PART 34: UNTITLED

1.4K 59 1
                                    

This story is now at #254 - vampire category. Thank you so much for the unending support from all of you.

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

Natunton ng grupo nina Jake ang pinagtataguan ng mga badbloods sa Mordov. Pero hindi pa man sila gaanong nakakalapit sa lumang templo ay nagsilabasan na ang ilan sa mga ito at kanya-kanyang atake ang ginawa sa kanila. Mabuti na lamang at kasama nila ang tatlong tauhan ni Dylan at ilang tauhan ng Guild na siyang sumalubong sa kanila sa airport.

Hindi maubos-ubos ang mga umaatake sa kanila. Dahil mga hayok sila sa dugo ang mga badbloods at mabango para sa kanila ang amoy ng lobo. Nakapagpalit anyo naman ang tatlong lalaking kasama nila. At kung titignan ang kanilang kilos ay halatang sanay rin ang mga ito sa pakikipaglaban. Mabilis at mabangis ang talong lobo. Umabot rin halos isang oras ang kanilang pakikipagpambuno sa mga kalaban bago tuluyang natigil ang pag-atake sa kanila. Batid rin ang pagod sa kanilang mukha at puno ng bahid ng dugo ang kanilang mga kasuotan. Nauna si Jake na pumasok sa loob ng templo kasunod ang mga kasama. Laking gulat niya ang sumalubong sa kanila. Nakakulong sa mga selda ang mga bata na umiiyak dahil sa takot. Agad niya itong dinaluhan ang unang seldang naroroon. Binaklas niya ang bakal na siyang harang ngunit masyado itong matibay. Tinulungan siya ni Pierre saka nila ito natanggal. Nais rin namang tumulong sana ang tatlong kasama ngunit hindi nila magawang hawakan ang seldang harang dahil gawa ito sa silver. Kayat sila na lamang ang naglabas sa mga batang naroroon. Pinakahuling pinakawalan nina Jake at Pierre ang limang batang lalake na tantiya nila'y nagkakaedad sampung taon hanggang dose anyos. Naaamoy nila ang dugong lobo sa tatlo. Yung isa sa kanila ay agad sumugod kay Jake pero napigilan ito ni Pierre.

"Hey little pup, we're not your enemy. We came here to get you out. You have your brothers outside." ani Pierre na binitin ang bata sa likuran gamit ang damit nito. Agad namang lumabas ng selda ang apat pang bata saka lang pinakawalan ni Pierre yung isa na siyang sumugod kanina kay Jake. "You're one of them!" galit paring baling nung bata pagkababa nito.

"Yes, I am a vampire but I'm not a bad blood, you see? I am more priviledge than any of them." nakangising tugon ni Pierre. Irap lang ang sinukli ng bata bago tuluyang nagmartsa palabas ng templo kung saan naghihintay ang kanyang mga kasama.

Napatakbo ito nang makita ang pamilyar na bulto ng katawan sa mga nakaalalay sa mga ibang bata sa unahan.

"Morris!"sigaw ng batang lalake. Napalingon naman ang lalaking tinawag na Morris at gayun na lamang ang ngiti nito pagkakita sa batang lalake na tumakbo papalapit. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Glad to know you're safe." ani Morris. Isa ito sa mga tauhan ni Dylan na sumama.

"Yes, unfortunately one of us get killed the other day." magkahalong lungkot at galit ang boses nito. Naikuyom naman ni Morris ang kanyang kamao.

"W-why would they kill him?" nagawa parin niyang mabuo ang tinig kahit nagsisimula nang bumigat ang kanyang pakiramdam dahil sa galit.

"He tried to escape but someone caught him on his way out. Its not one of the bad bloods but an elderly fucking vampire with a mark on his wrist." kwento niya habang naglalakad sila pababa ng hagdan.

"What mark?" nakakunot ang kanyang noo.

"A dagger with three holes." anito saka nagbaba ng tingin. "He looked like old, tall, ebony long hair and he's wearing some kind of red coat. He was with someone. A young and fine lady with a curly brown hair with crimson pair of eyes. " paglalarawan niya sa pumatay sa kanilang kasama.

Mas lalong nag-umigting ang nararamdamang galit ni Morris. Tinawag niya ang isa niyang kasamang lobo at nakipagpalit ng pwesto sa unahan.

"The pup told me about an elder who kills one of our kind." walang kaabog-abog na banggit ni Morris kay Jake na siyang nasa unahan. Natigilan ito sa narinig at bumaling kay Morris.

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon