Chapter 11

9 3 0
                                    

Juliana's POV

Lumipas na ang dalawang Linggo. Aalis na si mama ngayon,andito na kami sa airport kanina pa. Naguusap naman sila mama at papa,ewan ko kung ano yon. Wala pang kasiguraduhan ang uwi ni mama,pero atleast safe siya don kase andun si ate at Mommy.

Eto na,pupunta na si mama sa erolpano. Iyak ng iyak si Joice kaya naiyak din ako.

"Babalik naman si mama,nak. Pupuntahan ko lang si ate" sabi ni mama. "Jelay,bantayan mo si Joice ha,lagi kang sasama sa practice neto kahit anong mangyare,ha?" Utos ni mama.

"Opo ma,ingat kayo sa byahe." Sabi ko at niyakap siya. At nag grouphug kame.

Ewan,pero feel ko mas sasakit to mamaya. Di ko lang malabas,si kuya nga umiiyak eh. Sumakay na kame sa kotse at umuwi na. Tumawag si ela pagdating ko sa bahay.

"Oh?" Panimula ko.

"Naka-alis na si tita?" Tanong niya. Oo lang ang sinagot ko. "Tanga neto,hoy tawagan moko pag di mo na kaya ha. Next week pa punta ko diyan,pinayagan ako ni Mommy magbakasyon diyan,tabi tayo ha!" Simpleng ganyan lang ni Ela,okay na ko.

"Oo,bruha. Kaya ko naman,hahahaha. Bilisan mo at baka pag punta mo dito naka sabit na ako" Biro ko

"Siraulo. Sapakin kita diyan,oh siya bye na may klase pa kame" sabi niya at binaba na. Bastos! Mana talaga sakin.

Natulog na lang ako. Pag gising ko ay ilang missed calls at text ang natanggap ko,mula kay Nica,Ayisha,Janelle at Ivan. Isa-isa ko silang nireplyan,puro pangangamusta lang naman ang message nila eh. Tumawag si Ivan,sinagot ko naman.

"Okay ka lang?" Tanong niya

"Para kayong timang,malamang. Masaya naman si mama sa trip niya eh. Im okay!" Sagot ko na tumawa pa.

"Hoy! Wag ako. Punta ako diyan?" Tanong niya.

"Wag na. May pupuntahan din ako" Sagot ko.

"Saan? Bat di ko alam? Iiwan mo na ba ako?!" Ang OA NI IVAN!!!

"OA mo! Nonood lang ako sine. Apaka talaga neto! Kabaliwan eh. Di kita iiwan,bulok!" Sabi ko naman.

"Sama ako! Kung sino ang huling makapunta sa bahay nila Lola Theresa ay siya magbabayad ng sine. Game! Wait,pag nakashort ka ikaw manlilibre" Pang-hahamon niya.

"Okay,deal" sagot ko at bumaba na ako at pinatay ang tawag.

Sila Lola Theresa ay pinagigitnaan ng bahay namin at bahay nila Ivan. Halos isang buwan pa lang kami magkakilala ni Ivan pero sobrang kilala na namin ang isa't-isa. Maski kababuyan napaguusapan na namin,isang beses nga ay pinahidan niya ako ng kulangot! Ew yon! Pero nasa kabilang daliri niya pala yung kulangot at pinrank niya lang ako.

Nakita ko na si Ivan,binilisan naming pareho ang lakad,at ng malapit na ay tinakbo na naming dalawa,ang ang huli KKB kami at nagkauntugan pa!

"Bwisit ka! E kung ako na lang yung pinauna edi sana di tayo nagkauntugan!" Sabi ko sa sobrang inis.

"Eh kung ako pina una mo! Edi sana ako yung libre ngayon. Pero okay lang nakiss ko naman noo mo eh" Ani niya. Siraulo talaga! Bwisit!

"Bahala ka nga diyan! Wag kana sumama. Si Eiffel na lang isasama ko!" Asar na sabi ko

"Juliana Mendoza Marasigan! Walang ganyanan,para kang ano eh. Ako na lang manlilibre sayo ha! Alam mo namang love na love kita eh" Panguuto niya,kinilig naman ako.

"Good,libre moko ha! Kundi tatawagan ko si Eiffel!" Pananakot ko,sumaludo lang siya. Sumakay na kami papuntang sm.

Ganto kami pero walang label. Sweet,nagaaway,nagkukulitan pero walang kame eh. Alam naman niya at talagang pinanindigan niya yung sinabi niyang magaantay siya. Masaya talaga kasama si Ivan kase minsan uupo yon sa sahig tapos mag wawala kapag gustong magpalibre,e ako sa sobrang hiya ililibre ko naman. Nahawa ako sakaniya kaya isang beses nasa mall kami kasama sila Ayisha ay may nakita akong teddy bear na malaki sa gamezone,ang ginawa ko ay nagmukmok ako at umupo sa sahig,at parang batang nawalan ng lollipop,bibilihin sana niya kaso di daw binibenta,kailangan talagang maglaro. Kaya naglaro ng naglaro si Ivan hanggang sa dumami ang ticket niya at nanalo ng teddy bear na gusto ko.

Kundi pa pumara si Ivan ay di pa ako matatauhan. Naglakad na kami at bumili siya ng ticket para sa movie na love story. Bumaba muna kami para kumain,omorder siya ng fries at float. Ayon ang naging paborito namin tuwing nagala kami. Kinuha ko ang aking phone at nagpicture kami ni Ivan,pinicturan ko siya habang nakain. Sinend ko sakaniya ang picture na yon at ng tumunog ang kaniyang phone ay tinignan niya ako ng masama at tinarayan.

"Yuck bakla" sabi ko.

"Sabi nila pag inasar ng babae ang lalake ng bakla ay gusto nito magpakiss,gusto mo ba?" Pang-aasar niya.

"Ayoko,tara na nga. Apaka mo. Letche" Asar na sabi ko

Umakyat kami at saktong start na ng movie. Ang story ay umalis ang lalake ng walang paalam sa babaeng mahal niya. Nagmove on ang babae at pagbalik ng lalake ay may asawa na ito. Natapos ang movie at ang lalake ay nagkaroon ng sarili niyang pamilya pero di parin mawawala sa puso niya ang babaeng una niyang minahal.

Umuwi na kami at panay ang daldal ni Ivan. Na kung gusto ko daw ba magpakiss. Kadiri talaga tong lalakeng to.

"Goodnight na,bwisit ka parin" sabi ko.

"Kiss ko aba!" Sabi niya naman.

"Yuck. Tara dito" yaya ko at lumapit naman siya,ang ginawa ko ay pinitik ko ang kaniyang ilong. Pero kiniss ko din naman siya sa noo.

"Goodnight na Mr. Marasigan" sabi ko ng nakangiti.

"Goodnight Misis ko" sabi niya at tumawa lang ako. Sinara ko na ang gate at umakyat.

Nagbihis ako ng panlutog at nahiga na. Antok na antok ako bwisit. Kahit sa sandaling yon ay nakalimutan kong umalis si mama.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon