PART 35: OWNING YOU

1.5K 67 3
                                    

WARNING: SPG Content

Matuling lumipas ang tatlong buwan. Nalagyan narin ng mas matibay na barrier ang Santorini sa tulong ng mag-inang Merideth at Audrey. Hindi basta-basta nakakapasok ang hindi residente ng Santorini lalo na sa palasyo maliban na lamang kung ito ay personal na inanyayahan ni Hunter.

Nakipagtulungan narin ang Guild sa kanila na magpatayo ng panibagong facility sa bayan ng Sardin na kampo ng mga taong lobo. Tiniyak nilang maskasya ang lahat ng mga tao roon na ililikas bilang paghahanda sa nalalapit na panibagong digmaan laban sa Black Empire.

Nakipagtulungan rin ang coven ng mga witches sa Mystic para maglagay ng barrier sa buong Sardin lalong higit sa Guild facility para sa buong kaligtasan ng mga nandoon.

Halos araw-araw ay nasa kagubatan ang ilang mga tauhan ng bawat konseho kasama ang mga nakatukang hunters na pinadala ng Guild para paslangin ang mga natitirang badbloods na naipakalat sa bawat bayan.

Ngunit isang bayan na lamang ang hindi pa nila napupuntahan, yun ay ang bayan ng Talim na kung saan ay matagal ng abandunado.

Nabalitaan lang kamakailan bago nila inilikas ang mga tao sa facility na may isang grupo ng kolehiyo ang napasyal roon para sa kanilang research. Pero sa kasamaang palad ay wala ni isa sa kanila ang bumalik ng buhay. Natagpuan ang kanilang mga bangkay sa border ng Sardin kayat iyon ang naging hudyat ng paglikas sa mga tao. Lumabas sa imbestigasyon na kagat mula sa bampira ang dahilan kung kayat naubos ang dugo ng limang estudyante na naging sanhi ng kanilang kamatayan. Halos hindi na mamukhaan ang mga ito dahil sa sobrang tuyot na ang kanilang katawan. Kung hindi lang sa mga damit at DNA samples na nakuha mula sa mga bangkay ay wala nag pagkakakilanlan.

Sa palasyo naman ng Santorini, nasa dungeon parin si Trevor na araw-araw ring sinusuplayan ng dugo gayundin ang lunas sa kagat ni Dylan.

Nalaman nila mula rito na sa bayan ng Talim nagtatago ang Black Empire. Pero hindi sila maaaring basta-basta nalang lumulusob dahil gaya ng Santorini ay nababalutan rin ito ng protective spell at hindi matukoy kung sino ang may gawa.

Nabigyan ng kanya-kanyang tungkulin ang mga tauhan ng bawat konseho. Maging mga tauhan ng Guild ay sumama sa pagkalap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa lugar na pinagpupugaran ng Black Empire. CCTV's are not enough to maintain the security within each city. And they can't let their guards down dahil baka anytime ay pwedeng lumusob ang mga kalaban.

Black Empire has been quite silent this past few weeks. All measures has been finally made. They are just waiting for the enemy to attack.

Ilang araw pa ang muling lumipas nang biglang makatanggap si Hunter ng tawag mula sa ibang bansa. "Yes ofcourse. I will fetch her myself." boses ni Hunter na kasalukuyang nasa loob ng kanyang opisina sa palasyo. Patuloy parin naman ang mga transaksiyon ng kanyang mga businesses here and abroad at ayaw niya namang magpabaya sa kabila ng mga kinakaharap na problema.

Tumayo ang binata mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at inabot ang kanyang coat saka sinuot pagkatapos makapagpaalam sa kausap.

Isa sa mga elder ang tumawag sa kanya at ipinaalam ang pagdating ni Amanda Crux na ngayon ay nasa airport. Kaya naman nagmadali ang binata para siya na mismo ang personal na sumalubong dito bilang respeto sa ama nito kahit siya pa ang kasalukuyang namumuno. Samantha's father has been good to him even before his father died. And besides, they've been childhood friends.

Palabas na siya ng silid nang makasalubong si Audrey na papunta rin sana sa kanyang opisina.
"May lakad ka?" tanong ng dalaga. Napahinto naman sa paglalakad si Hunter saka tinitigan ang nasa harapan. "Nakatanggap ako ng tawag mula sa Romania. Amanda has already arrived at the airport. "anito saka lalong lumapit sa dalaga.

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon