Chapter 5

9 3 0
                                    

Juliana's POV

Maaga pa lang ay gumising na ako,mag jo-jogging kase ako with chowchow ngayon. I check my facebook account first and I saw a message request from Ivan,inaccept ko naman yon. Wow,di ko ine-expect na siya ng unang mag-memessage sakin.

'Hey,goodmorning <3' ang message niya sakin. May pa-heart si mayor ha. Pero no malisya.

'Hey,goodmorning din. :)' reply ko naman.

'Ang aga naman magising' he replied.

'It's Saturday,jogging day...For me.' I replied.

'Oh,tamang tama. Mag-jojogging din ako,wait for me. Bye,see you!' reply niya. Di na ako nagreply at baka papunta na yon.

Maya maya lang ay may kumatok na sa aming gate. Here he is. I saw Hope too. Maybe Hope and Chowchow will like each other. Sweet!

"Hanggang anong oras tayo mag jojogging?" Tanong ni Ivan.

"Gusto mo uwi ka na ngayon,madaling madali ka eh" sagot ko naman.

"Taray mo naman po ms. Mendoza" ani niya at parang nagtatampo.

"Arte ha,hahahaha" pang aasar ko sakaniya.

Makalipas ang ilang oras ay napagdesisyunan naming umuwi na. Hope and Chow are so cute,parang magkapatid sila.

"See you later,ms. Mendoza" ani ni Ivan,putcha. Parang nang-aasar to ah.

"See you mr.Marasigan"pang-babalik asar ko. Ngumuso naman ito at I promise,hindi bagay! Joke! He's cute.

Naligo ako pagkatapos magpahinga dahil pupunta ako kila Nica later. Magkikita muna kaming squad at mag momovie marathon kila Nica. Pagtapos kong ayusan ang aking sarili ay nagpaalam na ako kila mama.

"Ma,si Chow po ha. Alis na ako ma,bye. I love you" sabi ko at kiniss siya sa cheek.

"Buo na tayo,let's eat."sabi ni Nica pagkarating ko. Andun na nga ang squad and Eiffel.

"Order muna kami,kayo muna jan."sabi ni Ayisha at kinindatan ako. Ew. Joke!

Alam kong eto na yung binibigay nilang time para makausap ko si Eiffel. "Eiffel,bat parang galit ka or nagtatampo? Are you okay?" Panimula ko. Tumango lang si Eiffel.

"Eiffel,totoo ba na you like me? Sorry,but Im confused about our relationship. Our friendship." Sabi ko.

"Jels,di mo ba nakikita or manhid ka lang? Simula nung magkaroon tayo ng squad,gusto na kita. Pero di mo'ko pinapansin. We're close pero di ba pwedeng palitan yon? I mean,our friendship. Pwede bang magkaroon ng label?" Paliwanag niya.

"No,Eiffel. And Im sorry,kase siguro nga manhid ako. Pero sorry,ayokong masira friendship natin dahil sa feelings mo for me" sabi ko.

"Baket? Dahil don sa Ivan na yon? You like him,huh?" Inis na tanong niya.

"No! I don't like him. Wala akong gusto sa inyong dalawa. We're friends. You and Ivan can be friends,di yung sinisisi mo si Ivan" sabi ko.

"I'm sorry,itatry kong tanggalin yung feelings ko for you. Pero wag kang lalayo" sabi niya at tumango ako.

Pagtapos kumain ay dumiretso na kami kila Nics. Tumunog ang phone ko at may message don,from unknown number.

'Where are you,ms. Mendoza?'tanong nito. Oh! I know HIM!

'Why Mr. Marasigan? Andito ako sa kila Nics' I answered.

Di na siya nagreply,dahil don ay nanood na lang kami. Horror ang pinapanood namin kaya lahat sila ay nagsiksikan.

"Mga takot!" Sabi ko sakanila.

"Palibhasa kamukha mo yung multo diyan" sabi ni Nica na hawak ang phone.

Nagtawanan naman kami. Maya maya lang ay nagpasama si Nica sa labas para daw may pagkain kami.

Sumama ako dahil gutom na ulit ako,pero lagpas na kami sa store,pinasakay ako ni Nica sa Tricycle.

"Hoy Nics! San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa labasan" sagot lang nito at tipa parin ng tipa sa phone niya.

Bumaba na kami at nakita ko si Ivan lumapit ako at tinanong kung bakit siya nandito

"May kikitain lang ako" sagot niya

"Sino naman?" Tanong ko.

"Ako, bakit? May angal?" Singit ni Nica.

"Tara na nga mga lovebirds" sabi niya at sumakay na ulit sa tricycle.

Nagulat sila Ayisha ng makita si Ivan. Tumingin sila sakin na parang nagtatanong,tumingin naman sila kay Nica na nakatingin sakanila.

"Oh baket? Bahay ko'to! Ako nagyaya sakaniya,may angal?" Tanong niya,umiling lang sila.

"Good!"sabi naman niya.

Tapang,takot naman sakin. Tss. Nagusap usap lang kami about sa school,at pagtapos non ay umuai na kami nila Ivan. Unang bumaba si Eiffel,sununod si Janelle,at si Ayisha. Kaming dalawa na lang ni Ivan.

"Crush mo si Nica no?!" Pang-aasar ko sakaniya.

"Hindi no!" Sagot naman nito.

"Eh bat ka pumunta don?" Tanong ko na nangaasar.

"Eh,andun ka eh." Sabi niya.

"Baliw,hahahaha" sagot ko lang.

Pumara na kami at naglakad na. "Bye,Jelay." Paalam ni Ivan.

"Bye! Goodnight" sabi ko sakniya at tumalikod na,pero pinigilan niya ako.

"Jelay,I like you. Sana ramdam mo yon,goodnight." Sabi niya at umalis na. Wait,what? He likes me? Srsly?

Umakyat ako sa aking kwarto,tumitig sa kisame at inalala ng huling sinabi ni Ivan. Legit ba yon? Or nabingi lang ako? Ilang days pa lang kami magkakilala ah. Gosh. Talaga bang manhid ako? Pinikit ko na lang ang aking mata at natulog na lang.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon