Third person's POVMagulong buhok, gusot na damit, wala sa sarili at higit sa lahat mugto ang mga mata. Yan yung sitwasyon ni Lexine ngayong araw.
" Huy!" tawag ng isang kaklase niya pero parang hangin lang na dinaanan niya ito.
" Andito siya...andito siya....andito siya..." tila wala sa sarili nitong sabi at paulit-ulit. Lumapit naman sa kanya yung kaklase niya.
" Oy LEXINE AGUIRRE!!" sigaw nito sa tenga babae kaya napatalon ito sa gulat.
" Ella naman! Ano ka ba! Ba't ka nanggugulat?!" hawak ang puso nitong sabi.
" E pano, parang wala ka sa sarili. Tingnan mo nga itsura mo! Ang panget mo na! Hahahaha..." tatawa-tawa nitong sabi at tinuro yung mukha ni Lexine. Napasimangot naman siya sa sinabi nito.
" Ano bang itsura ko?" tanong niya habang nagkakamot ng ulo.
" Mukha kang nanganak ng isang dosena." pigil tawa nitong sagot.
" Talaga? Mauna kana..powder room lang ako." sabi nito tsaka umalis.
" Anyare dun?" tanong ni Ella sa sarili at nagkibit-balikat.
****powder room****
Napatingin si Lexine sa repleksyon niya sa salamin.Tama nga si Ella, nagmumukha akong lumuwal ng isang dosenang bata. Ba't ba ako affected dun? hays...
Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili, dumiretso siya sa department nila. Agad naman siyang nakarating ng ilang minuto.
Nang tanghali na napagdesis-
yunan niyang pumunta ng cafeteria. Umupo siya sa table malapit sa bintana at agad na kinain yung inorder niya.Maya-maya'y may umupo sa harapan niyang kilalang-kilala niya ang pabango.
Namiss ko to...
Napangiti siya dahil alam niya na kung sino ang nasa harap niya kahit na nakayuko ito. Unti unti siyang tumaas ng tingin at mas lumpad ang ngiti nang makita ito. Hindi na siya nagdalawang isip na tumayo at yakapin ito ng mahigpit.
" Bakla!!! namiss kita!!!" sigaw niya at mas hinigpitan ang yakap.
" t..t..teka nga!!! Aray! nachochoke ako ateng!! s..sandali!!" sabay tanggal sa pagkapulupot ng kamay ng kaibigan. Nakahinga naman ito ng maluwag.
" Ang sama mo ah! Di ka na nagparamdam!" nagtatampo nitong saad.
" Ang sakit nun bruha ka! Multo ba ako para magparamdam?" saad nito habang hawak ang leeg.
" Huhuhuhu...beshy! namiss talaga kita! Payakap nga ulit!"
at umambang lalapit ulit sa kanya." Hep! hep! hep! Wag kang lalapit..dyan ka lang." pigil nito sa kaibigan pero hindi siya nito pinansin at dinambahan ulit ng yakap ang bakla.
Wala na siyang nagawa dahil namiss niya rin naman niya ang babae. Ilang araw na silang hindi nagkikita dahil sa hectic na schedule. Kakatapos lang din ng first sem nila kaya panibago nanaman.
Habang nasa ganun silang posisyon, hindi nila napansin yung mga matang nakatingin sa kanila. May ilan na kinikilig, meron namang umuusok yung ilong at may ilan ding kumukuha ng picture sa kanila.
" Eeee!...ang cute nilang dalawa!"
" You're right girl! Kung di lang bakla si Max, aakalain mong magjowa sila. Ang sweet.."
" Hays..kailan kaya ako magkakaganyan?"
" Mas nainlove tuloy ako sa mga bakla."
" Hoy! Bawal PDA dito!"
BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...