CHAPTER 13: INVITATION

1.7K 71 1
                                    

Nagsimula ang pagsasanay nina Hunter at Audrey sa maluwang na bakuran ng palasyo.

Hirap noong una ang dalaga dahil masyadong malakas ang binata para sa kanya. Martial arts/ self-defense ang unang itinuro ng binata sa kanya na umabot halos dalawang linggo hanggang sa matuto siya. Isinisingit nila ang archery at sword mastery kapag may bakante silang oras. Bugbog ang katawan ng dalaga. Noong una ay halos himatayin na siya sa sakit na natamo ng kanyang katawan though mabilis maghilom ang kanyang mga sugat sa mga natamong saksak, galos at pagkabali ng ilang buto sa kanyang katawan. Pero nasanay rin ito habang tumatagal at lalo siyang natuto sa pagdepensa ng kanyang sarili. Maski mga libreng kawal at ilang tauhan ay isinali ng binata para sa kanyang pagsasanay. Istrikto si Hunter sa kanya kaya naman hindi naging madali sa dalaga ang lahat.

Lumipas pa ang ilang linggo hanggang umabot na sila ng isang buwang pagsasanay, naging gamay na ng dalaga ang halos lahat ng itinuro sa kanya. Ganun siya kapursigidong maipagtanggol ang sarili sa darating na panahon dahil kakailanganin niya rin ang mga kaalamang iyon upang mahanap ang kanyang ina.

Sa ngayo'y naka-schedule sila sa paggamit ng baril at pag-aayos ng mabilisang technique na itinuro sa kanya ng binata.

"You should atleast know how to use firearms. Assemble that infront of us any way you wanted. Five minutes eh?" nakangising sabi ni Hunter.

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkabigla. Limang minuto? Ano ako si Flash?! Pero okey narin at nang masubukan kong kumilos ng mabilisan gamit ang aking abilidad.

Isang mahabang silver metal table ang nasa kanyang harapan na punong-puno ng magkakaibang klase, kalibre at disenyo ng baril ang nakahilerang nakalatag.

"Pwede na ba akong magpahinga kapag nagawa ko ang sinasabi mo?" tanong ng dalaga.

"If you can do it, why not?" pang-asar naman ng binata.

"Aba't itong hinayupak na 'to kala mo naman sobrang dali ang pinapagawa, " nakasimangot na maktol niya.

Napapailing nalang si Hunter sa naging reaksiyon ng dalaga saka ito umupo sa harapan ng lamesang punong-puno ng klase ng baril.

Tinignan ng binata ang kanyang bisig. "You're time starts.....now!" anito.

Pagkarinig ni Audrey ang salitang "now" ay para siyang nasilihan ng puwet na agad inayos ang mga baril. Gamit ang kanyang abilidad syempre, natapos niyang ayusin ang tatlumpo't limang baril ng apat na minuto at sampung segundo. Mas maaga kaysa sa inaasahan ang pagsaayos niya sa mga ito.

"Damn, you're a hustler!" ani Jake ng matapos ni Audrey ang pinakahuling baril at inilapag ito sa mesa. Naroroon silang lahat ngayon sa may firing range and guess what kung sino ang mga target niya, mga kawal lang naman ng palasyo.

Ngingiti-ngiti naman ang dalaga sa tagumpay. Proud ang dalaga sa resulta ng kanyang pagsasanay. Kaya naman humingi siya ng isang linggong pagpapahinga.

"Do you want to spend your vacation somewhere else?" si Hunter.

"Hah?! Ah, ehhh...Okey lang naman kahit dito na sa palasyo, maganda na ang view, tahimik at presko pa. One in a million lang namang makapunta sa ganito noh."

"Alright, if that's what you want. But if you change you're mind, just tell me. I have a better plan for you."

"At ano naman yang plano mong yan, aber?"

"I have a meeting with the elders in Romania. Go with me if you want, then be ready and pack your things. I'll meet you at the grand hall before ten in the evening. You still have ampule time to rest." anito saka tumayo.

"Just leave these firearms here. Someone will come to arrange it." aniya saka hinawakan ang palapulsuhan ng dalaga at hinila na ito palabas ng high tech na silid.

Yup! That room is fully equipped with high brand caliber of firearms, bullets and bombs. The door they went through has a scanner that only royals can enter.

Mabilis pa sa alas kwatrong nakarating sila sa dining hall at nagpahanda ng pagkain ang binata. Tumalima ang mga nakatalagang tauhan.

Dalawang baso ng preskong dugo ng hayop ang agad na sinerve sa dalawa at pagkatapos ng sampung minuto ay saka naman sinerve ang kanilang nakakatakam na pagkain para pananghalian.

"Alam na ba ng mga elders na dito ako nakatira sa palasyo?" maya-maya'y tanong ng dalaga. Napakunot-noo naman ang binata at nagtaas ng tingin.

"Ofcourse, they've been expecting you since you were born."

Nasamid ang dalaga sa pag-inom ng juice. "P-pakiulit?"

"You're not supposed to stay in Amir, you know. Your father is not a damphyr, he's one of us. A royal born. But he chooses to be a commoner and served the king to protect his family."

Napaawang ang labi niya sa kanyang narinig. Kung ganun ay totoo ang sinabi sa kanya noon na ang ina niya ang kasalukuyang konseho sa Mystic pero sumama ito sa kanyang ama na isang bampira. Noong nalaman ng coven na nagkarelasyon ang kanyang mama sa isang bampira ay pinatalsik ito sa pwesto kahit siya pa ang namumuno. Lumayo silang dalawa sa pagbabaka-sakaling makapagsimula sila ng tahimik.

"From what I'm seeing now, you really have no idea about your parents, don't you?" puna ng binata habang kumukuha ng ulam. Napatango lamang ang dalaga.

"Just remember what you've learn from your training. You'll be using that in the near future. Just be ready tonight, we'll fly to Romania." anito saka tinuloy ang pagkain. Hindi na sila nakapag-usap hanggang sa naunang natapos sa pagkain ang binata. Naiwan ang dalaga na nakatitig sa pader na humahati sa dining hall at sa kabilang pasilyo ng palasyo.

"Do you want something, My Lady?" untag ng Butler.

Masyadong malalim ang iniisip ngayon ng dalaga kaya naman hindi niya narinig ang tanong ng butler. Inulit nito ang tanong para marinig siya saka lamang parang nagising mula sa malalim na pagiisip si Audrey.

"Huh?! Ah, eh....no, no wala na. Salamat," anito na pilit ang ngiti saka tumayo at nagpasalamat sa mga bantay sa kusina sa masarap na pagkaing inihanda. Dumiretso siya sa kanyang silid upang i-double check ang ihahanda niyang gamit papunta sa ibang bansa.

Pagpatak ng alas nuwebe y medya ay nasa living room na ang dalaga malapit sa may grand hall. Nakikita ang bawat taong bumababa sa may grand staircase kapag pumunta ang sinuman sa nasabing hall kaya't minabuti niyang maghintay roon. Nakaupo ito at nakasandal ang dalang luggage sa gilid ng upuan. Konti lang ang damit na kinuha niya dahil sa totoo lang hindi naman siya ang bumili ng mga damit na nasa loob ng kanyang closet. Ilang damit at mga sapin sa paa ang siyang dala niya kasama ang ilang gamit pambabae.

Naghintay lamang siya ng ilang minuto at nakita na niyang bumababa sa hagdanan ang bulto ng lalaking hinihintay.

Oo gwapo ang lalaking tinititigan niya ngayon pero holy cow! simpleng navy blue t-shirt at denim pants ang suot nito na pinarisan ng magkaternong white sneackers pero para na itong naglalakad sa runway. Modelo ba siya? Artista? Kung bakit naman kase ang gwapo.

Tangina ang sarap magmura! Napakagwapo ng kasama ko, sarap gahasain! Joke lang.

Biglang bumaling sa akin si Hunter. Patay! Baka nabasa na naman nito ang mga pinagsasasabi ko sa aking isip. Hayst! naman oh,

------------------------------------------
Hi guys! Kamusta naman ang pagbabasa ninyo? Naku, thank you sa patuloy niyong pag-abang sa mga chapters nitong story na ito. Matanong ko lang? Ano kaya ang mangyayari sa next chapter? Sige nga comment kayo...

Paki-click narin po ang star sign sa baba pampa-good vibes at inspirasyon..Mwuaah! 😘

TIME CHECKED: 4:36PM
DATE PUBLISHED: JULY 12, 2018
EDITED: 9/15/2018 @ 11:05PM

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon