Juliana's POV
Dalawang oras na lang ay uwian na. Kanina pa kami nag aayos para sa graduation ng grade 10. Yung iba ay nag da-drawing,nagle-lettering at nag de-design. Malapit na kami matapos,binilisan namin dahil dapat pag uwian na ay matapos na namin to dahil practice ng mga grade 10 sa graduation.
"Anong kala mo? Mabait kana porket natulong ka dito?" Yung bruhang babae na sabi e boyfriend niya si Ivan ay President pala. Ameyshing.
"Inaano kita?" Sabi ko at tumawa.
"Anong status niyo ni Ivan?!" Gigil na sabi niya.
"Wala kana don. Di ko sasabihin na umamin siya sakin na gusto niya ako,oopps! Sorry,my bad." Pang-aasar ko.
"Wag mong sasagutin si Ivan,dahil para sakin lang siya" sabi niya na inis na inis.
"Well,kung laruan si Ivan pwede pa. Ay sige,kunwari laruan siya tas bibilin mo siya sa mall,pero nauna kong makuha siya. Kawawa ka" pangaasar ko,at patuloy parin sa pag de-design. Umalis siya sa sobrang inis.
"Pst! Jelay,si Ivan ba ng st. Paul ang kasama mo lagi dito?"tanong ni ate Allysa,tumango lang ako. "So,anong meron sainyo?" Tanong niya ulit.
"Wala,we're friends lang" sagot ko.
"Ah,okay. Basta boto ako sakaniya ha!" Sabi niya,ngumiti lang ako at tumango.
Tapos na kami sa pagde-design. At uwian na din,dala na nila Nica ang aking bag paglabas nila ng classroom. Niyaya nila akong kumain sa paborito naming kainan,sa sobrang tipid namin ay lagi kami sa fishballan nakain.
Lumabas na kami at kulang na lang ay hilahin nila ang buhok ko nang makita nila si Ivan. Iba siya ngayon,ewan ko kung ako lang nakapansin or sadyang wala silang pake.
"Yo,Ivan. Musta?" Tanong ni Nics,feeling close ba.
"Okay lang,kayo? May nang aagaw ba kay Jelay sa school niyo?" Tanong niya kay Nics.
"Oo,marami kang kaagaw diyan. Nako!" Ani ni Nics. Wala ngang nangungulit sakin diyan,baliw talaga.
"Sama ka? Pupunta kami sa paborito namin nila Jelay?" Tanong naman ni Ayisha.
"Syempre go ako diyan" sagot naman ni Ivan.
Thursday na pala ang huli naming kita,dahil sa Friday ay graduation na ng grade 10. Ang squad naman ay magkikita parin sa Friday dahil pare-pareho kaming may Awards. Ako,Ayisha,Nica,Janelle at ron ah may honor. Usapan kasi namin yon,na kung sino ang wala sa honor ay manlilibre samin kada may gala o tatambay kami sa bahay ng isa sa grupo namin hanggang sa mag pasukan,kaya eto,trying hard kami sa pagsali sa may honor. Kami ata ang pinaka maraming honor dahil may iba pang honor sa classroom bukod samin,98 ang average ko,sila Nics at Ayisha naman ay 95,Janelle and Eiffel ay 90. Buti nga nakasali kami eh.
Nakadating na kami sa aming tinatambayan sa tuwing may gagawin kame for school. Kilala na kase kami dito dahil yon nga,lagi kami dito. Kumuha ako ng baso at pumili ng gusto ko.
"Share tayo,Jelay. Please!" Pag papaawa niya. Tumawa lang ako at inabot ang plastic na baso sakaniya. Kinuha naman niya ito at nilagyan. Kumain lang kami ng kumain hangganv sa mabusog. Nanlibre naman si Janelle ng softdrinks. Wala na naman pala si Eiffel,pumasok siya pero di siya sumabay samin.
Umuwi na kami ni Ivan,dahil ako ang naka assign para sa tarp para sa pang-congratulation sa mga grade 10.
Kanina pa kami nakauwi pero pagod parin ako. Magha-hapon na din at inaantok ako. Papagawa pa ako ng tarp sa may kanto. Nagayos ako at lumabas na,maya maya ay tumunog ang aking phone. Ivan's calling. Sinagot ko ito ay nag hello.
"San ka?" Tanong niya.
"Labas,papagawa ng tarp. Why?" I asked.
"Wait moko,wag mo ibababa" sabi niya at di na nagsalita sa phone. Inayos ko ang sarili kahig kakaayos ko lang. Wala pang ilang minuto ay dumating na siya.
"Ano ba yang suot mo? Bat naka short ka?" Inis na sabi niya.
"Magpalit ka don,bilis" mabilis akong sumunod dahil natakot ako,hehe.Nagpalit ako ng pantalon,ang higpit naman nito. Well mas okay na yon,atleast alam kong concern siya.
Lumabas na ako at naglakad na kami. Nagsorry siya sakin dahil sa inasta niya,okay lang naman sakin so sinabi kong okay lang. Ilang minuto din ang inantay namin para sa tarp,sinabi ko na bukas pa namin kukunin at okay lang naman sakanila. Hiningi nila ang aking number para daw ma-inform ako kapag tapos na,pero tumutol si Ivan at number niya ang binigay. Isa din tong siraulo. Magrereklamo sana ako kaso pinanlakihan ako ng mata ni Ivan.
Umuwi na kami at nagyaya naman si Ivan na igala daw namin ang mga anak namin,nagulat pa ako nung sinabi niya yon at naalala ko pala na si Hope at Chow ay baby ko,I mean...namin ni Ivan.
Ginala namin si Hope at Chow sa may court,bumili ako ng makakain namin ni Ivan at hinayaan lang namin si Hope at Chow na maglaro. Pero umulan kaga bumalik na din kame sa bahay at umuwi na si Ivan. Gabi na ng makauwi kame dahil kanina pa kami don. Sa sobrang pagod ko ngayong araw ay nakatulog ako ng di nakain.