CHAPTER 3: Behind the Mantle

4K 110 1
                                    

Page 5: Behind the Mantle

Lumipas ang maraming sandali at uwian na nila Audrey sa pinapasukang pamilihan. Minasahe niya ang kanyang balikat saka nagtungo sa may locker room at kinuha ang kanyang bag saka muling sinukbit. Naglog-out na siya pagkatapos saka lumabas ng gusali. Nagtaka siya nang mapaliko sa may harapan at tumambad ang pamilyar na sasakyan sa kanya. Kumurap-kurap siya't baka namamalikmata lang siya pero andun parin yung nakita niya.

Para siyang nakakita ng isang modelo mula sa magazine dahil kahit gabi na'y hindi man lang nabawasan ang ka-gwapuhang taglay ng lalaking naghihintay sa loob ng sasakyan.

Lumapit siya sa nakaparadang puting kotse. Sakto namang lumabas ang taong naghihintay  mula sa kanyang pagkakaupo.

"Hi," bati ni Hunter.

"Akala ko umuwi kana," puna niya.

"Yeah, I went home a few hours ago. I just came back to fetch you." nakangiti niyang sagot. Pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse at iginiyang pumasok. Bilib na talaga ako sa kumag na ito. Ang dami namang babaeng pwede niyang pagtripan, ako pa talaga!

 He started the engine and drive off the road. Saka lang napansin ni Audrey na iba ang daang tinatahak nila pauwi. "Naku, sandali. Iba naman ang ating pupuntahan. Hindi ito ang kalye papunta sa bahay."

"We should eat first. I know you're tired and I won't allow you to go home with an empty stomach," anito saka hininto ang sasakyan sa harap ng isang restaurant. She was stunned after seeing the establishment's name.

"Ahmm, Hunter..A-ano kasi, b-baka hindi ko k-kayang bayaran ang pagkain nila dito," nauutal na naman niyang sabi. Paano ba naman kasi, sa isang mamahaling kainan siya dinala. Sa kabilang bayan pa sila napadpad para lamang kumain.

"Come on, lets eat." anang binata na hindi pinatulan ang sinabi ng kausap. Hmf!  Sa hindi ako sanay kumain rin sa mga ganitong klaseng lugar, maktol ng dalaga sa isip lang nang biglang lingunin siya ng binata. Oo nga pala't mind reader siya. Isshh! 

Pinagbuksan sila ng isang staff pagkarating sa main entrance ng resto. Pinili nilang sa sulok maupo at agad na nagserve ang mga waiter ng maiinom pagkaupo nila.

"Ang bilis naman ng kanilang services," puna ulit niya.

"That's why they're the best in town. And besides, I called them while you were working."

"So ibig sabihin lang nun na talagang balak mong hintayin ako kanina, tama?"

He nodded and played his goblet with a thick red liquid and sipped it from the glass.

"Pansin ko lang, ba't hindi mo ako lubayan? Baka kung anong isipin ng ibang tao pag lagi kitang kasama.  Hindi rin naman kita kaano-ano. Tsaka kaninang umaga lang tayo nagkakilala. Ayokong maeskandalo.  In fairness, mabait ka namang tao tsaka magaan ang loob ko sayo. But ---- it doesn't mean na pagbibigyan ko lahat ng gusto mo. And don't try to take advantage of me. " ani Audrey pagkatapos niyang nguyain ang sinubong pagkain saka uminom ito ng tubig.

"Let's  enjoy our meal first, " he said not minding what she dsaid. They continue to eat their food. She shrugged her shoulders. They talked and shared personal infos regarding their life.

"My mother died when I was fifteen. It was an accident, but they never found her body.  We just concluded that she's gone dahil narin sa mga ebidensiyang nakita sa crime scene. As if she was mutilated by something. I tried hard enough to continue whats left behind." anang dalaga. Dramatic actress talaga siya kasi with matching teary eyes pa ang peg niya. Tinanong kasi ni Hunter kung bakit wala siyang kasama sa bahay.

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon