan,liligawan ka muna tapos pag nagsawa sayo iiwan kana"ani niya.

"Ah,okay. Iwan na muna kita,MAY LAKAD KASE KAMI NI IVAN" pagdidiin ko,at umalis na.

Umalis kami ni Ivan ng kami lang,nagsasalita siya pero wala akong maintindihan. Iniisip ko yung sagutan namin nung babae. Paano kung maagaw niya si Ivan? Paano kung di pala ako maging sapat kay Ivan? Napa-paranoid ako.

"Jelay. Are you listening?" Tanong niya,natauhan naman ako.

"Van,paano kung may babaeng umagaw sayo mula sakin? Papaagaw kaba?" Tanong ko ng wala sa sarili.

"Jelay naman,san mo nakuha yan? Alam mong sayo lang ako. Kahit di mo pa ako sinasagot kaya kong magantay." Sabi niya,at kiniss ang noo ko.

"I know,Im sorry" sabi ko.

Im being paranoid,siguro natatakot ako na mawala si Ivan sakin. Ivan,he's my first love. Pinaramdam niya sakin na hindi ako worthless,na mahalaga yung 'oo' ko sakaniya. Im happy,masayang masaya ako na nakilala ko si Ivan.

"Goodnight,Ivan" sabi ko at pumasok na sa bahay. Niyaya ko na siya umuwi pag tapos ng paguusap namin. Di naman kase natin pwedeng pagbawalan yung mga taong di satin,lalo na di mo naman hawak isip niya.

''Konti na lang,Ivan''bulong ko at umakyat na.

Nakita ko pa si Ela na nanonood ng Kdrama. Pagka-kita niya sakin ay agad niya akong binato ng unan.

"Aray! Baket ba?!" Inis kong sigaw.

"Letche ka,kanina pa kita inaantay!" Sabi niya.

"Wala namang nagsabi na antayin mo ko ah!" Nahiga na lang ako at pumikit.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon