CHAPTER 25: RETURNING HOME

1.5K 68 1
                                    

Dedicated to:
📌Jalynyuri
📌SiegFernandez

Thank you guys...😘

===========*******==========*******========

CHAPTER 25:

We landed safely at the airport. And as expected, lots of media people were there waiting for us.

Sinuot ko ang hooded jacket na bigay sa akin ni Jake bago lumabas ng airport, flashes of cameras are everywhere habang palapit kami ng palapit sa sasakyan.

Nauna akong nakapasok sa loob ng sasakyan dahil si Jake ang kasama ko. Expected kasing kay Hunter nakatutok ang mga reporter. At hindi talaga ito nakatakas sa isang makulit na reporter na kilala sa isang sikat na programa.

"What can you say about the issue on your upcoming engagement with the heiress of Wilson Builders?"

Nagulat si Hunter sa biglaang tanong ng nasabing reporter pero agad din niyang naitago yun at nag-iba ang ekspresyon ng mukha. You can't see or read any emotions on his face.

Ang Wilson Builders ay isa sa mga kompanyang nagpapatayo ng mga naglalakihang building sa buong bansa. And Salvatore Financing Corp is the only financing company giving funds to those potential people who wanted to start business of their own. Isa ang Wilson Builders sa kanilang sinusuportahan.

Ericka Wilson on the other hand is the only daughter of the business magnate, Mr. Smith Wilson. 

According sa mga napapanood ko noon sa tv, malimit kasama noon ni Hunter sa ilang gatherings si Ericka sa business world before we crossed our paths.

Ericka is a human and they're family were settled in Santorini. At hindi ang isang katulad niya ang pakakasalan ng isang Hunter Salvatore!

Wala rin kasing nakakaalam sa tunay na pagkatao ng nga Salvatore dahil masyadong malihim ang clan tungkol sa identity nila. Though they lived along with the humans. At hindi porke't sa Santorini nakabase ang mga Salvatore, lahat ng nakatira roon ay puro mga bampira. Nope, you're wrong. Gaya rin kasi ng ibang siyudad na halong tao at ibat-ibang uri ng nilalang ang nakatira. They just blend in to them. And humans doesn't even know they are still existing.

"I have no intention on marrying Ericka Wilson. We we're just friends."  matigas niyang saad.

"Then who's the lucky lady then? Siya ba yung namataan naming kasama mo noong umalis ka ng bansa? " sunod-sunod ulit na tanong ng reporter na halos ipagduldulan na ang mic kay Hunter dahil hinaharangan ito ng mga bodyguards.

"You'll meet her one of this days. That's all for now. " pinal niyang sagot saka ito sumakay sa kotse.

Marami pa sanang gustong itanong yung reporter pero hinarangan na ito ng kanyang mga tauhan. Agad pinasibad ng driver ang kanilang sinasakyan matapos makaiwas sa mga nagkakandahumahog na chismoso at chismosa.

Sumunod kapagdaka ang sasakyan ng ilang body guards ni Hunter. Bale tatlong sasakyan ang convoy. Nauna ang tatlong pinaka-sharp na guards niya. Kasama naman namin sa sasakyan sina Jake at Alexander na siyang pinagkakatiwalaan niya ng husto. Sa likod ang tatlo ring guards na sumalubong sa amin sa airport galing ng Santorini.

"You can rest for a while. I'll wake you up when we get there." ani Hunter sakin. Nasa back seat kaming dalawa. Nasa passenger seat naman si Jake Moojin na nakakaluko ang ngisi. "Jake, call the frontier to get us safe to the castle." utos nito.

"Yes, Boss." sagot ni Jake saka kinuha ang phone at nag-dial. Agad namang sumagot ang taong tinawagan, kung tao ngang matatawag, malay niya kung bampira din lang. Nagbilin ito sa mga tauhan nila sa palasyo, at nagbigay rin ng confirmation ito sa kanilang pagdating.

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon