Chapter 12

12 4 0
                                    

Juliana's POV

Dalawang linggo pa lang nakakaalis si mama. Pero buti okay na si Papa at Estef,maski ako. Kase sa dalawang linggo na yon di ko talaga alam gagawin ko,iniisip ko kung paano na lang kapag pasukan na? Sino mag-paplantsya ng uniform namin? Sino gigising sakin pag di tumunog alarm clock ko? Pero naisip ko na andyan pa si papa.

Andito na din si Ela,bwisit na babae yon. Pero pinakita niya sakin yung picture nung crush niya si bible,code name lang namin yon,pero Noah ang real name hehe. Kamukha ni Ivan si Bible,juice colored.

Pupunta kami sa book signing ng wattpad authors. Actually wattpader kaming lahat sa squad. Si Janelle ay sakin natuto,naging big deal yon kase nagka absent si Janelle ako ang sinisi. Kase napuyat daw. Lulul niyo! Hehe. Sorry,nadala lang.

Nagbihis na kame ni Ela at nagantay na lang kila Ivan at Kila Nica. Maya maya ay dumating na si Ivan,sasama siya kase babantayan niya daw ako. Mukha ba akong tatakas? -__-

Dumating na din sila Nica at umalis na kame,sayang pamasahe kase di pa sila nauna don sa MOA,mga aders talaga. Sumakay na kame sa van papuntang MOA. Close na sila Ela at Sila Ayisha dahil napunta sila madalas samin,nakikisali naman si Ivan sa usapan nila dali dali ko siyang piningot dahil nakikisali siya.

"Bakla kaba ha? Bat ka nakikinig sa usapan ng mga babae?!" Inis na sabi ko.

"Ako? Bakla? Ikaw ha! Gusto mo na naman ng kiss" Sabi niya at ngumuso,agad kong pinitik ang nguso niya pero mahina lang. Nagtawana naman sila Nica.

"Aray ko naman,Jelay" Sabi niya at hinihimas ang labi.

"Tss,sorry na. Wag ka kase makikisali sa usapan nila. Paano kung nagkukwentuhan sila tungkol sa babaeng maganda sa school? Edi nalaman mo pa"sabi ko.

"Wala naman akong pake don. Wala din kase akong kausap eh. Tignan mo puro kayo babae" malungkot na sabi niya.

"Oh sige,tatawagan ko si Eiffel para sumunod don,ha?" Sabi ko ng nakangiti.

"Jelay naman eh! Parang ano to. Wag na,ikaw na lang kakausapin ko" sabi niya at pinulupot ang kamay sa braso ko. Bakla talaga.

Nakarating na kami at pumila. Nagpaalam naman ako kila mama,at sabi okay lang basta wag masyadong gagastos at ilibre ko daw si Ela. E baka nga ako pa ilibre non eh!

"Te,libre daw kita. Eh mas marami ka namang pera sakin." Sabi ko sakaniya.

"Libre mo na lang ako pagkain,at di kita isusumbong kay tita." Pananakot niya.

Ng kami na ay nagtilian pa sila Nica,first time kase nila. Ako naman tatlong beses na pero iba parin pag tropa kasama. Kaya naman masaya talaga.

Pumili na kame ng mga libro at nagpapirma sa mga authors,halos lahat ata ng authors napapirma ko. Nagpicture din kame kasama ang mga authors,syempre sinama namin si Ivan sa picture. Ng matapos ay agad kaming bumaba para kumain,malayo lalakarin namin dahil sa SMX kame pumunta. Nagtitilian parin sila at di iniinda ang mga librong dala na mabigat. Si Ivan naman ay nakasimangot baka nabibigatan.

"Ivan,akin na yung iba. Hati na lang tayo,mukhang pagod ka na sa bitbit mo eh" sabi ko

"Hindi. Inis lang ako sayo" ani niya. Lah? Ako? Bakit ako?!

"Hala,bakit? Anong problema,Ivan?" Tanong ko

"Grabe ka makalapit sa mga authors na yon e,tapos pumayag ka na akbayan ka. Eh ako nga di kita inaakbayan kase ayaw mo" reklamo niya.

"Hahahahaha,muntanga ka. Seryoso ka ba? Malamang idol ko yon. Minsan ko lang makita yon eh,ikaw lagi kitang kasama." Paliwanag ko.

"Hoy Ivan,apaka seloso mo naman. Sayo naman yan si Juliana Mendoza,Marasigan na yan!" Pang-aasar ni Nica,nagtawanan naman kami. Nainis ata si Ivan kaya naglakad ng mabilis. Hinabol ko naman at inamo.

"Ivan,tayo nga may anak,e kami ng mga yon wala" potatoooo,anong anak?! Hahahahaha. Yun yung paraan ko? Potek,kakaiba.

"Oo nga noh. Oh sige,bati na tayo. Basta sakanila ka lang gaganon ha,at sakin." Sabi niya at nag okay naman ako.

Kumain na kami dito sa mcdo. Laging dito,hahahaha. KKB aba,pero nilibre ko si Ivan. Si Ela at Janelle ang nagorder. Napansin naman ni Ayisha na may tingin ng tingin dito na mukhang kasing edad namin.

"Tignan niyo yung nasa kanan niyo may nakatingin satin" pasimpleng sabi niya at tinignan namin.

"Baka bet ka Ayisha" pang aasar ko.

"Baka ikaw kase sainyo nakatingin" sabi naman niya.

"Wag na kayo magtalo,si Ivan ang gusto" sabi ni Nica,agad kaming tumingin kay Ivan at nagtawanan. Pero napawi iyon ng ang sama ng tingin ni Ivan sa mga lalakeng iyon,agad naman umiwas ng tingin ang mga lalake.

Kumain na lang kami at naglaro sa Tom's World. Pag tapos non ay gumala kami sa loob ng MOA. Nagpicturan at nagtawanan lang kami. Maya maya ay may lumapit na lalake samin.

"Te,penge daw po number niyo" sabi sakin. Tumingin naman ako kay Ivan na tahimik lang pero pamatay ang tingin.

"Hala kuya mawawalan yan ng number pag hiningi niyo" Sabi ni Nica.

"Kung ako sayo kuya tatakbo na ako,baka bumagyo" Sabi naman ni Ayisha at tinignan si Ivan.

"Sorry kuya di pwede,magagalit boyfriend ko" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Ivan. Nagulat naman sila at mukhang napahiya ang lalake kaya umalis na lang.

"Kayo na?" Kelan pa?" "Legit?!" Sunod sunod na tanong nila.

"Baliw,joke lang yon. Di nga to nanliligaw eh,hahaha" sabi ko

"Hoy Mendoza! Nanliligaw ako sayo simula nung umamin ako sayo mag t-two months na" inis na sabi niya. Natawa na lang ako.

Kanina pa kami naglalakad sa sakayan at lagi tinatakpan ni Ivan ang mukha ko,pag tinatanong ko naman ang sagot ay

"Baka makita ka nila at hingin ka" yan! Yan ang sagot niya!

Nakadating na kami at si Ela ang unang umakyat sa
sobang pagod.

"Goodnight" sabi ni Ivan at kiniss ako sa noo.

"Goodnight rin" sabi ko naman.

Umakyat na din ako at nahiga na. Ang saya ko kase ang hyper namin ngayon. Ang saya saya,sana di na matapos tong kasihayan namin.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon