CHAPRTER 23: POWER WITHIN

1.4K 71 2
                                    

All eyes are looking intently on us.  And the four elders at the center seating in a throne glaring deadly that sends shiver on my spine or just so I thought.

 I saw Amanda on my peripheral view,  seating at the right side of the hall. Naka-smirk ang bruha!
Alam ko namang ayaw niya sa akin but I don't  care as long as I'm with this guy beside me. 

Finally,  we were infront of the elders but keeping their stares now on me giving goosebumps all over my body. Nakakapangilabot kahit kauri ko pa sila.

Tinanggal ko pagkakahawak sa braso ni Hunter saka ako nagbigay galang sa mga matatandang bampira. I kneeled down and stand afterwards.  I look at them and smile pero anak ng pating!  Ang seryoso ng mga mukha nila. Di ba nila alam ang salitang 'smile'? Haaayst!

Nakatayo lang kami roon na parang timang. I guess they're observing me with those deadliest glare on their eyes. Whoa!  I cannot.

Napabaling ang tingin ko kay Hunter nang magsimulang magsalita ito ng alien nilang salita.  Di ko kasi maintindihan. Tokneneng naman oh.

Nagulat nalang ako nang biglang nasa harapan ko na ang tingin ko'y pinakamatanda sa kanilang lahat.

"I'm Aro, my pleasure to meet you young lady. " anito na nagbigay ng nakakakilabot na pakiramdam sa buo kong katawan. Ang lamig ng boses niya, parang yelo. Napatingin ako sa kanyang mukha. Pulang-pula ang kanyang mga mata, masyadong maputi ang kanyang balat, pero in fairness,  wala kang makitang kulubot sa mukha niya. Siya na ang sinasabi nilang elder?  Mahihiya ang mga nagpapabotox dito.

Mas lalo akong nagulat nang kunin niya ang aking kanang kamay at haplusin. Nakatanga lang ako.. I don't know but I feel strange. Biglang nawala ang takot sa akin.

"Well, well,well. I guess you're the hybrid that the Hunter wants us to meet. I am surprised, I can't see anything about you. Even the slightest idea of who you are. " nakangisi nitong sabi. 

Napansin ko rin ang kakaibang reaksiyon ng dalawang elder na nakaupo sa itaas na bahagi ng hall sa sinabi ni Aro.

"Magnificent. For the first time in my entire life,  you're just the only one who can manage to interfere my power." sabi niya ulit.

Pagkasabi niya nun ay saka naman lumapit ang isa ring elder na nakaupo kanina sa kanang banda ni Aro. Hahawakan niya sana ako pero nabigla ang lahat nang magkaroon ng parang isang force field na bumalot sa akin. Halos masira rin ang isang panig ng hall sa lakas ng pagkakabagsak ng elder na gusto akong hawakan.  Ako man ay nagulat din sa nangyari. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig dahil sa gulat. Maging si Hunter at Aro ay napalayo ng konti sa akin dulot ng force field.

Nakatingin lang ako sa elder na bumagsak. Nakita kong tumayo siya saka pinagpagan ang robang pula na suot niya at chenez! Nag-smirk pa saka muling naglakad patungo sa akin pero mabilis siyang pinigilan ni Aro.

Tumayo rin ang isa pang elder at naglakad patungo sa aking kinaroroonan pero kung paano kami nagulat sa nangyari kanina ay mas dumoble na ngayon dahil hindi pa man nakakalapit ang elder sa akin ay bigla nalang nabitak ang kanyang kinatatayuan at nagkaroon ng siwang sa ibabang bahagi ng sahig.  Naging maagap si Hunter upang sakluluhan ito kaya't nakaligtas sa muntikan niyang pagkahulog.

Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari ngayon.  Sunod - sunod ring pumasok ang ilang nakaunipormeng mga lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo upang sugurin sana ako pero naunahan sila ni Hunter na ngayon ay nakapuwesto na sa aking harapan.

"Don't you fucking dare to touch her. " malamig niyang sabi kaya naman umatras ang mga lalaki. Takot din naman sila sa kanilang pinuno.

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa lahat ng nasaksihan ko. Ngayon,  sirang-sira ang napakakintab kanina na marmol floor dahil sa mga bitak-bitak na naging sanhi ng pagkakabiyak ng isang bahagi ng floor kung saan muntikan ng mahulog ang isa sa mga elder. Sira narin ang nasa bahaging kaliwa ng hall.

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon