Third person's POV
Naalimpungatan si Max dahil sa sikat ng araw na tumatama sa balat nito. Napakusot siya sa mata nito at may poise na humikab. Inistretch nito ang dalawang braso at napatingin sa kabuuan ng kwarto. Napatingin naman siya sa isang frame na nakapatong sa bedside table. Napansin niya yung papel na nakaipit dito kaya kinuha niya yun. Napakunot noo siya nang mabasa yung sulat.
I'm sorry. Yun ang nakalagay sa sulat. Di niya alam kung para saan yung sorry na yun pero kilala niya yung penmanship nito.
Bumangon ito at dun niya lang naramdaman yung panlalamig kaya napatingin siya sa katawan nito. Kulang nalang ay lumuwa yung mga mata nito nang makita yung sarili.
" Aaaaaahhhhhh!!" tili nito at tinakpan ng kumot yung katawan at lumabas ng kwarto. Inilibot nito ang tingin at nakita niya yung mga kaibigan niya sa sala na umiinom ng kape. Napansin naman siya ng mga ito kaya yung ibang kakahigop pa lang ay napaubo nang makita siya sa ganung ayos.
" Max?! Anong nangyari sayo?!" gulat na tanong nila rito.
" Nakita niyo ba si Lexi?!" umiling naman sila.
" Diba dito yun natulog?"
" Di ko na naaalala basta ang alam ko lang umalis kayong dalawa ni Lexi. Akala ko nga umuwi na kayo. Teka...sa guest ka natulog Max diba?" tanong ng isa niyang kaklase. Tumango naman siya sa tanong nito. Nagulat naman sila nang may biglang humampas ng mesa kaya napatingin sila dun.
" Aha! Naaalala ko na! Hahahahahaha..." tatawa-tawang sabi nito.
" Ano? Sabihin mo samin!" at nagtipon-tipon.
" Di ba nga nag-inuman tayo kagabi? Tapos lasing na lasing na si Lexi nun at inaaya na ni Max na umuwi. Tapos nung daldal ng daldal parin si Lexi, sinabi ni Max na hahalikan daw niya ito pag di siya tumigil! Hahahaha.." kwento niya. Napakunot naman ng noo si Max dahil hindi niya maalala yung nangyari kagabi dahil alam niyang lasing na din siya nun.
" Tapos?! Anong nangyari?!" excited na tanong nila kay Eston na siyang nagkwento.
" Ayun! Hahahaha...gin-"
" OWEMGE!!" tili ng isang kaibigan nila kaya hindi natapos ni Eston yung sasabihin nila at napatingin sa kanya. Nakitingin naman yung iba sa cellphone na hawak nito at tila may pinapanood. Yung ibang nanonood ay tumili nadin. Dahil na rin siguro sa curiosity kaya lumapit na din sila Eston pero nakatayo parin si Max hawak-hawak yung kumot na nakapulupot sa katawan nito.
" Ano ba yan guys?" tanong niya pero wala miski isa ang pumansin sa kanya.
Bigla namang napahiyaw yung mga lalaki kaya sumalubong na yung dalawang kilay nito. Naghihiyawang napapatingin sa kanya yung mga kaibigan nito at yung ilan naman ay tinapik-tapik pa siya sa balikat.
" Dalaga na si Max! Lumalandi na oh!" sabay tapik sa balikat nito.
" OMG! I can't believe it! And I don't want to believe it!"
" MaXine is O to the M to the G!"
Dahil na rin may hinuha siyang siya yung pinag-uusapan ay umupo siya sa tabi ng kaibigang may hawak ng phone na agad ding binigay sa kanya para makapanood siya. Wala na siyang pakialam kung wala siyang saplot, gusto niya lang malaman yung pinagkakaguluhan ng mga kasama niya.
Nang makita niya yung video para siyang nawalan ng kaluluwa. Di parin nagpoproseso sa utak niya yung laman ng video kaya di niya napansin na wala na sa kamay nito ang cellphone na hawak nito kanina at nakita lamang ng kasamahan nito na nasa sahig na yung cellphone. Buti na lang at carpeted yung sahig kundi paniguradong umakyat na ng langit yung kaluluwa ng cellphone.

BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomansaI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...