Chapter 19

4.7K 131 21
                                    

Max's POV

Nakangising pinagmasdan ko yung papalayo niyang pigura. Sabihin niyo ng nababaliw nako pero hindi ko maiwasang mapangiti kapag mukha niya yung nakikita ko. Bakla ako pero sa babae at kay Lexine lang tumitibok yung puso ko.
Kung tutuusin, sa lalaki dapat ako magkakagusto pero hindi ko kayang diktahan yung puso kung kanino ito titibok.

Mas lalong lumapad yung ngisi ko nang maalala ko yung nangyari kahapon. Nababaliw na talaga siguro ako pero ngayon lang nangyari sakin to.
I tasted it again and I want to claim that lips of her. Para akong adik, hindi sa shabu pero sa halik. Nung nasa Paris ako, palagi ko siyang naiisip lalo na yung isang gabing...you know.

Tumatalong nakangiti ako papunta sa sasakyan ko. Para akong teenager na kinikilig sa crush niya. Pero teenager naman talaga ako, di nga lang hanggang crush yung nararamdaman. Yes, I love her. Halata naman sa actions ko diba? Mahal ko siya. Period! No more chika.

Sumakay na ako ng kotse at pinaharurot ito palabas ng parking lot. Napangisi nanaman ulit ako sa naiisip kong ideya. Mas binilisan ko yung pagdadrive para mas maagang makarating.

Ilang minuto lang din at nakarating nadin ako sa pupuntahan. Nakita ko naman yung nakaparadang sasakyan sa harap ng bahay nila Lexi kaya bumaba ako ng kotse at nilapitan ito. Nang mapagtanto ko kung kay sino ito, dali-dali akong kumatok sa pinto nila at paulit ulit na pinindot yung buzzer.

Bumungad naman sa mukha ko yung nakangiting mukha ni ate Alex na hawak-hawak ang tiyan nito. Ngumiti naman ako sa kanya at nakipagbeso. Pinapasok naman niya ako at nakita ko yung asawa niyang si kuya Lemuel na nakaupo sa couch at kumakain ng piattos.

" Lemuel! Andito si Max." sabi ni ate Alex. Napatingin naman ito sa kinaroroonan ko at tumayo para makipagman-hug. Wala na akong nararamdamang kaba o kilig dahil may laman na yung puso ko.

" Bro! Kamusta na?"

" Okay lang naman kuya. Kayo? Sorry ate Alex hindi ako nakarating sa kasal niyo. Sakto kasing may fashion event nun."

" Ano ka ba, wala yun. May request sana ako sayo."

" Ano yun ate?" at naglakad papuntang sala.

" Pwede bang ikaw yung gagawa ng damit ni baby kapag nabinyagan siya? Kung pwede lang naman...hehe."
napatawa naman ako kay ate Alex.

" Walang problema ate. Leave it to me." at nagsignature pose bago umupo sa sofa.

" Teka...di mo kasama si Lexi?" saktong pagkasabi ni ate Alex nun ay ang pagbukas ng pinto. Speaking of the angel.

" What are you doing here?!" gulat niyang tanong habang nakaturo yung daliri sakin.

" Uh...nakaupo?" inosente kong tanong.

" I don't have time for your jokes. Answer me, what are you doing here in my house?" nangangalaiti niyang tanong.

" Bakit? Wala namang masama pag nandito ako diba?" tanong ko pabalik.

" Damn it! Just answer my f*cking question!" imbis na matakot ako sa pag-aalburuto niya, nagiging sexy siya sa pandinig ko. Hindi lang yata ako nababaliw, namamanyak na din yata ako. Ngumiti na lang ako ng sekreto para hindi niya makitang natatawa ako sa mga naisip ko.

" Well, I just want to visit Tita pero wala pala siya dito. Di mo manlang sinabi sakin. Buti nga nandito sila ate Alex." ay prenteng umupo sa sofa nang nakapandekwatro.

" Well salamat sa pagdaan, pwede ka ng umalis." pagsusungit niya.

" Lexi! Wag ka ngang bastos, bisita mo yan."

" Bwisita kamo!" at tumalikod para umakyat sa taas. Nakangisi naman akong nakatingin sa kanya.

" Baka matunaw." napaharap naman ako kay kuya Lemuel na nanatiling nanonood at kumakain. Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Tumigil naman ito sa pagkain at umayos ng upo paharap sakin. Si ate Alex naman ay pumuntang kusina para kumuha ng juice.

BEKI'S INLOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon