Juliana's POV
Ugh! Eto nanaman,maagang gigising for school. Minsan tinatamad talaga ako pumasok,ugh. Ewan ko ba,ginagamit ko naman utak ko pero nakakatamad minsan. Naligo na ako at kumain,masyadong malayo ang byahe ko para magbagal,so I need to be fast.
Ready na ako at paalis na,lumabas na ako ng bahay at naglakad. Kinuha ang earphone at sinalpak ko sa aking tenga hininaan ang sound and voila! Pwede na ako mag isip isip. Pero nagulantang ang pag iisip ko ng may bumusina. Putek! Ang laki ng daan,nasa gilid ako tapos bubusinahan ako! Bulag ata. Tss. Tumingin ako sa sasakyan na asul at mas nagulantang ako ng makita ko ang kinaiinisan kong lalake,ngumiti sakin. Char lang pala na siya ang kinaiinisan ko,hehe. Ngumiti ako at naglakad na,pero nagulat ako ng may humawak sa aking braso,muntik ko na tuloy masuntok.
"Hey,mag cocomute ka?" Tanong ni boy H,tutal di ko naman alam name niya boy H na lang itatawag ko. Boy Hope,HAHAHAHAHA. Okay,ako lang natawa. Kalalaking tao,Hope pinangalan.
"Yeah,why?" Tanong ko.
"Sabay kana samin" sagot nito. Lol,baka marape ako,char!
"Sorry,pero wag na. Im fine,makakaabala pa ako. Thanks." sabi ko at naglakad na.
Parang nagsisisi ako,hahahahaha. Sunod parin ng sunod ang kotse ni Boy H.
"Tara na,miss. Di naman ako masamang tao ah" sabi nito with puppy eye. Lol,nadadala na ako.
"Sorry,but I'm fine. You can go,bye" sabi ko at binilisan ang lakad.
Tumawid na ako,at sumakay sa jeep. Isa pang dahilan kung bat ayaw kong sumabay is baka makaabala talaga ako. Malayo ako,at public lang ang pinapasukan ko. Nahihiya ako. Ugh,bad! Tumingin na lang ako sa labas at nag mukmok. Lakas maka music video,inset *malaya by Moira* Oh! Diba! Malapit na akong bumaba at tska lang ako nagbayad,hehe. Pumara na ako at pumasok na sa classroom. Wala namang gagawin kase next week ay bakasyon na,so pumasok lang ako para makipag bonding sa mga friends ko. May kanya kanya silang dala ng laruan. Chest,uno,jackstone at kung ano ano pa na nakakapag-pabalik sa pagkabata namin. Pwede naman silang magturo,kung gusto nila. At ilang oras na ang nakalipas nang tumunog ang bell,hudyat na recess na. Bumili ako ng kanin,nova at tubig. At pumunta sa upuan ko. Hindi ko nakausap mga tropapits ko kanina kase naglalaro sila ayoko naman guluhin. Lumapit ako sa bestfriend ko which is Nics,short for Jennica. At nagusap kame tungkol sa kung ano ang mamimiss namin sa grade na to,which is grade 8. Ewan ko ba pero ang mature ko na magisip. But Im only 14. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture na lang kame ni Nics. At dahil wala kaming ginagawa,tumunog na ang bell at ito ang hudyat na uwian na. Di muna ako uuwi dahil kailangan ko pa daanan ang kapatid ko. Naglakad lang kame ng mga friends ko,Nics,Ayisha,Janelle at Eiffel. We only have one boy in our squad. We're not just squad,we're family.
Habang naglalakad lumapit sakin si Ayisha at bulong ng 'mamimiss kita' ginantihan ko naman yon nang sigaw na mamimiss ko din siya. HAHAHAHA. Kanya kanyang hiwalay na,ang natira na lang ay ako,Nics at Eiffel. Pero si Eiffel ay uuwi at si Nics ay sasama sakin. Pumasok kame sa school ng kapatid ko at pumunta sa Gym. Narinig ko ang chikahan ng mga guardian ng mga bata don,kasali ang kapatid ko sa Drum and Lyre ng school nila,umakyat kame ni Nics sa stage at pumunta sa kwarto ng mga Drummer at Lyrist. Nakita ko ang kapatid ko na si Joice,binigyan ko siya ng pera at umalis na din ako. Naghiwalay na kame ni Nics ng way at sumakay na ako sa jeep.
Bumaba na ako at kumain. "Nak,how's school?" Tanong ni mama.
"It's fine,pero nakakalungkot kase mahihiwalay na ako sakanila" sagot ko.
Yeah,mahihiwalay ako sakanila kase lilipat ako ng school.
"Choice mo naman nak,kung ayaw mo lumipat di kita pipilitin." Sabi ni mama at nagsmile sakin,ngumiti rin ako.
"Ay nak,sabi ni ate tumawag ka daw saknya" sabi ni mama at dali dali kong kinuha ang phone ko at tumawag kay ate by messenger.
Nasa California kase si ate,hayahay na siya sa buhay,graduate na eh. Sinagot naman ni ate at sinabi lang neto na magpapadala siya sakin ng pera,bili daw ako ng gusto ko. At si mama na ang bahala sa needs ko. Busy si ate kaya di rin ganon katagal usap namin.
Pagtapos kong ipagpatuloy ang pagkain ay umakyat na ako para matulog muna.
Kanina pa ako gising pero gumawa muna ako ng assignments. Lumabas muna ako para bumili ng kailangan ko for tomorrow. Mag fa-five na pero maliwanag parin. Habang bimibili ako ay may naisip ako na gusto kong bilihin sa ipapadala ng ate ko,gusto ko ng aso. Yieee.
Pabalik na ako sa bahay ng may nakita akong anghel,nalaglag ata sa langit,chos! Si Boy H,nakangiti. Tumingin ako sa likod baka iba yung nginingitian,e kaso ako lang andito. Siguro baliw si Boy H,sayang naman.
"Hey" nagulat ako sa pag -sasalita niya,ako ba yung kinakausap niya? Tumingin ulit ako sa likod at ako nga!
Ngumiti lang ako,well. Hehehe. Tumahol ang aso at lumapit ako para himasin ang ulo ng aso. "Hey,doggie. You're so cute!" Sabi ko na parang naiintindihan niya ako,tumahol ito "Bye,Hope. Bye!" Sabi ko sa aso at sa amo. "Bye." Sabi ng amo ni Hope. Bukas na bukas ay pupunta ako sa Pet shop ag bibili ng aso. Bukas ko din makukuha ang padala ni ate.
"Nak,kain na tayo,tigil mo muna yang paglalaro mo"ani ni mama. Tumigil naman ako at bumaba na para maghain. Tahimik kaming nakain nang magsalita si mama "Mga anak,sino gusto niyong mauna sa California? Ako or si Papa niyo?" Tanong ni mama,matagal na naming napagusapan na pag andun na si ate ay isusunod niya si Mama or Papa.
"Ma,ikaw na lang po ang umalis,tutal Mommy Adhel,needs you" sabi ko. Tahimik naman si Kuya at Joice. Mommy Adhel is my Lola,tita siya ni Mama. Maraming business si mommy kaya kailangan tumulong ni mama.
"Okay,next month na ang alis ko" sabi ni mama. Tahimik lang kaming kumain. Me,Lola Bless,Jarell,Kuya,Joice and papa are staying.
Pagtapos kumain ay umakyat na ako,i open my messenger and message my cousin,Ela.
Me:Te,aalis na si mama next month. Susunod na siya kay ate sa California.
Ela:Pumayag ka?
Me:Yes why not. Kailangan siya ni Mommy Adhel.
Actually,ayaw ko paalisin si mama. Pero ayoko maging selfish. Kailangan siya ni Mommy Adhel. Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay tumunog ang aking phone,Nica's name flash at the screen on my phone. Sinagot ko naman ang tawag niya.
"Di ka natawag sakin babaita ka!" Pagsusungit nito.
"Sorry naman! Next time kahit tulog ako tatawagan kita,promise." Sarkastiko kong sagot.
Well,wala naman samin to eh,nakakalimutan ko problema ko pag kausap ko si Nics.
"Letche! Hahahaha. Oy agahan mo pumasok bukas ha!"pang uuto nito.
"Oo na! Drama mo. Ay Nics,samahan mo ako bukas,sa MOA." Sabi ko.
"Okay! Makagala lang,hahahaha. Bye,I love you,bestfriend!" Sabi nito.
"Plastik nito. Hahahaha. I love you too,bye!" Sagot ko at binaba na.
Habang nagcecellphone,naisipan kong mag facebook. Scroll down,and down,and down lang peg ko eh. May mga nagchachat sakin pero wala akong time mag bukas,chos! Honestly,ayoko talaga. Kase puro ka plastikan lang naman messages ko eh,maliban na lang sa pinsan ko at sa squad and syempre sa fam. Sinunod ko iopen ang messenger to check my ate's message,at eto nga may message.
'Sis,yung pera ha. Inggatan mo. Di porket sinabi kong para sa gusto mo yon ay wawaldasin mo na lang basta basta. I love you!' Yan yung message ni ate. I replied.
'Syempre! Aso bibilihin ko. And ang matitira is iipunin ko para makadagdag at may pambili na tayo ng ticket ko,thanks ate! I love you!' Reply ko
10:00pm na ay gising parin ako. Inaantok na ako pero parang may kulang kaya di ako makatulog. Naglaro ako ng mobile legends at pagtapos nito unti-onti na akong napapikit.