PART 31: WEREWOLVES BITE

1.3K 52 1
                                    

"Wolves," sambit ni Trevor na nakatingin ng makahulugan sa kaharap. Tumango lang si Hunter at umayos ng upo. Hinintay nilang makapasok ang apat na lalake sa loob ng kainan, mga taong lobo na pinangungunahan ni Dylan, na siyang leader sa kanyang pack.

Agad namang napahinto sa banda nina Hunter ang tingin ni Dylan pagkapasok sa loob. Ngumiti ito saka tinanguan ang kaibigang si Hunter. Tumango lang din ang binata. Pero lumapit ang apat sa kinauupuan ng dalawa.

Gulat ang rumehistro sa mukha ng apat na lalake pagkakita sa dalawang nilalang na magkamukha.

"Who's who?" natatawang sambit ni Trevor na ginaya ang natural na kilos ni Hunter.

Tinapik naman ni Dylan ang balikat ng kaibigan. "I know him very well. Thank you."

Napangisi naman si Trevor dahil alam ni Dylan kung sino sa kanila ang totoo. "Can we talk?" baling niya sa nakaupong binata. Tumango lang ulit si Hunter sa kaibigan.

"Bantayan niyo ang isang ito. Huwag kayong pauuto." utos ni Dylan sa tatlo niyang kasama.

"Yes, Boss." nag-chorus pa nilang sagot.

"Stay if you want to lived until tomorrow." segunda rin ni Dylan kay Trevor na tahimik na nakaupo sa tapat ni Hunter bago ito tumayo at sinamahan si Dylan sa labas ng resto.

"We've been looking for you for the last few weeks. Mabuti naman at nakawala ka na sa mga tauhan ni Grey." ani Dylan pagkalabas nila sa kainan knowing na nakikinig parin si Trevor sa kanila.

"We've planned this long time ago but thanks for the effort and concern. Jake haven't told you, but I've failed to locate their place. I thought if they had me, I could see him but its just his minions who happened to guard the place. Mahirap ding magkunwari na mahina tayo at they test my limits already so I killed them. Tinira ko yung dalawa nilang tauhan para magsumbong sa kanilang amo." natatawa pang kwento ni Hunter nang masiguro na nilang disrupted na ang pagdinig ni Trevor sa kanila.

"Takte, halos magmakaawa na yung chicks na iniwan mo sa palasyo. Kahit ayokong maghanap dahil alam namin kung saan ka nila tinago, nagkunwari pa kaming di ka namin mahanap. Hirap kayang umarte." maktol ni Dylan na nakapamulsa.

Natawa si Hunter pero bigla rin siyang nagseryoso nang may maalala.

"We still have our cards, Dylan. Trevor Mallum, we can used him to lead us where they are. He knew the place." masiglang balita ng binata sa kaibigan.

"Great to know. Atleast nagbunga ang pagkukunwari namin. Grabe lang, sakit lang sa loob makitang umiiyak siya, lam mo yun?"

"Its better to be like that. You know her, wala siyang inaatrasan kapag may mali."

Tumango lang si Dylan bilang pagsang-ayon. Halos lahat ng mga nakapaligis kay Audrey ay alam ang ginawa nilang plano para sa pagkawala ni Hunter. Ang mismong ina ng dalaga ang naglagay ng barrier sa kinaroroonan ni Hunter noong mga panahong hinahanap siya ng dalaga. Kaya hindi magawang i-locate ni Audrey ang binata dahil sa kanyang ina kasama ang ilang mga matatandang witch na tumutulong sa mga bampira higit lalo sa pamilya ni Hunter.

"Inform the others to meet me at the palace tonight." ani Hunter na agad sinang-ayunan ni Dylan bago sila bumalik sa loob ng kainan.

"So what's the plan?" si Trevor. Nah! Isa rin ito. Kailangan nilang gamitin ang lalake para sa susunod nilang plano. Walang pakundangang kinagat ni Dylan ang kanang braso ni Trevor maya-maya. Napasigaw sa sakit at pagkabigla ang huli kayat naagaw ang atensyon ng ilang kumakain roon.

"Sorry, its just an act. We are practicing our lines." Dylan exclaimed because of the judgemental look from the eyes of humans who happened to be in that place also.

Nakangisi lang si Hunter. Now, plan B has already begun.

"W-why does he bit me?" mahinang tanong ni Trevor habang hawak-hawak ang ngayo'y unti-unting umiitim na sugat sa kanyang braso.

"You are aware that werevolves bite is fatal to us vampires. So, if you're trying to deceive us, you knew whats going to happen right? Dylan has the cure for that. " turo no Hunter sa kamay ni Trevor na may kagat ng lobo.

Alam nilang tuso ang bampirang nasa kanilang harapan kaya't tama lang na gawin ni Dylan na kagatin ito, nang sa gayun ay mapasunod nila ito sa kanilang nais at hindi sila tra-traydurin.

Umalis sila sa lugar na iyon pagkaraan ng ilan pang minuto at nagtungo sa kakahuyan. Kasama parin ang tatlong bantay ni Dylan, muli silang umalulong para magtawag pa ng ilang makakasama papuntang Santorini.

Makalipas ang ilang minuto ay isa-isang nagsidatingan ang malalaking lobo na magkakaiba ang kulay ng kanilang balahibo saka sila nagsimulang maglakbay.

Wolves are much stronger in their true form rather than human form,  though they still can fight.

They walked through an alley before they get into the woods.  Others were scanning the area in advance for their safety. They will proceed whenever the situation is cleared for them to travel.

=========================================
Date: 10/30/2018 @ 12:16am

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon