Third person's POV
Apat na araw ng nanliligaw sa pagsuyo si Lexi kay Max at hindi ito tumitigil hangga't di siya nito napapatawad. Araw-araw siyang naglalagay ng letter sa locker ng bakla o minsan naman ay isang tangkay ng red rose na may kasamang chocolates.
" Max. LQ ba kayo?" napaangat naman ng tingin si Max sa tanong ni Shiela.
" Sinong LQ?"
" Kayo. Ikaw at si Lexi."
" Gaga! Wiz kaming relationship ng bruhang yun no. We're just beshies."
" Pero umaasa? OH MY GOSH! Lalaki kana Max! Uy! May crush siya!" kantyaw ng babae sa kanya na ikinapula ng kanyang tenga. Gusto niyang sabihing hindi pero may part sa kanya na pumipigil. Tumahimik na lang siya at yumuko habang si Sheila ay todo kantyaw naman sa kanya.
" Sinong may crush?" parang siyang nabato sa kinauupuan nito nang marining yung boses ng taong pinag-uusapan nila. Umupo ito sa tabi niya kaya mas lalo siyang yumuko para hindi makita ng babae ang namumula nitong tenga.
Pero dakilang mapaglaro talaga yung tadhana. Nagulat siya nang hawakan nito ang magkabilang pisngi at pilit na pinapaharap ng babae sa kanya. Lalo namang namula hindi lamang yung tenga niya kundi pati na rin yung pisngi niya na agad napansin ng dalaga.
" Oy! Okay ka lang ba? Namumula ka Max oh! May sakit ka ba? Kumain ka ba ng hipon? Ano sabihin mo!" pag-aalala nito sa kaibigan. Napatitig na lang siya sa mukha ng dalaga at hindi niya ito maalis-alis.
Di alintana ang mga matang nakatingin sa pwesto nila, o sabihin na nating, sa kanilang dalawa. Si Shiela naman ay impit na tumitili sa kanyang nasaksihan.
" Uy Max! Sumagot ka!" napakalapit ng mukha nito sa bakla kaya malaya niyang nakikita ang kagandahan ng babae. Mula sa buhok nitong natural na mahaba, maitim at malambot, sa mga mata nitong may pagkasingkit, sa ilong nitong biniyayaan sa tangos, pababa sa labi nitong natural sa pula. Napapatitig siya dun ng matagal at napapalunok. Sumagi sa isip nito ang sinabi niya noong pagkatapos ng insidente. Gusto niya muling matikman ang labing yun.
Pero hindi pa niya nagagawa nang bigla nalang umingay yung cafeteria. Napatingin sila dun sa pinagmulan ng ingay kaya binitawan na ng babae ang mukha nito. May pumasok na ilang mga lalaki na nakasuot ng varsity jacket.
" Sinong mga yun?" tanong ni Lexi sa kanya pero hindi niya ito sinagot at tumingin nalang sa pagkain sa mesa nito na malalim ang iniisip.
" Sila yung mga varsity players ng volleyball for boys. Mga seniors yung karamihan sa kanila. Sa narinig ko, kukuha pa daw sila ng ibang players." si Shiela nalang ang sumagot sa dalaga.
Napatingin naman yung mga bagong dating sa table nila kaya napakunot ang mga noo nila lalo na si Lexi. Nagsimula ang mga itong maglakad papalapit sa table pero nanatiling nakayuko si Max.
Nang tumigil ito sa harap ni Lexi, inilahad ng isang matangkad at chinitong lalaki na sa tingin niya ay yung captain ng team nila dahil sa nakalagay sa jacket nito." Hi! Lexi right?" tanong nito at nakatulala naman ang dalaga nang marinig ang baritonong boses nito. Nakalahad parin yung kamay nito kaya agad niya itong tinanggap. Di alam na may nakatingin ng masama sa kamay nilang magkahawak.
" Yeah. I'm Lexi. Do you need anything?" at bumitiw.
" Bryle by the way. I just want to ask, you're friends with Maximus Laurel right?" tanong nito at napatango naman siya. Di naman nag-angat ng tingin si Max kahit na narinig nito ang pangalan.
" Yeah. May kailangan kayo sa kanya?" taas kilay na tanong nito sa lalaki. Malay ba niya na bisexual pala yung lalaki at gusto niya si Max. Pero di siya papayag dun. Alam niya kasing ang mga ganitong lalaki yung type ni Max kaya kahit wala pang sinasabi yung lalaki sa pakay nito, nag-iisip na siya ng paraan para mailayo si Max sa kanya.
BINABASA MO ANG
BEKI'S INLOVE!
RomanceI woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my schoolmates. I looked around the room of I don't know whom and my eyes landed on the back of a stranger sl...