Juliana's POV
Tamad akong bumangon,eh kung di ba naman ako ginising nila Nica at Ayisha di naman talaga ako gigising muna. Nagyaya magjogging,ang masama pang jogging ko ang ginamit,mga hayupp!
Inayos ko na ang aking sarili at nagsuot ng sports bra at isang sando na black,and leggings. Sinuot ko na ang aking nike na sapatos,buti yung mga sapatos ko ay di nila ginamit,dahil naka rubber shoes naman silang pumunta dito.
Dinala namin si Chowchow,habang hawak ang tali ni Chowchow ay sinalpak ko na sa aking tenga ang earphones ko at nagpatugtog. Takbo,walking at jumping ang gagawin namin. Well,di ko na nagagawa yon dahil laging si Ivan ang kasama ko,nakakahiya naman. Nagpahinga muna kami dahil pagod na si Janelle,5 mins na pahinga lang. Kanya kanyang kuha ng cellphone sila Nics,Ayisha at Janelle. Selfie,group pics at kaniya kaniya ng tipa. Mamaya pa kami uuwi mga 8 siguro,eh 5:30 pa lang ngayon,pero maliwanag na ang langit.
Gulantang ang diwa ko ng makita si Ivan,naka pangjogging. Tinignan ko sila at tumingin sila ky Nica na naka peace sign sakin. Letche! Iniiwasan ko nga muna si Ivan kase nahurt talaga ako sa nangyare eh!
Nginitian nya ako at binati ng goodmorning. Wala ng good sa morning ko! Buset,bat parang wala siyang pake sa nangyare?! Bwiset talaga! Ngumiti na lang ako.
Tumingin siya kay Nica st kumindat! P-potaaaato! Kumindat din si Nica,letche. Niyaya ko muna si Ayisha na mag walking,sumama ang iba kaya wala akong nagawa.
"Shang,nakita mo yon?!"tanong ko.
"Alin? Yung pagkindat ni Ivan kay Nica? Oo,baket?" Ani niya. Potato! So wala silang pake?!
"Wala nakakaselos" sagot ko.
"Tanga! Sa tingin mo ba gagawin sayo ni Nica yon? Baka naman kase sa pagpunta ni Ivan sa ganong way siya nagpasalamat" sagot ni Ayisha. Potek talaga! Sasabog na ulo ko.
"Jelay,pwedeng ako na lang humawak kay Chow?" Tanong ni Ivan.
"Hindi,sana dinala mo si Hope. Di yung kapag wala si Hope ay si Chowchow ang pagdi-diskitahan mo" sagot ko ng di natingin sakaniya. Narinig ko namang umubo si Janelle at Nagpipigil ng tawa si Ayisha. May binulong siya kay Nica at parang mukha siyang ewan,sa totoo lang.
Natapos na ang aming pagjo-jogging. Kumain kami at nagpahinga ulit. Ako naman ay nanood na lang ng tv sa aking kwarto. Tumatawag si Ivan pero di ko sinasagot,rinding rindi na nga sila kaya naka-silent na lang,inayos ko na ang sosuotin kong uniform. Naka uniform lang kami para pare-pareho.
12 na at kailangan na namin magayos dahil 4 ang simula ng graduation. Kumain muna kami at isa-isa nang naligo,nauna si Janelle,sunod si Ayisha at pagtapos ay si Nica na. Ako na ang sunod.
Umakyat na ako para magayos,simpleng uniform lang naman eh. So ayos lang,tska na ako pagbibihis kapag gagala kami,at mamayang gabi ay lalabas kaming pamilya at ise-celebrate ang pagiging honor ko.
Nag grab si mama para samin sira kase ang kotse namin at mamaya pa makukuha,sasama daw siya pero sa sm ang kaniyang punta,kumbaga sasabay lang. Dumatig na kami sa school at umupo sa dulo na nakalaan para saamin. Kumanta muna ng ating Pambansang Kanta at Panunumpa. Isa-isa ng tinawag ang mga honor sa grade 7 at kami na ang sunod.
"Our honor students from grade 8."
"Andilgue,Ayisha B." Ani ng emcee,at umakyat si Ayisha sa stage at sinuot ang medals niya."Centalez,Janelle B." Sunod na umakyat si Janelle sa stage at ganon din,sinuot ang medals niya.
"De Guzman,Jennica V." At si Nica na ang umakyat at sinuot ang medals.
"Mendoza,Juliana D." Umakyat ako at nagbow at sinuot na sakin ang medals,bumaba ako at nagpicture taking kameng mga girls sa grupo. Marami pang tinatawag na girls kaya dito muna kami sa gilid
"De Leon,Eiffel G." Siya ang unang umakyat sa lalaki. Pag kababa ay nag picture kaming lima. Pagtapos non ay pinaakyat ulit kami upang pagpapicture kasama ang aming adviser.
Pagtapos ng graduation ay gagala muna kami. Magsisimba. Ayon muna ang gala namin ngayong araw. Di ko naman matanggal sa aking isip si Ivan,buset.
Pagpasok namin sa simbahan ay may isang lalaki na nakatalikod. Tinawag ito ni Nica,bastos talaga to at 'pst' lang ang ginamit. Tumungin ang lalake at...si Ivannnnnn! Nakangiti siya sakin,potaaaaaato naman oh!
Niyakap niya ako at bumulong "Congrats. I love you,Juliana" sa i niya at bumitaw sa pagkakayakap sakin at kiniss ako...sa noo! Shemayy! Pangarap ko to,yung makiss sa noo. He's my first kiss...sa noo. Hehe. I smiled and nag thankyou ako.
Nagdasal muna kami,nagpasalamat dahil nakasama kami sa top,at di lang top! Honor! Tumingin ako kay Ivan na nakapikit at nagulat ako ng may tumulong luha sa mata niya,h-he's crying. Oh my god.
"Hey,why?" Tanong ko.
"Nothing,Im just thankful sa mga blessings. Alam mo bang ngayon na lang ulit ako nakapasok dito sa simbahan." Ani niya. "Kase feeling ko di naman totoo. Pero isang araw,tinry ko humiling,na sana may magpabago sa pananaw ko at pagpatunay na meron ngang Diyos. At eto,dumating ka. You're my blessing,Juliana" sabi niya. May tumulo namang luha sa mata ko. Niyakap ko siya,di ko aakalaing may isang tao na naghahanap ng tulad ko. Di naman ako ganto dati na iyakain. Iiyak ako pag tungkol sa family ko.
May nilabas siyang box,binigay niya sakin. I open it. Ayun yung pinili kong necklace,at iniyakan ko pa! Ngumiti siya sakin at kiniss ako sa noo.
"Is this mine? Kala ko ba di para sakin to?" Tanong ko,nakanguso.
"Sayo yan! Sino nagsabing hindi? Diba sabi ko sayo,na ang pagbibigayan ko niyan ay isa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko,maliban kay mama,at ikaw yon,Juliana" sabi niya ng nakangiti. Naiyak na lang ako at niyakap siya.
"Thankyou,pinaramdam mo sakin na importante ako,Ivan. Thankyou so much." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Bago kami umuwi ay nagpapicture kami at ang squad.
Umuwi na kami,pagakyat ko sa kwarto ay nagbihis agad ako para sa alis naming pamilya. Habang nasa byahe ay inaalala ko si Ivan,napapangiti ako sa tuwing naaalala ko yon. Im so happy pag kasama siya.
"Mukha kang ewan sa pangiti-ngiti mo diyan,jelay" pang-aasar ni kuya. Tinarayan ko lang siya "malaman ko lang na may nangliligaw sayo,malalagot kayo sakin" pananakot niya.
"Oh talaga? Tatay kita,ha? Tatay kita? Si papa nga walang problema eh,ikaw pa. Diba pa?" Pangu-uto ko.
"Oo,kung pagaayusin mo pag-aaral mo" sagot niya.
Nakarating na kami sa restaurant na kakainan namin,actually lagi kami dito nakain tuwing may ice-celebrate. Umorder na kami at tinawagan nila si ate. Bilib na bilig sakin si ate at buti daw pinadalahan niya ako.
Kinantahan pa nila ako,bagong lyrics ng happy birthday,hahahahaha. Ng matapos ay nagdesisyo na silang umuwi.
Umakyat na ako at natulog sa sobrang pagod.