Chapter 20

19 2 1
                                    

Juliana's POV

Sinundo namin sila Nica,nag-comute na lang kami para matatawag na adventure ang road trip namin. Nung nag-kita kami nila Nica ay nagulat pa sila dahil andun ako,sinabi ko naman sa kanila na aalis kami,pinaalam ko na sila bago pa ako pumunta sa school nila Ivan.

Andito na kami sa starmall,wala pang bus ang babyahe sa Batangas,after 30mins pa daw dahil maraming uuwi galing probinsya. Kaya naman pumunta muna kami sa malapit na mall upang may kutkutin kami sa byahe. Pag tapos namin bumili ay bumalik na kami sa terminal at sakto namang may bus na patungong Batangas.

Katabi ko si Ivan,si Nica at Janelle naman ang nasa kabilang side,si Ayisha at Jordan ang nasa likudan namin. Si kuya David ay di na sumama dahil exam daw nila sa Lunes at kailangan niya mag-review. Pabebe pa eh. Sasama din sa amin si Ela at ang mga kaibigan niya sana nga ay maisama niya ang crush niyang si Nicholas.

Malaki naman ang resort namin,kaya kahit ilang tao pa. Malapit din sa dagat,di lang swimming pool ang pwedeng paliguan. Kaya mae-enjoy namin ang two days amd one night na bakasyon namin. 2 hrs lang naman ang byahe,pero dahil anong oras na ay kailangan kong matulog,it's already 7:30 pm.

Mga 9:30 kami nakarating sa bahay na tutuluyan namin,sinundo kami ni Lolo Berto sa terminal ng bus kasama ang apo niya. Si lolo Berto at ang asawa niya ang magbabatay ng bahay ng aming lolo't lola,kasama nila ang kanilang apo na si Sean. Nang nawala ang lola namin si lolo ay dun na tumira kila Ela kasama ang pinsan kong lalake at mama niya.

Malawak ang bahay na 'to,dalawang palapag,limang kwarto sa taas,dalawa sa baba para sa mga kasambahay at malawak din na sala sa ibaba. Tatlong kwarto ang tinuluyan namin,si Ivan at Jordan ang magkasama,si Nica at Janelle,at ako at si Ayisha.

"Inaantok na ako!" Reklamo ni Ayisha sabay salampak sa kama. "Goodnight,Jels" Sabi niya.

"Goodnight,gumising ka ng maaga" Paalala ko habang sinusuklay ang aking buhok.

Maya-maya lang ay pinatay ko na ang ilaw at nahiga na din.

                                ~•~
*KINABUKASAN*

Gumising ako ng maaga para gisingin na din ang iba,excited kase ako sa gala namin. 5:30 pa lang ngayon,pero andito ako sa kusina para magluto,masipag kase ako eh.

I cooked egg,bacon,at ham,ginisa ko rin ang kanin upang maging sinangag. Diba,para talagang bakasyon na bakasyon kami.

Umakyat ako upang gisingin ang mga kaibigan ko. Una kong pinuntahan si Ayisha at sabay kaming pumunta sa kwarto nila Janelle.

"Mga babaita! Gumising na kayo!" Sigaw ni Ayisha. Unti-onti namang bumangon sila Janelle. Ew si Nica,amdaming panis na laway,argh! Gross!

Pumunta kami sa kwarto ng lalake at kinatok ko ang pinto nila. Matagal bago nila kami pinagbuksan,mga buset!

"Kakain na. Magsibangon na kayo para makaalis na tayo" Sabi ko at bumaba na kasama sila Ayisha. Hinintay lang namin ang mga lalake at sinabay na namin sila Lolo Berto.

"Tara na! Bilisan niyo naman!" Sigaw ni Nica kila Jordan. "Ang babagal kumilos ng mga halimaw na to!" Dagdag ni Ayisha. Tinawanan lang sila ng mga boys at mas lalo pang binagalan. Sinarado ko ang pinto ng sasakyan kaya nagsisi-sigaw sila at kinakatok kami. Mga hunghang!

Mga saktong 7 ay umalis na kami pag-dating ni Lolo Berto kasama si Sean. May itchura pala si Sean,pero mas gwapo si Ivan.

"Jelay,bat di mo isama si Sean saatin?" Bulong ni Janelle sakin mula sa likod. Hmmm,why not.

"Sean,sama ka samin. Masaya don" Yaya ko sa kaniya.

"Oo nga,Sean. Masaya don,di ka mao-op" Singit ni Janelle.

"Ah,hindi na. Walang sasama kila Tatay Berto." Seryosong sabi niya.

"Hindi na apo,sumama ka na. Kaya ko naman ang Lola mo. Para makapag-pahinga ka din" Pilit ni Lolo Berto.

"Sige" Malamig na utas niya. Wtf! Bat ganiyan yan? Mas malamig sa yelo! Pwede na namin siyang magamit sa resort.

Isang oras ang byahe dahil dulo ng Batangas ang resort namin. Di pala namin nabisita yon nung bakasyon,busy kase sila tito't tita eh.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon