Lexine's POV
Three days to go and start of classes na. Wala na akong dapat poproblemahin dahil naayos ko na yun ng maaga. Sa ngayon, tambay mode ako dito sa bahay...the usual routine, magbasa.
To tell you the truth, may oras na hindi ako naliligo dahil nawiwili ako sa kakabasa ng libro. And when I say libro..hindi lahat puro academic books, I'm also reading novels and wattpad.
Nag aadvance reading lang ako pag trip ko..hehe." Lexine Aguirre!! Pag di ka pa bumababa dyan, ipapakasal talaga kita sa anak ni Mang Emir! sige ka!" epal talaga tong tao na'to e!
" Andiyan na!!" sigaw ko pabalik.
Mabilis akong tumayo sa higaaan at dali-daling bumaba. Hindi sa takot akong ipakasal sa anak ni Mang Emir, kundi ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung marining ko yung bading na boses ni kuya..nandidiri ako e, daig pa yung boses ng babae sa tinis. Pasalamat nalang at matibay yung bahay kundi sa kalsada nalang kami natutulog ngayon.
" Wag ka ngang sumigaw dyan Lemuel!..mamaya baka lumindol..sige ka rin!" pang-iinis ko. Hahaha..priceless talaga mukha ni kuya..kamukha niya si kingkong pag naiinis..haha.
"Tumigil ka dyan ah! Isang beses mo pa akong inisin..ipapakasal na talaga kita dun sa-"
"Oo na..oo na! titigil na!"
Umupo ako sa kaharap na upuan ni kuya tsaka sumandok ng pagkain.
" Uy.. si mama?" tanong ko.
" May pangalan ako Lex ah.. hindi Uy!"
" Ay! talaga?ano namang pangalan mo?..Ay oo nga pala! LEMUEL ANGELO AGUIRRE.. ang dakilang bading." sabi ko at enimphasize ang full name niya na masama ang tingin sakin at hawak -hawak yung tinidor... ready na siya na tusukin ako kahit anong oras.
" Lex.." pagbabanta nito. Ayan na, napipikon na..haha
" Sabi ko nga, tatahimik na." at pinagpatuloy ang pag kain.
Three minutes passed before one us spoke.
" Lumabas si mama, niyaya daw ni Tita Silva mag kape."
" Wala bang kape sina Tita at sa labas pa talaga magkakape?" pamimilosopo ko. Tiningnan naman ako ni kuya ng seryoso. Sabi ko nga, quiet na.
" Aalis kami ni Alex ngayon, ikaw ng bahala dito." sabi niya saka tumayo kaya tumayo na rin ako. Ayokong maghugas ng plato ano. Hindi sakin yung schedule ngayon.
"Oooppps! Sandali!" I shouted as I ran to the door and spread my arms widely to block him from going out. Wow! english yun a...
" Bakit ba? Aalis na'ko!" sabi niya ng nagmamadali.
" Kaninong schedule ngayon?" I asked crossed arms. Sandali siyang nagisip tsaka nakangiting asong tumingin sakin. Oh no! I have a bad feeling about this..
" Lex....please. Pretty please...Bibilhan kita ng pasalubong." he said pleadingly. Napantig naman ang tenga ko dun.
" Talaga? Hmm..okay."
" Great! what do you want?"
" 2 gallons of cookies cream, 3 dairy milk and 2 boxes of hawaiin pizza. Oh! and 1L of mogu-mogu strawberry flavor. That's all. Now go, go, go..
shoo!" pagtataboy ko sa kanya.
Haha... nangagati na yung mga kamay ko... food is coming.---- 6 hours later-------
" Hey spongebob! Look at me!"
" Patrick noooo!!!!"
" Aaaaahhhhh!!!"
" Help! help!"Sa loob ng anim na oras, wala akong ginawa kundi ang manood ng tv at nakasalampak sa sahig. Hininhintay ko parin yung pagkain. Oo..yung pagkain talaga.
BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...