Juliana's POV
Lumipas na ang dalawang araw. Friday na ngayon,ang nangyare lang naman lagi sa dalawang araw na iyon ay lagi kami magkasabay pumasok ni Ivan,laging gutom si Nica at lagi akong napapaaway dahil kay Ivan. Tss. Pag nagseryoso na ako ay baka sila mismo ang lumayo.
Habang nakatulala ako ay biglang may kumatok sa gate. Walang doorbell e,hehehe. Lumabas ako upang tignan at nakita ko ang mukha ni Ivan.
"Ang aga mo naman" sabi ko.
"Okay na yan,para naman di tayo malate diba?" Panguuto niya at tinaas taas pa ang kilay.
"Tss. Opo kuya! Alam mo onti na lang iisipin kong-" putol na sabi ko dahil sumagot agad siya
"Hephep! Oo sagot diyan" sagot niya agad. Hala! So bakla siya? Ang sasabihin ko kase sana ay iisipin kong bakla siya dahil ako ang unang naging kaibigan niya dito samin.
"So bakla ka?!" Gulat na tanong ko.
"Ha?! Hindi! Nevermind na nga lang. Tara na!" Inis na sabi ni Ivan.
"Okay,ikaw pa galit ha." Sabi ko at kinuha na ang aking bag.
"Ano girl? Hinatid ka na naman ba?" Tanong ni Nics,pinagigitnaan nila ako. Para akong nasa hot seat.
"Oo,bakit? Anong meron?" Tanong ko pabalik.
"Alam mo antalino mo sa pag-aaral,pero tanga yang mata mo" sagot naman ni Ayisha. La? Ansama naman nila sakin!
"Bakit ba?" Inis na sabi ko.
"May gusto si Ivan sayo! Kung di mo nakikita yon,kami kitang kita namin." Malumanay na sabi ni Nica. Sasagot pa sana ako kaso dumating na ang aming teacher.
After two hours ay recess na,sa wakas! Pero di ako kakain,busog pa ako eh. *Inner me*'Kahit di ka kumain?' Pero di talaga ako nagugutom.
"Hoy! Anong gusto mong pagkain?" Tanong ni Nica.
"Wala." Sagot ko naman.
"Sigurado ka? Paano kung merong siopao? Siomai? Di ka parin kakain?" Pang kukumbinsi niya sakin.
"Oo na,sige. Pero ikaw na lang muna bumili,eto pera" sabi ko at inabot ang pera sakaniya.
"Jelay,ano na nangyayare sayo?"tanong ni Janelle,isa sa squad.
"Wala,iniisip ko lang kung paano na nga lang kung walang gusto sakin si Ivan?"tanong ko,nanlulumo.
"Pero paano kung meron?"tanong pabalik ni Janelle.
"Wala,kahit anong mangyare ay wala kase ayoko masaktan" sabi ko naman.
Pag dating ng pagkain ay nagkainan kame,pero may napansin ako
"asan si Eiffel? Bat parang di na siya nasama satin?"tanong ko.
"Juliana Mendoza,apaka manhid mo. Alam mo namang may gusto sayo yon! At isiip niya na baka napalitan na siya sa squad dahil sa baby boy mo"sabi ni Ayisha.
"Hala! Kakausapin ko nga yon mamaya" sabi ko na lang dahil dumating na ang aming teacher.
Nasa kalagitnaan kami ng klase ng may nagexcuse "Ma'am yung class president daw po"sabi ng estudyante,agad akong tumayo at nag excuse kay Ma'am Salapi. After sakin sabihin ang mga kailangan gawin ay agad na akong bumalik sa klase.
Uwian na,lumabas na kaming lahat pero di pa ako uuwi,huhu. Nakita ko si Ivan sa lagi niyang pinupwestuhan.
"Di ako makakasabay sayo,may gagawin kami eh. For the grade 10's moving up" sabi ko.
"Sama ako,tutulong naman ako eh"pag papaawa nito.
"Tss,fine! Let's go"sabi ko at nag paalamba kila Nica.
Habang naglalakad sa hall ay naisip ko bigla ang sinabi nila Nica,paano kung wala naman pala tong gusto sakin at naaawa lang? Shit. Ang hirap magisip.
"Hey,are you okay?"Ivan asked.
"Yeah,of course." Sabi ko at nakarating na kami sa meeting room.
Inassign na kame para sa mga gagawin,pagde-design lang naman ang gagawin ko.
Nagsimula na ako magdesign at natulong naman si Ivan.
"Jeng boyfriend mo?"tanong ni ate Nichole.
"No po ate. Kaibigan at kapit street lang,hahahaha" sagot ko.
"Eh bat tinutulungan ka pa? Baka bet ka?" Ani ni ate Nichole. Umiling lang ako dahil puro sila malisiya.
Pagtapos namin ay agad kaming umuwi. 4pm na,baka mapagalitan kame ng mga parents namin. Paguwi ay tinanong lang ako ni mama kung san ako galing at kung sino kasama ko. Sinagot ko naman with honesty,hehe.
"Ma,asan si Chowchow?" Tanong ko kay mama,dahil napansin kong wala dito sa baba di chow.
"Kaka akyat lang sa kwarto mo" ani ni mama,kaya agad agad ako umakyat.
Igagala ko si Chowchow para naman di siya laging nasa loob ng bahay.
Habang nalakad kami ni Chowchow ay may tumahol na aso. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Ivan,with Hope.
Sa pagkakaalam ko ay Girl si Hope,ayon sa amo niya.
"Tara kain tayo"sabi ni Ivan.
"Saan?" Tanong ko.
"Sm? Or jan sa 7/11."sabi niya.
"Wag na,dun tayo sa sf,short for street foods" sabi ko at tawang tawa.
"Huh? Wag na,baka madumi yon eh"sabi niya.
"Ang arte mo,bahala ka nga diyan. Tipid nga yon eh" sabi ko at naglakad na. Pabebe.
"Hoy,jelay! Eto na,wag kana magalit" ani ni Ivan at sumunod na sakin. Kumuha ako ng stick at fishball. Share na lang kami hehez. Sarap na sarap si Ivan,yung mukha niya parang timang,hahahahaha. Naghiwalay na kami...ng daan.
Ginawa ko muna ang assignments ko at bumaba para kumain,pagtapos kumain ay nahiga na ako para matulog. "Goodnight,chow" sabi ko sa aking aso at tumahol naman ito. Sa sobrang antok ay nakatulog na agad ako.
A/N: Thanks,sainyo. Hehe.
