CHAPTER 9: The Santorini Castle

1.9K 107 2
                                    

Dylan came to Mystic and talked to Martha about what happened earlier. Audrey was sleeping in her room and he didn't bother to wake her. They had agreed that the lady will stay in the mansion even after what Martha said to her.

Hunter was busy fixing some vampire stuff issues in Romania. He's been away for almost two months already. But he still managed to call Audrey and the rest of the council.

Kay Dylan niya ibinilin rin ang pagsasanay nito habang wala siya. Hindi narin naman binanggit ni Audrey ang sinabi ni Martha sa kanya noon since napapahanga niya ang matandang babae sa kanyang galing sa combat skills. Nagkukunwari parin siyang walang alam sa kanyang kapangyarihan dahil hindi siya palagay sa inaasta ngayon ng Martha na ngayo'y kasama niya sa iisang bubong.

Another week passed. Dumiretso sa komedor ang dalaga pagkatapos maligo at makapagbihis. Dinala narin niya ang kanyang bag na may lamang libro. May balak siyang umalis ngayon sa mansion. Naabutan niya ang isang maid na nagluluto.

"Ahmm, manang. Pwede po bang magtanong?" anito. Lumingon naman ang matanda sa kanya.

"Oo naman. Ano ba iyon?"

"Ahh, itatanong ko lang po sana kung may kakaiba kayong napapansin rito sa mansion?"

"Wala naman.. Kaso noong ilang araw matapos dumating si Madam, napansin kong parang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ilang mga miyembro ng mga witches. Pero baka nga maliit na bagay lang dahil wala naman na akong nabalitaan pagkatapos nun."

"Hmm, ganun po ba? Sa mga taong nakatira po dito, kumusta naman po?"

"Aba eh, ayos naman kaso minsan nalalagay sa alanganin ang ilan ritong mga kasambahay. Dalawang linggo na mula nang mamatay yung isang kasama namin dito. Hindi alam kung sino ang pumatay dahil walang pagkakakilanlan. Alam mo bang walang laman loob yung isang maid na nakita sa likod ng mansion?" pabulong na kwento ng matanda.

"H-ho? Eh wala po bang ginawa ang konseho para malaman kung sino ang pumatay?"

"Yun nga rin nga ipinagtataka ko kasi parang bale-wala lang kay Madam ang nangyari. Sinabihan kaming kalimutan na ang pangyayaring iyon at huwag ng magsalita." tuloy nito sa mahinang boses saka lumingon-lingon na parang may kinatatakutan. Hindi rin naman lingid iyon sa dalaga.

"M-may kinakatakutan po ba kayo?"

Hinila siya ng matanda malapit sa lababo at binuksan ng malakas ang gripo.

"B-bakit niyo po sinasayang ang tubig?" wala sa loob na tanong ng dalaga sa mahinang boses.

"Huwag kang maingay, anak. Binuksan ko lang yan para hindi marinig ng kung sino man ang gustong makinig sa pinag-uusapan natin," anito.

"Hindi tunay na si Martha ang babaeng nakatira rito ngayon. Mag-ingat ka sa kanya." babala nito.

"P-papano niyo po---" hindi naituloy ni Audrey ang gustong sabihin dahil muling nagsalita ang matanda.

"Dalawang linggo ang nakakaraan, napapansin ko kasing nag-iba si Madam. Yung mga dati niyang ginagawa ay bigla na lamang niyang nakalimutan. Nagduda na ako nung una pa pero hindi ko na lamang pinapansin. Isa pa, nag-iba ang ugali niya. Hindi ganun ang Martha na kilala ko. Halos dito na ako tumanda sa bahay na ito kayat kabisadong-kabisado ko si Martha. Pero pakiramdam ko'y hindi siya yung taong kilala ko." malungkot na sabi ng matandang babae.

"Makinig ka, hija. Kumain kana at bilisan mong umalis. Pumunta ka ng Santorini. Huwag mong hahayaang ipahatid ka ni Madam. Baka maulit lang ang nangyari noon tatlong taon na ang nakakaraan." anito saka binigyan ng ilang prutas ang dalaga at nilagay sa loob ng bag. Isang bote ng dugo at isang mineral water.

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon