Lexine's POV
One week. One week na ang nagdaan pagkatapos ng field trip camp namin sa Bohol at one week nading hindi kami nagpapansinan ni bakla. Hindi ko nga alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya. Nakakahiya naman na lumapit at magfifeeling close after what I did. Promise di ko talaga intensyon yun.
I was dreaming of Joseph Marco na boss ko daw siya. Kinikilig ako kapag siya yung napapanaginipan ko. I thought sa panaginip ko lang ginawa yung paghalik sa kanya...akala ko lang pala. Namimiss ko na si bakla.
" Girl! LQ ba kayo ni papa beks?" tanong ng kaklase kong si Ella. Ngumiti lang ako ng mapakla dito.
" It's my fault."
" Bakit? May ginawa ka ba na pinag-awayan niyo?"
" It was an accident."
" Ano ba yun? sabihin mo nga!"
" Just promise me na hindi mo ipagkakalat to ah? At wag kang sisigaw." I'm doomed pag nagkalat to. Gusto ko lang na maishare yung problema ko para naman mabawasan yung bigat at humingi ng advice. Kailangan kong humingi ng sorry kay bakla.
" Cross my heart. Mamatay man ang pusa ng kapitbahay namin."
" Loka! e..kasi..ano e.."
" Kasi ano?"
" Kasi...hays.."
" Sabihin mo na nga! Pathrill-thrill ka pa e."
" Ano kasi.. si Max ..at..ako..." tsaka nagform ng parang nagkikiss gamit ang daliri at pinakita sa kanya.
" Aanhin ko yan?" napatampal na lang ako sa isip. Slow din nito e. Nakakatulong ka talaga day!
" Ako at si.. Max ay.." at nagform ulit ng nagkikiss. Tila nagets niya naman ang ibig kong sabihin dahil tumango-tango ito.
" Ah..yun lang naman pala e. Ano naman kung nagkiss kay- What?!! NAGKISS KAYO?!" malakas na sabi nito kaya napatingin yung ibang estudyante pati narin yung teacher namin sa pwesto namin. Tinakpan ko naman yung bunganga nito para di makasigaw ulit. Malalagot ako nito e. Nagkaklase pa naman kami.
" What with the commotion in there Ms. Aguirre?" tanong ni Ms. Alajay sakin.
" Ah..W-wala po ma'am. Kumakanta po kasi si Ella, pinapatahimik ko lang po." palusot ko na waley.
" If you want to sing Ms. Ramirez, sing outside. Do not disturb my class."
" Sorry ma'am." hingi ko ng tawag. Nagpatuloy naman siya sa pagdidiscuss.
" Ano ka ba? Kakasabi ko lang na wag kang sumigaw?" pabulong kong sabi. Nag peace sign naman ito sakin.
" Sorry naman nagulat lang. Pero totoo? Nagkiss talaga kayo?" naglalaki ang mata ang mangha nitong tanong. Tumango naman ako bilang sagot.
" Eeeee!!! OH MY GOSH! MaXine is real!!" impit na tili nito kaya sinuway ko.
" Ano ka ba! Pinagsasasabi mo dyan. Wala kaming relasyon...pero... di ko na alam yung gagawin ko."
" Don't worry, tutulungan kita." napaupo naman ako ng maayos sa sinabi nito.
" Talaga? pero..papano? Kapag nag-aaway kasi kami ng baklang yun ako yung nagsusuyo sa kanya. Ang hirap pa namang suyuin yun."
" Ano ba yung kadalasan nyong pinag-aawayan?"
" Kapag di ako tumuloy sa pinag-usapan namin, magtatampo yun pero shopping yung pangsuyo ko sa kanya."
" Eh kung suyuin mo din kaya siya. Sabihin mong sasamahan mo siyang magshopping."
" Di tatalab yan. Di lang ganun kaliit yung kasalanan ko e. Ella, hinalikan ko yung tao na di niya iniexpect na gagawin ko."

BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...