CHAPTER 2 : Stranger & Meeting you Atlast

6K 132 3
                                    

PAGE 3: THE STRANGER

Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga upang maghanda para sa pagpasok sa school nila. She happened to finished her routine that early and went straight to her front door and locked.

"O hija, maaga ka yata ngayon?" pansing batid ng kanilang kapit-bahay.

"Kayo pala Tata Sebio, opo, may exam pa po kasi ako ngayon kaya kailangang maaga akong papasok sa school." magalang nitong tugon sa sisenta anyos na lalaki. Nakaupo ito sa isa sa mga putol na kahoy sa harap ng kanilang bahay. Nababakuran lang kasi ng pinagtagpi-tagping kawayan ang harang na pumapagitan sa kanila.

"Koh, kay sipag mo talaga. Sobrang tuwa siguro ng Mama mo kapag nandito iyon, "

"Salamat po, oo nga po eh. Sana nga po't balang araw ay babalik si Mama." nakangiting sabi ng dalaga.

" O siya sige na at bala ma-late ka. Ingat sa pagsakay."

"Sige po, Tata Sebio. Kayo rin po." paalam ng dalaga saka binuksan ang tarangkahang kahoy na may pinturang kulay abo at pinadlock muli pagkatapos. Naglakad siyang muli patungong highway. Sakto namang may paparating na jeep kaya't pinara niya ito at sumakay.

Makalipas ang labing limang minuto ay nakarating na siya sa University na pinapasukan dahil masyadong mabagal ang pagpapatakbo ng driver sa jeep. Halos mga nag-aaral din lang doon sa university ang sakay ng jeep. Nakapasok na siya sa loob nang biglang may tumawag sa kanya.

"Audrey! Audrey!" sigaw ng isang tinig. Napalingon ang dalaga sa pinagmulan ng ingay.

"Oh Mandy, bat ang aga-aga eh nagsisisigaw ka dyan," saway niya rito.

"Syempre naman girl, gusto kitang makasabay noh. Tsaka ngayon lang ulit tayo magkasabay mula nung nagktrabaho kana eh hindi na kita nakakasama. Paano, gabi ka naring nakakauwi sa atin galing sa work mo." nagtatampo niyang sabi.

"Kaw naman. Kahit naman sobrang busy ako eh di naman kita nakakalimutan noh. Alam mo namang kailangan kong magtrabaho para may magamit ako sa pag-aaral."

"Naku, magda-drama ka na naman. Tara na at nang makapagreview pa tayo. Ang dami ko pang di nababasa sa mga notes natin. Papano, dumating kahapon sa bahay yung mga magulang ng boyfriend ni ate. Hinihingi na nila ang basbas nina Mama at Papa." kwento ni Mandy.

"Wow, syempre matagal narin naman sila kaya okey lang naman siguro. May mga trabaho narin sila at kaya na nilang binuhay ng pamilya."

"Hmp, oo nga matagal na sila pero haler! Di ko type yung boyfriend ni ate. Masyadong mayabang. Alam mo ba kung makapagsalita yun pag wala sina Mama, juzkolord!" she said rolling her eyes. Tutol kasi di Mandy sa lalaking iyon noong una pa lang.

"Hahaha! Kaw talaga. Pabayaan mo na, importante ay ikakasal na sila at nang makapagsimula narin silang dalawa ng ate mo. Malay mo, magbago pa yung boyfriend niya." anito habang sila'y naglalakad. Hanggang sa marating na nila ang kanilang classroom.

Sa harapan sila nakaupo kaya't umupo na silang dalawa pagkapasok nila sa kanilang classroom. Muling kinuha ni Mandy ang notebook nito samantalang prente namang nakaupo lang si Audrey.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang kanilang instructor na si Mr. Pratts dala ang kanilang test papers.

"Good morning!" bati nito.

"Good morning, Mr. Pratts!" ganting bati ng mga mag-aaral na chorus pang nagsalita. Nakangiti lang ang lalaking guro saka nilapag ang kanyang gamit sa mesa.

"First of all, I would like to inform you that after your exam, all classes will be cancelled due to our emergency meeting. So please bear with me if I will start distributing your test papers now, "

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon