Chapter 17

11 2 0
                                    

Juliana's POV

Ito na naman,naatake ulit siya. A-ang puso ko bat nagkakaganito?

"Dahil kay Ivan,dahil pinapatibok niya yan" panloloko ko saking sarili.

Kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong pumasok,dahil kailangan. Nag-ayos na ako at ng handa na akong pumasok ay umatake ng mas malala ang sakit ng puso ko,puñyeta naman! Umayos ka!  Naluluha na ako habang sinusuot ang aking sapatos,sobrang sakit kase,di din ako maka-hinga.

Pinilit kong pumasok,nag-panggap na masaya at laging nagpapatawa,pero putek! Sa kaloob-looban ko sasabog na si heart. Ansakit sakit.

Recess na,nag-stay lang ako dito sa upuan ko,dahil di ko kaya gumalaw. Buti at di nakakahalata sila Nics sa nararamdaman ko. Pag-tapos ng recess ay di ako masyadong makapag-isip dahil sumu-sobra ang sakit niya. Shit!

"Mendoza,give me the answer of number one" Ani ng teacher ko. Bakit ako?! Bat ako ma'am? Tumayo na lang ako at inisip ang pwedeng isagot,ñyeta.

"I-i don't know ma-" sabi ko at yun! Di ko na alam ang nagyare. Blackout.

"Juliana! H-hoy Juliana. Okay lang kahit di mo alam sagot,wag ka na mag-ganyan" Rinig ko. Si Ayisha yon,pero di ko mamulat ang mata ko upang tignan sila.

Nagising ako ng nasa clinic na pero yung puso ko,nasakit parin siya.

"M-miss Georgina" Tawag ko sa aming head nurse. Agad naman itong lumapit saakin.

"Papunta na ang daddy mo,wag ka na muna pumasok sa ibang klase mo." Ani niya. Ewan pero naiyak ako,siguro dahil sa di muna ako papasok o dahil papunta na si papa. I hate this freaking body! It's so weak! Ang hina-hina ko!

Kahit ayoko,uuwi muna kami ni papa. Agad-agad niya akong inalalayan papuntang kotse namin,naaawa ako kay papa,sa Manila pa siya galing tapos eto,napagod pa siya papunta dito.

"Nak,bat di mo sinabi na nasakit pala ulit yang puso mo? Diba sabi namin sayo lagi mo kaming sasabihan about diyan" Pag-aalala ni papa.

"Pa,let's not talk 'bout this. I'm tired. Masakit siya" Sabi ko.

Ng malapit na kami sa bahay ay dire-diretso lang si papa,di ko na to pinansin kase alam ko kung san na to patungo. Wag kang iiyak,Juliana!

Andito na kami sa ospital,pigil-pigil ko si papa dahil ayoko na bumalik dito. Nakakasawa na.

"Juliana,kailangan! Paano kung lumala yan?! Wag naman selfdish,anak. Pare-pareho tayong mahihirapan pag ganyan ka" Ani ni papa.

"I-i'm sorry. Ayoko lang bumatik dito. Y-you know that,papa." Sabi ko habang pigil-pigil ang luha kong pabagsak na. Niyakap na lang ako ni papa.

Natignan na ako ng doctor,at magi-stay ako ng almost a week dito,pero kung okay naman na daw ako ay pwede ng umuwi. Pinilipit kong okay na ako,pero di sila nakikinig! Pumikit na lang ako dahil masyado akong nai-stress sa katawan ko.

Ayokong bumalik ang sakit ko,ang nag-iisang kinakatakutan ko. Naoperahan na ako,pero bat ganto parin?! Antatanga ng mga doktor ko kung di nila ako nagamot ng ayos! Binayaran namin sila,pero ganto parin! Puñeta naman! Itinulog ko na lang ang inis ko,baka sakaling maging okay.

Nagising ako ng may marinig na ingay. Ano ba yan,may pasyente dito oh! Mga ano naman to!

A-ano ba yan? Bat dito kayo-" Pagupo ko ay napatigil ako sa pagsasalita. A-andito sila. Si Ivan,andito. Natulala na lang ako at nagulat ako ay unti-onting nabagsak ang luha ko kaya naman nahiga ulit ako at nagtaklob ng kumot.

"U-umuwi na kayo. Gusto ko mag-pahinga" Sabi ko sakanila.

"Jelay,a-anong nangyare? Bat ka naka-confine? Ayos ka naman kahapon ah" Boses ni Ivan yon. Patuloy parin sa pag bagsak ang luha ko dahil halata na nag-aalala siya.

"It's nothing,kaya umuwi na kayo. Gabi na din,baka mapagalitan pa kayo" Pagtataboy ko sa kanila. May narinig akong yapak kaya napahigpit ng hawak ko sa kumot. Please not Ivan,huwag sana.

"Jelay,babalik kami. Ihahatid lang namin si Ivan." It's Nics di na ako umiimik dahil masyado na akong nagpipigil. Narinig kong sumara ang pinto. Shit! Anong sasabihin ko pag balik nila? Ayoko silang mag-alala. Magisip ka,Jelay! Isip!

After a minute bumalik sila,si Nics,Ayi at Janelle.

"Jelay,a-anong nagyare? Okay ka lang ba?" Tanong ni Janelle.

"G-guys! I'm fine! Di lang ako kumain buong araw kahapon" Pag-dadahilan ko.

"Madami kang kinain nung recess,Jelay" Seryosong sabi ni Nica. Shit!

"K-kahit na. Mahiya resistensya ko eh" Sabi ko sakanila.

"Tibok ng puso,blood type,love problems at pati pag utot mo alam namin,Jelay. Sabihin mo samin yung totoo." Seryoso ding sabi ni Ayisha. Natatakot ako,ñyeta!

"Hindi naman seryoso yung kalagayan ko,wag kayo mag-alala" Nakangiting sabi ko. Pero nagulat ako ng umiyak na si Nica.

"Jelay,hinimatay ka at ngayon naka confine. And you're telling us na wag mag-alala? Baliw ka ba? Hindi seryoso? Pero ganyan? Nanghihina kahit nakangiti?!" Bulyaw niya kajit naiyak.

"I-I'm sorry. Ayoko lang mag-alala kayo. Pero wala talagang dapat ipagalala kase okay ako" Sabi ko.

"Uuwi na kami,Jelay. Sana gumaling ka na" Mahinanong sabi ni Ayisha,tumango lang ako. Paglabas nila ay ang pag-pasok ng lola ko di ko na lang pinansin.

Ipapahinga ko ulit tong utak at puso ko. Sana pag-gising ko ay okay na lahat.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon