chapter 14

12 3 0
                                    

Juliana's POV

This is it,pancit! Pasukan naaaaa! Excited na ako,kaya maaga akong gumising kahit pang-hapon ako,hahahaha. May bad news at good news pala ako. Ang good news,magkaklase kami nila Ayisha,Nica,Janelle at Ron. Bad news? Pang-umaga parin si Ivan,so sad,pero okay lang yon atleast may pahinga siya. Ang sched ko kase is 11:30-5:50,si Ivan naman 7:00-2:30. Anong oras pa lang ngayon,6 pa lang. Siguro paalis na si Ivan,excited din siyempre. Pero ang lungkot lang kase umuwi na si Ela,malulungkot na naman yon don.

Di na talaga ako nakatulog,tuloy tuloy na hanggang mag 9:00. Maliligo na ako at papasok na. Ngayon ko lang din naisip,may kotse kami pero di ako hinahatid gamit yon. Naalala ko,may pesteng sumabay sakin mag jeep,tapos sabi sira daw kotse nila,HANGGANG NGAYON?! Nabudol-budol ako.

Papasok na ako,yieeeee. Outfit check muna! Plantsadong uniform? Check! Ponytail? Check! New shoes? Check!! Bongga! Hahaha,makagawa na nga ng vlog,choss! Nagpahatid ako ngayon kay papsi,tutal first day,bawal haggard! Hahahaha.

After 25mins,andito na ako sa school. Hinintay ko na dumating sila Ayisha,sabay sabay sila kase malalapit lang naman. Nakakamiss tuloy yung sabay sabay kaming papasok para makatipid sa pamasahe naglalakad kame,ang happy non. Ang daming nagtatawanan sa paligid ko,ang saya siguro nila kase nagkita-kita ulit sila.

"Kabog kay Jelay oh! Ponytail pa. Dati lang naka lugay ka ah,with matching cap. Tomboy girl turn into a princess swan" pang-aasar ni Nica.

"Pag ako naging presidente,di ko papapirmahan clearance mo." Pananakot ko. Ganyan dapat! Easy lang,walang trashtalkan,humble parin dapat. Hahahaha.

"Lagot ka,sure pa naman ako ayan magiging Presidente ng klase natin." Pananakot din ni Ayisha. Nagasaran pa pero tumunog na ang bell,hudyat na pasukan na namin.

Syempre,tabi-tabi kami. Pero aayusin din naman to pagdating ng adviser namin,hahahaha. Marami kaming classmate ngayon na classmate din namin last year.

Dumating na ang adviser namin at nagpakilala,nag sabi ng rules,nagbigay ng class schedule namin at nagkwento.

"Siguro naman kilala niyo na isa't isa,tutal ilang years na kayong magkaka-schoolmate at maliit lang ang school natin." Sabi ni ma'am.

"Opo!" Sabay sabay naming sagot.

"Magbotohan na tayo ngayon para wala ng alalahanin" Ani niya. At nagsimula na ng botohan,ayoko maging presidente,sa totoo lang. Kase clearance,tapos ikaw pa masisisi kapag maingay classmates mo. Pero wala eh,ganon talaga.

"Okay,our class president,Ms. Mendoza. Please come here" Nakangiting sabi ng teacher ko,at lumapit naman ako. "Anong masasabi o maipapangako mo?" Tanong niya.

"Hey,I'm Juliana,your class president for this school year. I just want to inform you,marunong akong manuntok. Mabilis din po akong mainis,so please,maki-cooperate po kayo sakin. Kapag maganda ang pakikitungo niyo sakin,baka ako pa gumawa ng assignments niyo! Choss" Speech ko,hahahaha. Secretary naman si Nica,si Ayisha ang VP,si Janelle ang muse at si Ron ang treasurer. Kabog diba? Pwede ng tumakbo!

Ng magrecess na ay sabay-sabay kaming bumaba para kumain. Habang nakain ako ay tumunog ang aking phone at ng tinignan ko ay si Ivan,natawag.

"Hey,musta first class?" Tanong ko.

"It's okay. New friends agad" sagot niya

"Girls?" Tanong ko ulit

"Yeah,tapos boys din" ani niya.

"Oh,okay. Uwi kana bago mag 3:30 ha." Sabi ko.

"Opo! Madame!" Sagot niya. Nag paalam na ako dahil tapos na ang recess namin. Tungak nga ni Nica,feeling boss. Pinaalis ba namn lahat ng grade 7 sa pila para lang makabilis,siraulo talaga.

Nagdaldal lang ang mga teachers namin,about sa mga kailangan at may pina-fill-upan samin.

Lumipas na ang oras at uwian na,yieeeee. Pasakay na ako sa jeep dahil di naman ako masusundo ni papa kase may work work siya eh. Pero may kamay na humawak sakin,wth! It's Ivan! Kala ko naman ma-kikidnap na ako! Letche.

"Why are you here,idiot?!" Bulyaw ko,dahil naiinis parin talaga ako!

"Easy Jelay,susunduin lang kita" sagot niya ng natatawa pa. Letche talaga!

"Piece of shit!!!!" Sigaw ko. Pinagsisigawan ko pa siya sahil sa inis ko.

Sumakay na kami at di parin natigil si Ivan sa pagtawa,nakakairita. Tinignan ko siya ng masama dahil may mga nakatingin na samin,nakakahiyaaaa!

"Magtigil ka,kaya kitang itulak diyan." Bulong ko,tumahimik naman siya,pero tatawa-tawa parin. Hinayupas! Shit,tutulo na siya,wagggg! Naiyak na ako,dahil di naman ako sanay na pinagtitripan ako ni Ivan ng ganto.

"U-umalis ka dito,Ivan. Baka masapak k-kita" Mahinahon kong sabi pero nahikbi.

"Hey,Jelay. Don't cry,baby. Sorry di ko na uulitin." Pag-aalala niya,hinimas pa buhok ko.

"Ayoko na,inaasar mo'ko. Bahala ka sa buhay mo,di tayo okay" sabu ko pagbaba namin. Binilisan ko ang lakad para di niya ako maabutan. Naririnig ko pa ang sigaw niya,pero di ko pinapansin.

Pagpasok ko sa bahay,sinarado ko agad ang gate namin. Nagmano kay lola at umakyat na. Tinext ko si Nica at tinanong kung bakit pinagtitripan ng lalake ang babae. Sabi ni Nica baka daw nagpapapansin. Eh papansin naman talaga si Ivan,dati pa.

"Jelay! Pansinin mo na ako." Oh! Pag harap ko ay nakita ko si Ivan na naka pout. Mukhang unggoy -_- pero dumako ang mata ko sa dala niya! Fries,jabee at float? Yieeeee. Pero di parin tatalab yan,tumalikod lang ako at nagphone.

"Jelay! Ayaw mo? Oh sige,bibigay ko na lang to sa iba. O kaya kay Hope o Chowchow." Sabi niya. Agad naman akong tumayo at kinuha ang mga pagkain.

Daldal lang ng daldal si Ivan pero di ko siya pinakinggan. Pinauwi ko na lang siya dahil apaka ingay niyang nilalang,napagod tenga ko kaya bumalik ako sa paghinga at natulog na lang.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon