Juliana's POV
Thursday na,dumaan na ang Tuesday at Wednesday. Nung Tuesday ay marami nang nagpasa ng mga projects nila at nung Wed naman ay onti na lang dahil nung Tuesday pa nila pinasa. Napirmahan naman lahat,kaya sobrang saya nila. At samin naman ni Ivan ay lagi niya akong hinahatid at sinusundo.
Thursday,kakaiba tong araw na to,kung dati ay di namin makumpleto ang attendance,ngayon naman ay kumpleto kami,at pagpasok pa lang nila at parang nanlulumo na sila. Pumasok ako ng maaga dahil sabi ng adviser namin ay pagpipicture taking kami.
Siguro malungkot sila dahil tapos na ang pagiging grade 8 namin. At pagtapos ng picture taking ay umupo na lahat sa kani-kanilang upuan si ma'am naman ay tumayo sa gitna at naluluha na.
"Mga anak,alam niyo ba na kayo ang pinaka paborito kong estudyante dahil sa pagiging maingay at makulit niyo. Pero sobrang bilis niyong paamuhin kapag ang ingay niyo na. At nagpapasalamat ako sa Class President natin,dahil siguro sayo kaya desiplinado ang mga kaklase mo. At sainyo din,naging masaya ang pagtuturo ko sa taong ito. Mahal ko kayo mga anak,sana di niyo ako kalimutan" sabi ni ma'am at nagiyakan na buong klase. Maski ako ay umiyak na din. Nagyakapan na ang iba saamin at niyakap na nila si ma'am. Nagyakapan kaming magkakaibigan kasama si Eiffel.
Ng uwian na ay pumunta kami kay ma'am para magpaalam. Nagthankyou din kame.
Paglabas namin ay nakita ko ang naga-alalang mukha ni Ivan,ngumiti ako sakaniya.
"Are you alright?" He asked. I smile. "What happend?" Tanong niya kila Nics.
"Naging iyakin na si Jelay simula ng makilala ka ata. Last na pagkikita na kase ng klase namin,bakasyon na bukas" paliwanag ni Nica.
Niyakap naman ako ni Ivan,and sinabi ko na Im okay. Okay naman talaga,nakakaiyak lang. Di kami gumala ngayon dahil kasama kami sa practice ng gradution dahil honor students kami. Anim kaming honor sa klase namin.
Nagpractice kami kung paano umakyat at bumaba ng stage,dahil minsan ayon daw ang nagiging mali kapag graduation day na. Paulit ulit lang kaming ganon,at aakyat ulit pata sa picture ng buong honor students sa klase at sa school. Bale dalawang picture ang kukunin na grupo kami.
Pagtapos non ay umuwi na kami. Pero di kami dumiresto pauwi ni Ivan,pumunta kaming SM. Siya ang nagyaya sakin,okay lang naman dahil nagcacrave ako sa ice cream.
Kumain muna kami sa Jollibee. Dahil pareho kaming gutom. Ewan ko kung bakit kami andito pero ansaya ko kase kasama ko si Ivan.
"Ivan,bat tayo andito?" Tanong ko.
"May bibilihin ako" Sagot niya.
Pagtapos namin kumain ay umakyat kami at pumunta sa mga accessories. Pinapili niya ako ng gusto ko,tinanong ko kung para saan pero ang sagot niya ay may pagbibigyan siya. Akala ko ako,nasobrahan ata pagiging asyumera ko. Di nga naging manhid,nag assume naman.
Pinili ko ang necklace na color silver at may pendant ng heart na nakinang. Saan kaya neto kinuha pera niya pambili. Pinasukat niya sakin iyon at nagkasya naman.
"Sino pagbibigayn mo niyan,Ivan?" Tanong ko,im curious!
"Pinaka importanteng babae sa buhay ko,bukod kay mama" sabi niya. Napa 'ah' na lang ako. Bat ansaket? Sana ako yung pagbigyan niya.
Bumili ako ng ice cream at nauna nang maglakad. Tahimik lang ako at siguro ay napapansin yon ni Ivan dahil sunod sunod ang tanong niya kung okay lang ako,at laging oo ang sagot ko.
Nagyaya ako umuwi at pagdating ko ay nag bye lang ako at sinara na ang pinto,dali dali akong unakyat sa kwarto at tinawagan si Nics,nagring ito ag sinagot na niya.
"Oh,dai baket?" Tanong niya
"Naging assuming ata ako na sakin ibibigay ni Ivan yung necklace kase pinapili niya ako. Tapos sabi niya ibibigay niya daw sa isa sa pinaka importante sakaniya,akala ko ako,pero hindi. Putek ansakit."sabi ko sakaniya.
"Wait,jan kami tutulog nila Ayisha at Janelle. Hintayin mo kami ha,bye muna" sabi niya.
Isang oras makalipas ay dumating na sila at niyakap ako pagdating sa kwarto. Dala nila ang kanilang gamit para bukas. 4pm ang graduation kaya may oras pa kami para magayos non.
Nagkwentuhan kame tungkol kay Ivan at ilang beses na din itong tumawag pero ayaw nilang sagutin ko. Tinawag ako ni mama maya maya lang at bumaba ako kasama sila Nica. Pagkakita namin ay si Ivan. Agad lumabas si Nica para kausapin si Ivan,nagusap sila ng mahinahon at bago umalis si Ivan ay ngumiti ito sakin.
"Anong sabi,Nics?" Tanong ko.
"Di nga para sayo,Jelay. Umasa ka lang. Sorry daw" Sabi ni Nica.
Ansakit naman. Akala ko talaga para saakin pero di pala. Letche,ang kumag ko. Kumain muna kami at umakyat na.
Nagbubulungan si Nica at Ayisha mukha pang kinikilig.
"Ano yon?" Pagtatanong ko.
"Wala nakakatawa lang yung mukha mo nung umiyak ka sa klase kanina,sa sobrang nakakatawa,kinikilig kami" tawa ni Nics at Ayisha.
"Umalis na nga kayo,mga letche. Kala ko pa naman tutulungan niyo ako,di pala." Iyak ko.
"Hoy Jelay,joke lang. Ang bilis mo na umiyak ngayon. Bat kaya? Dahil kay Ivan?" Tanong ni Nica. Putek,nang-aasar ata to eh. Tinignan ko siya ng masama at humiga na lang ako para matulog na. Tumabi naman na sakin at niyakap ako. Sa sobrang inis ko ay ipinikit ko na lang ang aking mata at natulog na.