Chapter 1

11.1K 207 35
                                    

Third persons POV

Araw ng lunes, one week before opening of classes. Busy ang lahat sa usual na ginagawa tuwing summer... maliban kay Lexine.

"LEXINE ANO BA!!!" sigaw ng kuya nito.

"Bababa na po!" sigaw nito pabalik at dali daling bumaba.

"Ano ba?! Wala ka ng ibang alam na gwain kundi magkulong diyan sa kwarto mo! Ni sariling kwarto di mo malinis!..naku! pag ako naubos ang pasensiya..ipapakasal kita dun sa anak ni Mang Emir."

"Kuya naman! e mukhang nakahithit ng limang box ng baygon yun e!"

" E kahit ganun yun, maibubuhay ka nun ano!"

" Kuya naman eeh! kung gusto mo rin lang makaraos, edi ikaw magpakasal dun..dinamay pa ako eh."

" Loka-loka ka rin e no?" sabay amba ng batok sa kapatid na agad namang iniharang ang braso.

"Ma! si kuya oh!" sumbong nito sa ina na nasa kusina.

" Lemuel! tama na yan.Hali na kayo rito." pagkasabi nito'y bumulwak sa kakatawa si Lexine.

Alam nito na ayaw na ayaw ng kuya niya na tinatawag siyang Lemuel..ang bakla daw kasi pakinggan.

"Ma! Angelo po...Angelo! Nandidiri ako sa Lemuel na yan e!" ingit nito sa ina.

" At bakit aber? Halika't bumalik sa sinapupunan ko at papalitan ko pangalan mo."

" Si mama naman, di mabiro. Gustong- gusto ko nga po yung Lemuel e..hehe" palambing nitong saad at yumakap sa bewang ng ina.

"Asus! nanlalambing nanaman! May kailangan ka ano?"

"Grabe naman kayo! Porke nanlalambing lang, may kailangan na agad?" nakasimangot nitong sabi.

"Alam ko na yang style na yan..di mo ko madadali diyan."

"Hehe..si mama talaga,
kilalang- kilala niya talaga ako. Pengeng isang libo Ma, babayaran ko rin naman. Hindi pa kasi binibigay yung sweldo namin sa trabaho e."

" Mamaya nalang, kumain na muna tayo."

Sasandok na sana si Lexine ng kanin nang biglang may nag ding-dong sa labas.

"Lexine, yung boypren mo andiyan na." Lemuel

"Tumahimik ka! Kumain ka na nga lang!" Lexine

"Ano ba kayo! Nasa harapan kayo ng pagkain o...Sige na Sen, papasukin mo na yang BOYPREN mo."

"Isa ka rin Ma e! pareho kayong abnormal ni kuya." asar nitong saad at tumayo para buksan ng pinto yung boypren niya daw.

"O! bakit nan-" hindi pa siya tapos sa pagsasalita ng walang hiya-hiya itong pumasok sa loob.

"Bruha ka! ba't di ka pumunta kagabi ha?" nakahalukipkip nitong tanong.

"Bakit? mamamatay ba sila pag di ako pumunta?" pabalang nitong tanong sa bagong dating.

" Kainis ka rin e no! Siyempre..hindi."

"O e anong pinuputak ng bibig mong kamukha ng pwet ng manok diyan?"

"E siyempre naghintay kami sayo? ang BO mo naman."

"Anong BO?"

"BO...bobo, duh?"

" Ako pa talaga yung bobo ha. Bakit, sinabing ko bang maghintay kayo? Ilang beses ko bang sabihin sayo na ayaw kong sumali sa mga nightouts niyo. Kulit niyo rin kasi e..you know I prefer-"

" -books than bars. Yeah, yeah..whatever." pagtatapos nito sa sasabihin ng babae.

Wala itong hilig sa nightouts dahil mas gusto nitong tumambay sa kwarto at magbasa buong araw ng novels and comics. Not that she can't afford going into a party or something, it's just that she's not a party goer.

BEKI'S INLOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon